D13~

1.8K 82 45
                                    

Author's Note: Hi mahaba haba ito XD Pakiclick nalang ang video for Background music. Ulit ulitin nyo nalang kasi alam kong bitin sa sobrang haba nito lol. PARA DAMANG DAMA BES. ICLICK NA! :---) MAGANDA BES ANG KANTA XD 



Dedicated to @kimparkjeon95 Enjoooy <3



NP: This love by Davichi (DOTS OST BES XD)



Menchii's P.O.V



Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong tulala. Minsan pakiramdam ko nakakalimutan ko nang may mga anak ako. Hindi ko maiwasang mang hina twing naaalala ko kung paano kami nagkita. Imbis na matuwa, hindi ko alam kung bakit ang sakit. Ang sakit sakit. Namiss ko ang mukha nya. Yung katulad noon.... Ngingiti, mangyayakap, mangungulit. Hindi katulad ngayon. Parang hindi na nya ako kilala. Parang hindi na ako yung taong alam nyang minahal nya. Hindi ko parin maiwasang mapaiyak tuwing naaalala ko lahat ng mga bagay na ginawa nya para sa akin. Ngayon ko narerealize kung gaano nya ako minahal noon. Ngayon lahat nagsisink in sa akin. Para akong tanga. Pagod na pagod na akong umiyak pero sobrang masakit na talaga. Gustong gusto ko ng sumabog. Gustong gusto ko syang habulin.. hanapin. Gustong gusto ko syang yakapin. Yung sobrang higpit. Yung masusulit lahat ng yakap na  hindi namin nagawa sa tagal ng panahon na hindi kami nagkikita. Gusto kong halikan ang noo nya. Gusto ko na syang iuwi at surpresahin na eto na.. finally may anak na kami. Na magkakapamilya na kami. 



Pero heto ako..



Mag-isa pa rin.



Umiiyak na parang tanga.



 Yung taong nandiyaan lagi para sa akin, ngayon hindi na ako kilala.



Masakit. SOBRA.




"Noona" nakaramdam ako ng kamay na dahan dahang pumunas sa mga mata ko. Napakurap ako. Nagising ako sa realidad. Umiiyak nanaman ako.



"Noona. Alam kong masakit. Pero alam kong matapang ka. Nakayanan mo nga noon di ba? Ngayon ka pa ba susuko ngayong alam mong buhay sya?"



Bahagya akong yumuko para hindi ipakita ang luhang kumawala nanaman sa mata ko. Matapang? hindi ko na alam. Minsan, gusto ko naring sumuko. Pero ewan ganito na ata talaga ako katanga sa pag ibig. Kahit masakit, yung puso ko pilit paring kumakapit. 



Si Taehyung.. Sobrang mahal ko sya 



"Please iwan mo muna ako dito" hindi ko sya tinignan bagkus ay nanatili lang akong tulala. Umiiyak. Gusto ko munang mapag isa.



Nakakainis. Bat ba sa tuwing nasasaktan ako nasa ospital ako? Pwede bang dapuan nalang ako ng sakit? Yung sakit na isang atake lang diretso morge na? Hindi yung ganitong inuunti unti ako. Hindi ko na kaya.

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon