D15~All Of A Sudden

1.7K 82 35
                                    


DEDICATED TO: _mhyzllkm_ ENJOOOOY :">

BGM: All of a Sudden by Krystal Jung. 

(Please Click the external link above )



Menchii's P.O.V 




"Ki-Woon please wag ng makulit sinasabi ko sayo maoospital ka nanaman pag uwi eh" inayos ko yung buhok nyang natatakpan ng bangs nya. Humahaba na rin kasi yung mga buhok nila pero ayaw kong pagupitan. Ang cute kasi nila. Gusto ko laging naiipitan.




"Noona oh! Si Ki-Seok nananapak" kumunot ang noo ko nang ibaling ko sa kanila yung atensyon ko. Si Ki-Seok nakataas na ang kamao nya kay Mingyu




"Sige lang Ki-Seok sapakin mo lang yan" inirapan ko lang si Mingyu bago sumandal ng maayos habang kandong ko si Ki-Woon. Si Ki-Cheul naman nasa likod namin. Hawak nila Mama. Balik Pilipinas na nga pala kami.




"Noona naman" sumibangot sya pero diko nalang pinansin. Ewan ko ba kung bakit ang sama ng loob ko sa kanya. Eh inabot nya lang naman sakin yung ticket papuntang Pilipinas. Hindi naman sya yung nagdesisyon na umalis na kaming Korea. Kasama pa nga namin sya eh. Pero ewan ko ba ang sama talaga ng loob ko sa kanila. Pati kila Mama. Hays ang sama ko na ba?




Nagsimula ng lumipad ang eroplano at heto ako tinatapik lang si Ki-Woon habang nakatingin sa bintana. Naaalala ko nanaman yung panahong papunta palang kami sa Korea at tinuturo nila yung langit at nagsasalita sila ng 'Appa'.  Buong akala namin nandoon na siya. Nakakainis nasasaktan pa rin ako. Ewan ko na hindi ko na alam kung paano ko i-eexplain yung nararamdaman ko. Sino ba kasi yung babaeng kasama nya?




Kaya nya ba kami iniwan dahil dun sa babae nya?




Kaya ba sya nagpapanggap na hindi nya kami kilala para maging malaya sila?




Paano naman ako? Paano naman kami? 




"Noona paiyak ka nanaman. Diba sabi ko sayo mukha kang ano kapag umiiyak ka? Tigil mo nga yan!" bulong nya sakin kaya tinutok ko agad sa mukha nya yung kamay ko. Kinurot ko yung ilong nya.




"Mukhang ano ha!? Wag mo nga akong kausapin" lalo akong humarap sa bintana para di nya ako makita. Pinunasan ko yung luha ko.

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon