ten

17 0 0
                                    

Akap - Ten

***

Pass 3am na pero gising parin si Zach. Kailangan nyang pumunta sa site bukas dahil may meeting ang mommy nya with a new client. Hindi lang yun basta meeting, kundi ay bidding. May bagong client/investor ang gusto magtayo ng condominium malapit lang sa kanila at ito nga ang pinuntahan nya. Pag-nanalo sa bidding ang construction company na partner nya ay sigurado na sya na nga ang supplier nito. Malaking project din yun at sobrang panghihinayangan ng mommy nya kung hindi man nila yun makukuha.

Kahit pano ay pinilit nya padin ang matulog para naman hindi sya haggard mamaya sa site. Pero mata nya lang talaga ang nahihirapan dahil kusa din itong dumidilat.

"Ahhhhhhhh!"

sigaw nya. Magisa lang sya sa kwarto. "Pakshhheeeeettttttt! Bakit kasi nakisabay pa ang meeting ni Mommy?" Kahit anong gawin nya ay hindi sya makatulog sa sobrang inis.

"Kainis, bakit kasi wrong timing ang bidding?"

Napakamot nalang sya sa ulo at naupo sa kama. "Mukang hindi na ako makakauwi nito." Gusto na nyang maluha sa lungkot. Ang damina nyang utang na panahon kay Charlie ng mga nakaraang buwan dahil sobrang busy sya sa school. Puro major subjects kasi anh kinuha nya last sem para konti nalang ang matirang major subjects next sem.

Liwanag nalang ng buwan ang ilaw nya na tumatagos sa bintana. Sinundan nya yung ilaw ng buwan at dinala nun ang mata nya sa laptop na nasa study table nya.

Naka-save dito ang mga picture nila ni Charlie nung huling uwi nya. Naalala nya kung gaano kasaya nun si Charlie. Miss na miss na nya ito. Ang lahat kay Charlie.

Binuksan nya yung laptop at isa isang tinignan ang picture nila nung nagputa silas sa Enchanted Kingdom. Kasama sina Yen at Kevin. Double date yun.

Paulit ulit nyang pinapanuod ang slideshow ng pictures nila. Sabihin ng para syang tanga pero hanggang ngayon e natatawa padin sya. Kung paano? Halos lahat kasi ng pictures na kuha ng cam nya ay stolen shots!

Kung bakit tuwing may lakad sila any nasa leeg lang nya ang cam nya ay dahil hubby nya ang stolen shots or kumuha ng pictures na hindi planned yung actions.

Imagine nyo nalang ang ilan sa mga stolen shots nyang ito:

1. Pagpasok ni Charlie sa Entrance ng EK passing the guards after the inspection, nalaglag yung pouch nya este, nasa hangin pa nga sa kuha ng cam nya. (Hindi ito alam ni Charlie na trying hard habulin ang pouch dahil andun ang phone nya.)

2. Si Charlie at si Yen na holding hands ang kanan at kaliwang kamay na sabay pang tumatalon dahil nakuha ni Kevin ang Jackpot sa color game! (Nakapikit silang dalawa na parehong nakalutang sa hangin habang magka-hawak kamay.)

3. Si Charlie habang natutulog sa passenger's seat, nakasandal sa bintana ng kotse na hiniram ko kay Tito Kier, kayakap ang teddy nyang si Mizie na regalo ko nung birthday nya. (Kasing laki ng unan nya sa kwarto si Mizie na ipinagtahi pa nya ng damit na dress)

Ang dami ng mga pictures sa camnya na hindi nya halos ipahawak kay Charlie kasi alam nyang buburahin nun ang pictures na hindi nya magugustuhan. Bakit? kasi nga stolen shots ang trip ni Zach.

Pagkatapos ng ilang pictures ay may pinanood syang vdeo nila sa Anchor's Away. Natatawa kasi sya sa sobrang hiyaw ni Charlie nun. Panay nag sigaw nya na sobrang nakakabingi. Sa video na yun dinig na dinig ang tawa nila Yen at Kevin na may hawak nun ng video.

"Best, ok ka lang?"

Habang tawa ng tawa si Yen.

"Uwaahhhh! Ayoko na best! gusto ko na bumaba! Uwahhhhh!"

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon