D7~

1.3K 98 33
                                    

Now Playing: I know by Rapmonster and Jungkook

(Click the video above)


Gab's P. O. V

*tok tok*

Kinatok ko ulit ang pinto.

*tok tok*

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Oh gab. Napabisita ka" salubong sa akin ni Namjoon. Sya ngayon ang bantay ni Jimin.

I nodded.

"Ayan natutulog sya. As usual. Ganon parin tahimik"

Sinilip ko ang natutulog na si Jimin. Feeling ko ang lungkot lungkot nya parin habang natutulog.

Hinawakan ako ni Namjoon sa balikat. "Gab, maiwan ko muna kayo"

Napabuntong hininga ako bago tumango. Kinakabahan pa ata ako.

"Sige. I'll be back in 30 minutes." kumaway sya bilang pamamaalam. Muli, tinanguan ko lang sya.

"Andito ka na pala" nagulat ako sa nagsalita. Umayos sya sa pagkakahiga nya.

"Ahm kararat--

"Antagal kitang hinintay"

Napahawak ako sa dibdib ko. Feeling ko bigla nalang itong sumikip.

Tama sya. Bihira lang akong bumisita sa kanya.

Napatingin ako sa kanya. Mapait syang ngumingiti.

"Gusto kitang makita pero di ko magawa." nahuli kong may tumulong luha sa mata niya.

Napangiti ako. Hindi parin sya nagbabago. Bakla parin pagdating sa akin.

Dahan dahan akong napapunas ng mata ko. Hindi ko namamalayan pati ako naiiyak narin. Tama. Namimiss ko sya.

"Gab. Miss na kita"

Napahinto ako sa sinabi niya. Eto nanaman siya....

Wala akong nagawa kundi magpunas ng luha. Ugh jimin bat mo to ginagawa sa akin?


"A-ko rin" hindi ko alam kung gano ba kalakas ang hikbi ko para marinig niya. Ang alam ko lang, inaabot nya ang kamay ko para hawakan niya ito.

Lumapit ako habang mapait na ngumingiti. Langya hindi ako ganito dati dahil nakokornihan ako sa mga ganitong drama ni Ate Menchi at Kuya Taehyung dati. Pero ngayon na nararanasan ko na, hindi ko alam pero feeling ko ang saya saya ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Antaba mo pa rin. Please magdiet ka"

Hinampas ko sya ng mahina. Alam ko pinapangiti niya lang ako.

"Gusto mo ng sapak? Bibigyan kita" biro ko rin. Mejo naiilang parin ako na magkayakap kami ngayon.

"Kung di pa ako mabubulag. Hindi pa kita mayayakap. Bat ganon? Ang hirap mong abutin"

"Ang korni mo kahit kailan" hays ganito ba talaga sa feeling? Kinikilabutan ako dahil sa bewang ko sya nakayakap.

"Aminin mo. Gwapo pa rin ako"

Natawa ako sa sinabi niya. Minsan kailangan mo siyang sakyan para lang sumaya siya. Kaya pagbigyan niyo na.

"Oo na lang"

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon