D17~ Birthday Proposal

1.7K 71 16
                                    

After 1 hour...

Jin's P.O.V

"So paano na ang plano natin? Bukas na ang pa-pool party ni Bangsi." singit ko nang mapansin kong wala ni-isa ang nagsasalita sa aming pito. At oo, kasama na namin si Taehyung. Nalaman narin ng buong grupo ang tungkol dito kaya eto kaming lahat, nagpaplano kung paano sya matutulungan.

"Dapat mamayang gabi na yon. Pero syempre hindi tayo ready. Bad timing pa." pinaikot ikot lang ni Namjoon ang bote ng mineral sa kamay nya. Hinihintay nalang namin kasi ang doctor para sa discharge ni Jimin dito sa ospital.

"Dapat maging maayos ang plano natin." -Jimin

"At dapat, wala lagi sa scene si Irene" -Jhope

"Tama! Dapat bigyan sya ni Bangsi ng maraming schedule!" -Jungkook

"Sya lang naman kasi ang nagpapakomplikado sa sitwasyon. We wouldn't be like this kung hindi lang sya bumalik." -Suga

"Need my help?" napalingon kami sa taong kapapasok lang mula sa pintuan.

"Bangsi" sumbong namin ni Jungkook sa kanya

"I just got her schedule. Pinagawa ko ito sa isa sa mga staff ko. Since minove ko ang party at bukas na sya, saktong bukas ng gabi sya magstart ng recording for her cover song. Pano ba yan? Wala nanaman kayong poproblemahin?HAHAHA" ngumiti sya sa amin.

Napatayo kaming lahat at agad na niyakap sya. Bakas sa mga ngiti namin ang relief. Hindi na namin alam kung anong mangyayari sa amin kung wala sya. Nakakahiya dahil lagi nalang sya ang nagiging takbuhan namin. Halos problemahin narin nya lahat ng problema namin.

"Thank you. Thank you" bulong ni Taehyung sa kanya habang hindi parin bumibitaw. Gaya namin, bakas rin sa mukha nya na mejo nakahinga na sya ng maluwag. Pero hindi parin maaalis na kapansin pansin ang pagiging malungkot nya. Nakakapanibago talaga. Hindi kami sanay.

"You are always welcome. Parang anak ko na kayo. Sino pabang magtutulungan hindi ba? Tayo tayo rin naman. You are not just a group, & I am not just your CEO. We are a family" lalo kaming napangiti sa sinabi nya. Siguro ito na rin ang isa sa mga pinagpapasalamat ko dahil ito ang nagpapalakas sa amin. Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, matatatag pa rin kami. Hindi kami nagsisising maging parte ng company nya. He is like a father to us. 

"At dahil mejo awkward na, let mejust give you good vibes naman. By the way anong balak nyo sa pool party ko? Maglalasingan nanaman ba kayo?" tumawa si Bangsi habang napapatingin kay Taehyung. Inaabangan ang reaksyon nito.

"Nako! Basta may alak, may balak!" singit ni Jimin habang tumatawa.

"Parang gusto ko na rin kasing sundan ang yapak ni Taehyung. Kahit quadruplets man lang diba." tumingin si Jhope sa kisame na akala mo eh pinipicture out nya ang mangyayari. Binatukan sya ni Suga

"Gago. Maniac mo pre!" 

"Sooowsss akala mo hindi ko kayo nakita ni Hannah non ha! Kayo kaya nahuli. Anong oras na nasa swimming pool pa rin kayo! Malalandi!" pambibisto ni Jhope. Sinamaan sya ng tingin ni Suga pero tumawa lang sya. 

"It's her Birthday on the other day" singit ni Taehyung sa aming lahat. Napatingin kami sa kanya.

"Nino? Ni Menchii!??" sabay sabay naming tanong sa kanya. Tumango lang sya at napakagat labi. 

"Ang bilis naman" -Suga

"Kaya pala nagtatanong si Peach sa akin kung anong pwede nyang gawin para kay Menchii...hmm Birthday na pala talaga nya in two days" -Jin

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon