D19~ CHITA IS BACK!

1.8K 91 40
                                    


Menchii's P. O. V

"Happy Birthday Orbi" napangiti ako nang halikan nya ako sa labi. Niyakap ko sya ng sobrang higpit. He tapped my back at doon ako lalong napaiyak.  May feeling sa akin na gusto syang iuwi at yakapin nalang magdamag. Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya na kasama ko na sya ngayon. Sa hinaba haba ng araw na hinintay at umasa ako sa kanya, eto na finally..Kasama ko na sya.

"Thank you" lalo kong binaon ang sarili ko sa dibdib nya. Halos mabasa kona iyon pero hindi nya naman ininda. Hindi parin talaga ako makapaniwala. Parang nung isang araw lang hindi ko matago sa sarili kong nagseselos ako. Nagseselos ako at the same time nasasaktan sa fact na may iba na sya. Ngayon, lalo akong naguluhan... Paano sya? Ang babae nya? Paano ako? Dalawa na kami sa buhay nya. Hindi mali. 5 kami. 5 kaming nagmamahal sa kanya. Yung mga anak namin.. Ako.. Bat hindi ba pwedeng bumalik nalang kami sa dati? Parang lalo akong naguguluhan. Lalong ang hirap. Kung itutuloy namin to, may masasaktan.

"Get a room! Get a room!"

Agad kaming napatingin ni Taehyung sa bintana. Napangiti ako nang makita si Jhope na pinipilit ipagkasya ang ulo nya sa maliit na bintana. Sinisilip nila kami.

"Hyunggg" reklamo ni Taehyung na parang bata. Nakakatuwa at may mga ugali syang hindi parin nagbabago. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Ang sarap sarap nyang yakapin. Sobrang namiss ko sya.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Kasabay noon ang pagpasok ng ibang members sa loob. Agad akong humiwalay sa kahihiyan pero agad rin akong hinatak ni Taehyung at doon nya ako niyakap pabalik.

"Kayo! Akin lang sya" sabi nya sa members habang lalo akong hinahapit palapit sa kanya. Naramdaman ko ang ilong nya sa ulo ko. "Pinagdadamot na kita." bulong nya sa akin. Bahagya akong yumuko at nagpigil ngumiti. Namiss ko ang pambobola at ang pagiging hokage nya. Taehyung... Kelan kapa mananatiling ganito???

"Hyung! nagiging possessive kana!" biro ni Jungkook kaya lalo silang nagtawanan. Napangiti ako sa kanila. Namiss kong makita silang kumpleto at nagbibiruan. Ang hirap pala pag may kulang sa isang grupo. Ang lungkot.. May kulang.

"Kayo, gabi na. Pwede na kayong matulog sa malaking kwarto. Pero tong triplets at ang mag asawa sa Master's Bedroom na. Tulog na yung mga bata oh" napatingin kami sabay sabay sa tatlong magkakayakap ngayon sa carpet. Agad akong humiwalay kay Taehyung at lumuhod sa harap ng mga bata. Napangiti ako.

"Kamukha ko sila oh" napatingin ako kay Taehyung na ngayon ay nakaluhod narin tulad ko. Kinurot ko ng mahina ang ilong nya.

"Oo. Kaya malalaki ang ilong nila." tumawa ako ng mahina.

"Gwapo naman diba?" nagpogi pose sya habang ngumingiti ng malapad. Sandali kong nakita sa mata nya na sobrang saya nya. Knowing na nakakasama nya na ang anak namin, hindi mo maaalis sa kanya yung kagustuhan nyang maging isang ganap na Daddy ng tatlo. Noon paman, alam ko ng Daddy Material sya. Kaya hindi ako nagsisisi na siya ang Ama ng mga anak ko.

Bahagya kong pinindot ang cheeks nya. "Ikaw. Gumagaling kana magtagalog ha?" biro ko sa kanya tumawa lang sya ng mahina.

"Syempre. Mas sweet pala pakinggan pag tagalog ako nagsasabi ng Mahal Kita." nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Umilag ako. I held his forehead instead "Namiss ko ang noo mo" lumaki ang ngiti ko sa labi ng mahawakan ko ito. Ganong ganon parin sa feeling. Parang firstime kong hawakan ang noo nya. Hindi ko alam pero twing hahawakan ko ito, lalong nabubuhay ang puso ko. Bumibilis, parang may kuryente. Sa noo nya lang ata may sparks. Ewan nababaliw parin ako sa noo nya.

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon