D9~ One Love

1.2K 83 34
                                    

(AN: Guys kung feel nyong maki iyak iyak. PLEASE PINDOTIN ANG VIDEO PARA MORE EMO. hahahaha kung ayaw nyong umiyak okay lang din. Sanay na akong paasahin. HAHAHA char. So ayun. ENJOOOY~)



Menchii's P.O.V



NOW PLAYING: One Love by Acel Bisa 

Ilang minuto siguro akong pinagtitinginang nakalupasay sa sahig bago ko marealize na hindi ako dapat lang umiyak at mag aksaya ng oras sa sitwasyong ito.



Agad akong tumayo at unang nakita ng mata ko ang escalator na katabi lamang ng stall ng cotton candy na binilhan ko. Hindi ko alam pero hindi nako nagdalawang isip na bumaba dito


Pagbaba ko, lalo akong napaiyak sa bagay na unang bumungad sa akin .


"J-horse" sambit ko habang hindi mapigilang mapaiyak at mapait na ngumingiti.


Habang dahan dahang naglalakad, unti unti ring nagfaflashback sa akin ang mga panahong kasama ko pa si Taehyung. Yung time na nag away pa kami kung carousel ba yan o jhorse. Yung time na pinag e-aegyo nya ako para makasakay lang ako dito. Yung every date namin, laging sa Jhorse ang uwi. Nakakamiss. Nakakabaliw. Sobra.


Napapunas ako ng luha ko.



Hayss ang drama ko. Nawawala na anak ko, pero eto parin ako, si Taehyung parin ang hanap hanap ko.  Nakakainis lang na naipon na ng naipon yung pagkamiss ko sa kanya. 



Ang Hirap. Hindi ko parin matanggap.



"Ki-Seok" wala akong paki kung mukha na akong basang sisiw dito sa kakaiyak. Ina ako at mahirap ang pakiramdam ng nawalan at ilang beses pang NAWALAN. Ayoko na. Takot na akong mag isa.



Hindi ako tumigil sa kakalingon, nagbabaka sakaling magpakita sa akin si Ki-Seok. Hindi ako dapat tumunganga at mag abang nalang ng balita.



Nagsisimula nang manginig ang buong katawan ko. Sino ba namang hindi pag nawawala na ang anak mo? Unang nangyari na to kay Ki-Cheul. Pero doble na ang kaba ko ngayon. Para akong sinaksakan ng tubo sa katawan. Hindi na makahinga sa kaba.


"Ki-Seok Please. N-andito na si Mommy" lumalakas na ang iyak ko. Oo. I admit, napaka iyakin ko


Inayos ko ang sandals ko na mejo napipigtal na sa kakalakad. Nanlalabo narin ang mata ko sa kakaiyak. Pero hindi ako titigil. Mahahanap ko ang anak ko.


Bumalik ako sa tabi ng scalator kung saan malapit ang Carousel. Mahilig kasi yun sa Carousel


Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng kadamit nya. 


"Ki-Seok?" nagmadali akong tumakbo papunta sa kanya. Wala na akong paki kung sabihan ako ng baliw. Atleast, I've found my child.

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon