Akap Thirteen

13 0 0
                                    

Akap Thirteen

-Charlie-

Ramdam kong namumugto yung mga mata ko ngayon. ewan ko ba, nakakainis naman kasi na ganito ang dinanas ko sa buong araw na ito. Malas bang talaga ko or I'm just that hard headed na hindi ako marunong makinig sa mga tao sa paligid ko.

Huminto na yung sasakyan sa garage ng isang malaking bahay. Naramdaman kong bumaba si Coby na nasa tabi ko kanina. Nilingon ko sya na ngayon ay nakasilip sa akin.

"Ok kana ba? Tara sa loob?" I wonder how kind this guy to act as if nothing had just happen.

"O..oo." Yun lang ang nasabi ko. Nahihiya ako. Sa pagod ko kakalakad kanina pakiramdam ko ang baho baho ko na. Nakaka.insecure lang yung katabi ko kasi naman ang bango bango padin nya hanggang ngayon. Ano kayang pabango nito? Mukang bench. Well, yun lang ang alam ko kasi yun lagi binibili ni Kuya, infairness ang bago naman talaga.

Back to reality. Hindi ko na matandaan ang nadaanan namin kanina bago kami nakarating dito sa dining area. After all the drama kanina, ito lang naman pala ang hinihiling ni Coby sakin, yung may makilala ang Mommy nga na friend nya sa school. Don't blame me if I wonder why of all the students eh ako pa? Anyway andito na kami. Close ako sa mga magulang ni Yen unlike any of my friends. Ewan ko lang sa bagong friend ko na ito. Teka nga bat parang kinakabahan ako?

Humarap samin ang isang magandang babae. Ito na siguro yung Mommy ni Coby. Ang ganda. Kung sya ang basehan ng kagandahan ng isang babae, masasabi kong "kuko" palang ang ganda ko kung ikukumpara sa kanya. Yung totoo para naman syang Korean Pop Star, di sya mukang nanay nitong si Nerdy Coby.

"Hi, Mom." Nakita ko yung ngiti ni Coby. Para naman ngayong lang sila nagkita ng nanay nya after years?

Pinanood ko lang sila. Ang cute. Para sa hindi nakaka.kilala sa kanila malamang na pagkamalan silang magkapatid. He introduced me to her. Lahat ng kaba ko parang di ko na naramdaman hanggang sa natauhan ako na tumatawa na pala kaming tatlo habang kumakain. Natigil kami nung marinig namin ang yabang ng isang tao na pababa ng hagdan.

"Mom, I'm starving." bumaba yun isang batang lalaki at lumapit sa amin, particularly sa Mommy nya. Ang cute lang, ang taba ng cheeks eh. ^_^

Dun ko nalaman na may kapatid pala si coby na 7 years younger than him. Ang galing naman. Sa amin kasi, ako na yung bunso. Ako yung baby ng lahat, minsan nakakainis lang kasi nasa akin yung atensyon kasi yung Ate at Kuya ko were older enough to handle their own selves. 

The night went through smooth enough. Ang saya din kausap ng Mommy nya na para bang magkakilala na kami way back my life before today? Ay shhhss.. ano ba itong iniisip ko. A basta, mabait ang Mommy nya, na miss ko tuloy si Mommy. I know she's fine about the fact ba male-late ako ng uwi since nagtext naman ako sa kanya kanina nung nasa byahe pa kami  ni Coby.

"Wait lang Charlie, I'll just check something ha." di na ako nakasagot nun kasi bigla nalang nya akong iniwan sa sofa at kumaripas ng takbo pataas ng hagdan. Minsan may galaw ang mga lalaki na hindi ko talaga maintindihan, Hay ewan.

May kung anong nagtulak sakin para tignan ko ang relo ko, it's already seven thirty in the evening! Nagpanic na ako. Ba naman! Ito na ata ang unang araw na hindi ako online sa usapan namin ni Phoenix. Ang tagal pa ni Coby sa taas. 

Binabantayan ko na yung oras. Eight minutes to be exact nun umakyat si Coby. Bababa pa kaya ng Nerdy na yun? All of a sudden nagsisisisi na ako na sumabay sa kanya paguwi.

After I think forever, bumama na din sya. Napatayo naman ako agad sa kinauupuan ko.

"Coby!" Napasigaw ako ng di sinasadyan. Naman kasi atat na ako umuwi eh ang bagal naman nitong Nerdy na ito.

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon