AKAP - SIXTEEN

4 0 0
                                    

Akap - Sixteen

- Coby -

Ilang linggo na yung dumaan na puno ng kaba sa amin mga contestant. Kung bakit ako napasali dito para sa sculpture? Dahil lang naman kay Charlie.

Mamaya pa naman ang start ng contest ng sculpture kasi yun ang pinaka.mabilis na matatapos. May isa't kalahating oras para sa ibang contest kasama na yung kay Charlie na halos 2 hrs kasama na kasi dun  yung coloring proper. Yung babaeng yun mautak, gusto nya damay ako sa kaba na meron sya.

Nagpaalam na sya sakin kanina pagkatapos ibigay sakin ung gamit nya na itago ko raw sa locker ko. Simula nung umuwi sya galing sa bakasyon sa Maynila may ilang pagbabago akong napansin sa kanya. Hindi naman yun agad agad kasi later this week lang sobrang matampuhin sya. Dati pa naman syang matampuhin sabi ni Yen pero sa tingin ko MAS pa ngayon. Kung bakit? Ewan.

Palagi na nyang pinapatago ang books at bag nya sa locker ko. Parati kaming sabay umuwi simula ng sabihin nya na gusto nyang sumabay nalang sakin pag.papasok sa campus since pareho naman halos kami ng sched. One time nag.extend kami ng ilang minutes sa room for a meeting about student council's election. Di namin  namalayan ang oras at nawala rin sa isip ko ang lunch. Pagkatapos ng meeting nakita ko sa labas si Charlie nasa bench malapit sa pinto. Nakatingin sya sa mga classmates ko bawat isang lumalabas. Sa kabilang pinto ako lumabas nun kaya di nya ako nakita habang kitang kita ko naman sya.

Hinintay kong lumabas lahat ng classmates ko pati ang prof namin. Andun lang ako sa kabilang pinto na laging closed tuwing uwian. Nakita ko syang tumayo at sumilip sa loob ng room kaya yumuko ako at nagtago sa likod ng upuan. Alam kong napansin nya na bukas yung kabilang pinto pero di na sya nagaksayang lumapit dun.

Tumayo ako nang maramdaman ko na lumabas na sya ng room. Ewan ko ba. I'm not into playing hide and seek with this girl but I feel like enjoying what's happening. Pagsilip ko sa labas andun  padin sya. This time nakasampa ang mga paa nya sa bench habang yakap nya ang mga tuhod nya  nakayuko sya at tagong tago ang mukha. Before I get near to her, I noticed she was shaking. She must be crying!

Sa taranta ko, bumilis ang lakad ko papunta sa kanya at naupo sa tabi nya. Hindi sya gumalaw. Jeez.

"You wan't to eat?"

Gumalaw sya. She maybe have recognized my voice. Pagkakita nya sakin nakita kong namumula yung mga mata nya. Ilang minuto palang naman nung lumabas sya sa room eh ganun na ba karami ang naiyak nya? Bigla nya akong niyakap na muntik pa nya ika.laglag sa bench buti nalang nahawakan ko sya and embraced her in return.

"Aka..la..ko..u..malis..ka..na." umiiyak padin sya.

Ano nagawa ko?

Grabe sya umiyak, daig pa nya si Coco nun baby pa sya way back then. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal na syang umiiyak hanggang sa tumunog ang bell. Inihatid ko sya sa next room nya kung san mag.classmates kami. Pareho na kaming nalipasan ng lunch break. Mabuti nalang at last subject namin pareho yun kaya nakapag.lunch parin kami kahit paano.

Pauwi na kami nun at naglalakad papunta sa naghihintay na si Kuya driver sa parking nun may narinig kaming kalembang ng bell ng dirty ice cream. Nakita ko syang huminto at pinanood ang dirty ice cream habang papalayo ito ng papalayo. Ang weird nya talaga.

Halos mapanisan na ako ng laway sa byahe na wala syang imik. Hindi man lang ako pinapansin at sa buong byahe ay malungkot sya. Pakiramdan ko napakalaki ng kasalanan ko na nagtago ako sa kanya kanina. Pero bati na kami kanina nung lunch at nagbago lang ang mood nya nung marinig nya ang bell ng dirty ice cream.

Kahit gaano ko kagusto na tanungin sya ay di ko naman magawa. We've been friends for months yet masasabi kong there was this secretive attitude of her that I cannot disturb even if most of the people we knew considered us as best friends with Yeng, of course.

"Bye Coby. Goodnight." with that pumasok na sya sa bahay nila. Ever the coldest Charlie I've known.

...

Also Known as Phoenix:

hi.. good eve. ;)

...

Naka.log off sya ngayon.. Hay.. parang gusto ko ng pagsisihan na pinagtripan ko ng hide and seek kay Charlie kanina. Karma ba sa akin ito? Suddenly parang ang lungkot ng mundo.

...

The next day, hindi pumasok si Charlie. Masama daw ang pakiramdam nya sabi ng Mama nya. Hindi ko na tinanong kung bakit. Umalis nalang ako at pumasok mag.isa. Buong araw na malungkot ako sa campus. Sa ilang buwan na halos araw araw ko syang kasama sobra naman atang lungkot na absent sya ngayon.

Naiiyak ako. Pero hindi ako iiyak. Baka may maka.kita eh ma.bansagan pa akong bading. Tsk. Ewan talaga. Kung hindi lang matindi ang diskriminasyon sa mundo siguro malayang umiyak ang mga gwapo gaya ko pag malungkot.Wait, gwapo? Ok. Ako yun. Wala naman sigurong papalag. Hehe.

Kahapon lang halos itulak ko na sya sa sobrang pangaasar nya sakin sa contest. Hindi ko naman masabi na full support yun ng isang kaibigan --according to her-- kasi naman yung cheer nya kahapon sa contest?

"Go Darren! Woohhhh!"

Ang totoo. Hindi naman namin classmate yun Darren na yun saka di hamak na mas maganda pa yung lotus na ginagawa ko compare sa walang kamatayang rose na ginagawa nya. Tsk. Inaamin ko may hitsura din naman yung Darren kasi maputi. Oo maputi. Period.

Buti nalang andun si Yen.

"Go Aguilar! Amazing naman yan, panalo kana!".

Napaisip tuloy ako kung sino ba talaga sa kanila yung mas matagal ko ng kaibigan. Parang si Yen kasi eh.

What do you expect? I won the contest. Hindi naman ganun ka.ganda yung ginawa ko. Pa.humble effect. Sadyang mas gusto lang ng judges plus charm kasi. Ang talino ko sa part na yun. Hahaha -evil laugh.

Three thousand. Sa isang ukit lang nagkaroon ako ng three thousand. Akalin mo yun? Dahil dun nilibre ko sina Yen at Charlie sa Tamakimix! (Isang buffet na gawa gawa lang naman ni author from Tamagoya and Yakimix.) Di naman ako nagkamali kasi pareho silang nagenjoy sa pagluluto lalo na si Yeng at si Charlie naman halos puro desserts ang kinuha. Grabe mas lalake pa yung mga imbakan nila kumpara sa meron ako.

In short, ang saya saya namin tatlo kahapon tapos ang lungkot ko naman ata ngayon.

Iyak na. IYAK NA!! Langya, ayaw makisama ng luha ko sa pag.e.emo ko. Tsk.

BUZZ...

Hey!

napabalikwas ako sa kama ko nun narinig ko yung buzz from my laptop. Muntik pa akong madapa sa pagmamadali. Di naman ako excited?

...

hi. gud eve din. ♡

...

Ay shet. Heart ba talaga yun? Ito ba yung pakiramdam na kilig? Parang  gustong lumipad ng tyan ko sa tuwa. It's been so long since our last chat. Like, 2 days. Yeah, ang tagal kaya nun.

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon