D3~

1.6K 102 48
                                    


Menchii's P. O. V

"Annyeooooong!!!" pagkaway kaway ko habang itinatapat tapat sa mukha ng tatlo ang camera kung saan vinevideohan ko sila.

"Say annyeeeong na daliii!!!" pamimilit ko pero kita parin ako sa camera.

Nakita kong bumungisngis lang si Ki-Cheul. Si Ki-seok naman hinahawakan ang lens ng camera.

Pero si Ki-Woon na sobrang kulit at sobrang makasat ay hindi ko alam kung bakit nananahimik at parang wala sa mood.

Kinapa ko ang noo nya pero okay naman. Nakakapagtaka lang na ganito sya ngayon at hindi manlang ngumiti kahit isa.



"Ki-cheul tawagin mo nga si Appa. Say appa" pagtuturo ko sakanya pero tinitigan nya lang ako.


"Anak. Patayin nyo nayan. Nasa airplane tayo" suway sa akin ni mama.


"Saglit lang to ma. Odali. Pag sinabi kong appa, kayong tatlo magsalita kayo ha? Ha? Makinig kayo sakin. Nanay nyo ako abaaa" feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga katabing pasahero. Yung iba napapangiti pag nakikitang pumapalakpak o tumatawa yung tatlo. Kanina naman, natuwa ako kasi naglapitan yung mga flight attendant at binati nila isa isa yung tatlo at pinisil pisil sa pisngi bago kami umalis.


"A-ppa?" tanong sa akin ni Ki-seok na napapakamot sa ulo nya.

Tumango ako. "Oppo. Appaaaa. you say appa." turo ko pa pero pumalakpak lang sya.

Aayusin ko sana ang seatbelt ni Ki-woon ng bigla akong kalabitin ni Ki-Cheul. At nagulat ako ng bigla syang tumuro sa bintana.


"A-ppa!" sigaw nya habang walang tigil sa pagturo sa mga stars na nakikita nya mula sa bintana. Gabi na kasi at eto kami palipad papuntang Korea.

Napangiti ako habang tumatango


"Appa is right there" sabi ko sabay turo rin sa mga stars na tinuturo nya. 


I sighed deeply. Feeling ko parang tutulo nanaman yung luha ko. Ano pa nga ba? Namimiss ko na sya.


Pinunasan ko ang pawis ni Ki-woon kasi parang pinagpapawisan sya eh malamig naman. Ewan ko ba pero parang mejo nakakaramdam nako ng kaba. Pero siguro feeling kolang yun. Baka talagang ganyan sya.



"Pababa na kamiii. Yayy! Koreaaa we're hereee!" bati ko sa camera habang itinututok ulit sa tatlo. Binalaan na kasi kami na mag lalanding na ang eroplano kaya kailangan ko na talagang i-off tong camera.

"Annyeeeeonnnggg" pamamaalam ko sa video habang kumakaway. Natuwa ako kasi sumabay silang tatlo sa akin.

KOREA ANDITO NA KAMI ^_^



********


{Incheon Airport, Korea 8 pm Kst}



"Maaa. Tara na inaantok natong tatlo. Sino pa hinihintay natin." nauurat kong reklamo sa nanay ko.


"Yung tatay mo. Maghintay ka lang. Teka puntahan ko lang sya saglit" sabi nya sabay mabilis na naglakad habang walang tigil sa kakalingon na akala mo eh may hinahanap.



Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon