D26~ Plans

1.2K 45 67
                                    

Namjoon's P. O. V

Ilang days na ang nakalipas bago ko marealized na ilang days narin pala kaming nandito sa ospital ni Irene. 2 days? Diko na alam. Nadischarge na si jimin lahat lahat e nandito parin si irene sa ospital. She isn't sick at all. Sabi ng doctor, stressed out lang sya nung isang araw kaya ganon nalang ang naging epekto ng panghihina nya. Kung tutuusin, pwedeng pwede na rin syang madischarge. Pero sa nakikita ko, mukhang ayaw nya pang lumabas dito.

"Wag mo akong iiwan" hinawakan nya ang kamay ko habang nakatingin sa kawalan. Nakikita ko sa mga mata nya ang takot at the same time yung lungkot. Ilang days nawala si Taehyung sa tabi nya pero hindi sya nag abalang tanungin sa akin. I think she knows what taehyung is up to. She knows it all pero tinitiis nya. Alam kong maraming may ayaw sa kanya pero para sa akin, sya parin yung dating Irene na kilala ko. She's just being controlled and manipulated. Wala lang syang magawa. Naaawa ako sa kalagayan nya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay nya. I looked at her eyes. And smiled.

"Hindi kita iiwan"

Kitang kita ko kung paano nagsunod sunurang tumulo ang luha nya. She hugged me. Sobrang higpit. Para syang takot na takot. Niyakap konalang din sya pabalik as a comfort. Kunwari nalang, naguguluhan din ako sa nararamdaman nya ngayon.

I wouldn't let her know that i am aware of her situation and what she's going through right now. All I have to do is to take my actions wisely and secretly. Mahirap magpadalos dalos. Hindi natin alam ang mangyayari sa huli.

Inayos kong maigi ang bed nya at doon, inalalayan ko ulit sya sa paghiga. Tahimik lang sya at tila parang ang lalim ng iniisip. I tap his head. Para lang akong may pinapatulog na bata.

Habang ginagawa ko yun, chinat korin agad si Jin sa messenger para mapadala na yung lunch namin dito mejo late na for lunch pero di parin sila dumadating. Ayaw kasi ni Irene ng pagkain dito sa ospital kaya si Jin muna ang hiningan ko ng saklolo.

Me: Kelan mo kami balak pakainin?

Habang naghihintay ng reply, hinimas himas ko nalang yung tyan ko. Gutom na gutom na kasi talaga ako. Paano nalang tong si Irene?

Jin: Otw na. Yah! May kasalanan ka!

Ano? Ano nanaman ba nagawa ko!?

Me: What?

Jin: Ano to!? *picture⬇️*

Oh f*ck oo nga! Nalimutan ko!

Me: It wasn't me. I closed the door.

Jin: Mambubulabog ka nalang nga kagabi, dimo pa sinara pinto ko. Sabi ko sayo kagabi isara mo yung pinto ko pag alis mo e.

Laka nagalit nga.

Me: Hiniram kolang yung damit mo tas sinara ko naman pinto mo pagkalabas ko e.

Jin: Does that look closed to you Huh? Kita mo bukas na bukas. Kita mong ang lamok sa dorm e.

Natawa nalang ako ng mahina. Ganito talaga to e. Masyadong masinop. Kamusta naman kami.

Me: Im sorry baby

Napatawa ako ng mahina. Mapipikon nanaman to mamaya. Diko ba alam kung san nya napupulot mga jokes nya. Pikon naman kung minsan haynako talaga.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin ni Irene.

Agad syang lumapit sakin at pinitik ako sa tenga. "Baby mo mukha mo" nagtawanan kami. Kinuha ko sa mga kamay nya ang mga dala nyang pagkain. Naamoy ko si Jin at amoy gasul pa sya. Malamang sa malamang eh sya mismo nagluto ng mga to. Mejo mainit pa kaya mukhang mapaparami kain ko nito. Agad kong inalis sa balot at hinanda na ang mga pagkain para makakain na kaming tatlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon