Akap - Eleven - Poster Making

53 0 0
                                    

Akap - Eleven

-Charlie-

Ang bilis ng oras kung tutuusin pero bakit parang ang bagal?

Iniisip ko ngayon ang anniversary namin ni Zach. Hindi kung paano ito mangyayari, kundi kung paano pa ito magiging masaya kung wala naman si Zach dahil hindi naman sya uuwi.

Masaya ang celebration ng first at second anniversary namin dahil parang birthday party ito kung i-celebrate namin kasama ang family namin. Sa inaanticipate kong malungkot na third year anniversary namin, mukang walang magandang gawin sa ngayon kundi ang isipin yung masayang annivesaries namin na magkasama.

Naaalala ko pa yung tarpaulin na pinagawa pa ng mom nya. Ang cake na surprise nila Papa at Mama para sa amin pati narin yung dedication video na ginawa nila Ate Mike at Kuya Red para sa amin. Nung mga panahon na yun, pakiramdam ko kasal namin ni Zach. We were never a perfect pair. but with the people around us, we feel we are the perfect couple.

Yung ang pinakamasayang araw na kasama ko si Zach na ayaw kong makalimutan.Long distance man ang relationship namin ay masaya naman kung i-celebrate namin ang araw na naging kami -ULIT. Mahal na mahal ko sya and I do hope he does the same thing after all.

"Dalawang contest ang related sa subject natin and I wanted a representative from this class." sabi ng Professor namin.

"Anong contest naman yun Sir?" tanong ni Chris na katabi ko. Bukod sa Math

 ay classmates din namin sya sa Humanities 2 ni Coby. The same sa Math subject ang seating arrangement namin. Di kami nagusap-usap. Nagkataon lang na ito yung gusto ng Prof namin. Awkward man eh no choice kami. Ako pala, na gumitna sa kanilang dalawa.

** Coby ** Charlie ** Chris **

"Poster Making at Sculpture gamit ang perla bar soap."

"Ash, Sir!"

"Yes, Mr. Ramos?" Si Chris yun. Christophe Ramos kasi sya.

"I think I can recommend one for the Poster Making." masayang sabi nya.

"Oh, that's great! But we need the person to be one in this class."

"Yes, Sir. I know Ms. Gann can do it!"

"What?!" And so the most unexpected suggestion just caught me. Hinila ko paupo si Chris sa lahat ng force na meron ako. "What the???! Stop that Christophe!" pabulong pero mariin na sabi ko.

Ako na pinaka maingay sa lahat ng kaya kong sabihin pero pinaka-pipi sa bagay na gustong gusto kong gawin. Oo, mahilig ako mag-drawing. Ewan ko ba. Ito ang nagpapasaya sakin sa mga panahon na bored to hell ako. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Chris yun. Takteng lalake ito, stalker ata ito eh?

"Thank you for that Mr. Ramos." Nakita ko syang may binabasa at sinusulat sadala nayang ewan ko pero mukahang checklist kasi para syang may chini-check. "Wow, I can't believe it. Ms Gann, You'll be the only girl contestant in Poster Making. So, allow me to congratulate you in advance." masayang sabi ng Professor namin. Teka, bakit parang kampante ata sya na sasali na talaga ako? Hindi pa naman ako pumayag diba? DIBA?

Bigla nalang nagpalakpakan ang mga classmate ko habang feeling ko naman umiinit ang cheeks ko. umuko ako hanggang sa kulang nalang ibaon ko ang mukha ko sa desk ko. NAKAKAHIYA! Gusto kong pagipunan ang lakas para masapak ko ang dalawang katabi ko dahil sila ang unang pumalakpak.

"Yay! This is great. Galing mo Pre!" sabi ni Coby kay Chris.

O__O

Nag-api silang dalawa sa tuwa na kasali ako sa Poster Making? Nag-apir sila sa harap ko the very moment na itinaas ko ulit ang mukha ko to face the reality. Naiirita na talaga ako sa kanila.

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon