D20~ Starting over again

1.8K 77 22
                                    

(Paki click nalang po for BG music. Favorite ko to guys hihi Kdrama pa more! Lol)

Now Playing: A lot like love by Baek A Yeon (Scarlet Hearts Ryeo OST)

Menchii's P. O. V

"Mukhang masusundan na natin sila ha?" ---Taehyung

O________O

Hinampas ko sya ng mahina sa braso bago kinurot sya ng matindi sa ilong.

"Napaka mo! Alis!" utos ko bago ko sya inalog alog para umalis sa tabi ko. Gaya ng utos ko, umalis nga sya pero tinabihan nya parin ako. He kissed my left cheek.

"I love you"

Agad akong napahawak ng pisngi. Hindi ko maiwasang mamula. Ang tagal tagal kong naghintay marinig tong 3 words mula sa kanya at ngayon, hindi ko akalaing ngayong gabi, parang sirang plaka nyang pinapaulit ulit ito sakin.

Tumingin ako sa kanya. Nagtitigan kami bago ngumiti sa isat isa. Para lang kaming mga tangang nagtatawanan sa wala. Kahit alam kong pogi sya at hinding hindi ko makakalimutan tong mukha nya, hindi ko parin mapigilan ang mga mata kong tumitig sa kanya.

Yung mata nya, pilik mata, yung ilong, yung pisngi... Yung labi... At yung noo. Nakakainis pero oo sobrang napakaperpekto. He's a living art of god na hindi ko alam kung bakit hinulog sya sakin. Do I really deserve him? This kind of perfect man infront of me? Parang...hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang siya ang tatay ng mga anak ko. Hindi ako makapaniwalang mamahalin ako ng koreanong alien nato. I love him... I really really really do. T____T

"Kokey" pinindot ko sya sa pisngi. Hindi parin kami nagbibitawan sa pagtitigan. Walang gustong sumuko sa amin.

tinaas nya yung makapal nyang kilay na brown "Hmm?" napangiti ako nung ngumiti sya.

"Patingin nga nung ano...nung n-oo mo" nginitian ko sya ng malapad. Yung pacute.

"Eto?" tinaas nya ang buhok nya sabay pakita sa akin ng nagniningning nyang mga noo. Again, na starstruck ako.

"I love youuu" sabi ko ng walang kamalay malay habang nakatitig parin sa noo nya. Kainis! Mahal na mahal ko ang noo nya! Nakakainis! Napakaganda! Napaka gwapo! Nakakainlab yung noo nya!

"I love you too" tumawa sya.

"Hindi ikaw!" reklamo ko habang nakatitig parin sa noo nya. Ang cute nya lang tignan habang hawak hawak yung bangs nya sa harap para lang ipakita sakin yung noo nya. Para syang bata.

Sumibangot sya bigla bago nagdadabog na tinakpan ang noo nya.

"Goodnight" sabay higa nya at takip ng kumot.

Kinalabit ko naman sya at niyugyog ng niyugyog.

"Uyyy! Kokey! Napaka ano mo naman eh! Mas maarte ka pa sa mga anak mo nubayaaan!" nagkamot ako ng ulo. Hindi mo talaga kami mapagsasama. Una, sya napakamatampuhin tapos ako, mabilis maubusan ng pasensya. Kamusta nalang mga anak namin? Kanino magmamana? Aigoo!!

"Kokey!" kinalabit ko ulit sya. Gaya ng kanina, umarte sya na parang akala mo eh hindi nya ako naririnig. Saglit akong napatitig sa kisame at napangiti ng mapanukso.

"Huh ayaw mo ha" sabi ng isip ko.

Huminga ako ng malalim at nag ayos ng buhok. Yari ka sakin.

"Kokey" malanding bulong ko sa parte ng tenga nya. Napansin kong kinilabutan sya.

"Pst" nilandian kopa

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon