D25~ Last Day

1.2K 46 18
                                    

Menchii's P.O.V

Umaga...

Namulat ang mga mata ko sa liwanag na sumisilaw sa mukha ko. Hindi dahil sa araw kundi dahil sa silaw ng matang nakatitig sa akin. Lalo akong nasilaw ng unti unting lumiwanag ang mukha nya nang ngitian nya ako. Ngiting square na tanging sya lang ang mayroon. Ngumiti ako pabalik. Hinawi nya ang buhok ko.

Dahan dahan kong iginalaw ang kanang kamay ko papunta sa noo nya. Napangiti ako nang mahawakan ko ito. Mula sa noo, ibinaba ko ito sa matangos nyang ilong. Muli, napangiti ako. Ang gwapo talaga ng kokey na to. Ewan ko ba pero parang tinupad na talaga ni Lord ang mga pangarap ko. Gusto ko lang naman talaga eh yung lalaking kaya akong mahalin at pasayahin habang buhay pero napaka generous talaga ni Lord sa akin may bonus pang kagwapuhan at ka-hot-an minus mo nalang yung kulit at pagka weird nya minsan. Hayyy twing kasama at nakikita ko sya may urge talaga sa akin na gusto nalang mapasigaw ng "Taehyung!Mahal kita" yung tipong mapapaos ako agad once na isigaw ko yun. Hayy nababaliw na talaga ako sa lalaking to. Aghhhh!!!

"Morning" bulong nya sa akin habang nakangiti. Mas lalong lumalim at naging husky ang boses nya dahil nga kagaya ko, kagigising nya lang din. Kagigising nga lang ba? Weeeeh? 

"I love you too" biro ko kaya naman agad nyang dinagan sa leeg ko ang kamay nya. I thought sasakalin nya ako pero nagulat ako nang yakapin nya ako ng sobrang higpit.

"Hmmm. Sana ganito lagi." ramdam ko ang ilong at bibig nya sa bandang noo ko at ako naman heto naipit sa bandang chest nya. Niyakap ko sya pabalik. 

"Hihintayin kita" tumulo ang luha ko. Pero pinunasan ko agad. ngumiti nalang ako kahit alam kong di nya ako nakikita. Alam kong bahagya syang nagtaka sa sinabi ko. Babae ako at hindi naman ako manhid. Alam kong may dahilan kung bakit bigla bigla nalang nya akong dinala dito. Hindi ako tanga na basta nalang sasama ng di ko alam. Una oo clueless ako pero habang tumatagal na kasama ko sya dito, may iba. Alam na alam ko. Hindi kami nandito para magtanan o magliwaliw lang. Kilala ko si Taehyung. Magaling syang magtago oo, pero mas magaling akong manghuli ng sikreto. I know may dahilan kung bakit gusto nya ako makasama ngayon and I know something will gonna happen soon. Very soon..

Tinap ko agad sya sa likod at agad na hinila ang kamay nya. Sayang ang oras kung mahihiga lang kami dito at magtititigan.

"Kokey, tara na gala na tayo. Mainit na mamaya oh!" tinuro ko ang bintana. Ang ganda kaya ng view ng dagat pag umaga.

Nagkunwari syang hindi makabangon. Parang bata nagpapabigat pa. -_-

"Weeeh gusto molang hilahin kita eh" nginitian ko sya ng mapanukso. Lalo nyang inextend ang kamay nya. This time yakap na ang hinihingi nya. 

Napabuntong hininga ako bago napailing. Kahit kailan talaga damoves eh. 

Ano pa bang magagawa ko? Malandi tong kasama ko. T_T

"Lika na nga" agad akong naglean down sabay yakap sa kanya ng mahigpit. I kissed his cheek "Napakalandi talaga" nag gigiggle lang sya habang dahan dahang bumabangon. 

Inayos ko saglit yung bathrobe  ko nang makabangon nako mula sa kama. Buti nalang talaga at di to nabasa kagabi. Ang cute pa naman at ang comfy suotin. 

Nang lumingon ako kay Taehyung, nakita kong kasusuot palang nya ng bathrobe nya. Tignan mo to sarap kaltukan talaga eh. Nasasanay matulog ng nakashort lang. Pag to nagkapulomonya nako sinasabi ko sa kanya mapapalo ko to sa pwet.

"Yaaaah! Magshirt ka na next time pag matutulog ka na ha!?" 

Nagulat ako nang bigla nya nalang akong ngitian at kindatan ng mapanukso. "You don't remember?"

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon