AKAP - two
-Charlie-
A month ago...
“Charlie, kamusta na pala si Zach?” tanong ni Tito Mon na nakatingin sakin.
Sandaling napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko. May kung anong kurot na naramdaman ako sa sarili ko. “Ok lang naman Tito, malapit na daw ang sembreak nila.” Nakayuko padin ako.
“Ano naba ngayon? July na pala kahapon lang, eh kelan ba ang sembreak nya?” tanong nya ulit. Napansin kong walang imik sila Tita at nakatingin lang ito samin ni Tito habang naguusap kami. Tinignan ko sila ni Ate na pareho ang mga mata na nakatingin sakin. Both of their eyes were waiting for the same thing, ----my answer.
“Sabi nya po three weeks nalang sila then aayusin pa nya yung papers nya bago umuwi.” Nakayuko akong sumagot sa tanong ni Tito sakin. How come I feel like being impatient about the time? It’s as if I don’t feel like it ever runs.
Thank god natapos din ang dinner na tila habang buhay kong hinintay. I fished my phone from my pocket. Simula ng umalis sya halos di ko na ilayo ang cp sa tabi ko. I’ve always been waiting for him to text me. Kinilig naman ako ng makita kong may text si Zach.
Goodeve baby. Mahal na mahal kita.
Gusto kong tumalon sa kinatatayuan ko. Nagingiti pa akong nagreply sa kanya. Dinedma ko nalang muna ang dami ng hugasan sa harap ko. Sandali lang ito, magrereply lang ako. Sigurado naman na makakapaghintay ang hugasan ko.
“Oy, parang baliw lang ah?” Si Ate Mike pala. Oo Mike ang gusto nyang itawag sa kanya. Astig daw kasi. Mikaela ang pangalan nya. Naiirita sya kapag tinatawag na Ela kaya naman Mike nalang ang tawag naming sa kanya.
“Walang basagan ng trip, Ate.” Pangaasar ko sa kanya. Ng bigla naman syang lumapit sakin.
“Si Zach yan no?” tanong nya. Dedma lang ako kasi nakafocus ako sa reply ko kay Zach. Hindi pa nakuntento at sinilip pa nya ang cp ko. “Sabi na nga ba eh.” Bigla syang dumistansya.
“Ate naman eh.” I pouted.
“Masaya ka ngayon ha. Baka isang araw umiiyak kana naman.” Sabi nya. She’s raising her eyebrow towards me.
“Move on na Mike. Pauwi nadin sya. 1 month nalang.” Ngumiti ako ng masaya sa harap nya at hinawakan na ang sponge para umpisahan ang paghuhugas ng plato.
“Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?” Natigilan ako at tumingin sa kanya.
Alam ko naman na minsan ay naiirita ako sa kanya pero mahal na mahal ko talaga sya eh.
“Oo naman ate. Mahal nya ako.” Tugon ko. At binaba na agad ang tingin ko sa kanya.
I’m not waiting for his text for he already said he’s going to sleep. He’s taking much time for review for the upcoming exam. I turned to my phone and checked the time. It’s already pass eleven and I am still awake as if I don’t have appointment in school the next day.
I still can’t sleep. What Ate Mike told me kept playing on my head..
Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?
Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?
Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?
Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?
Sigurado kabang ikaw ang uuwian nya?

BINABASA MO ANG
Akap
Roman pour Adolescentsa.k.a Phoenix Gaya ng ibong malayang lumilipad at nakapaglalakbay sa kahit saan sa mundo. I use to hide myself behind the name. I had too. It's just when I found out that there can be another place to find somebody to talk to. Because I am mute. Not...