D4~

1.5K 99 50
                                    

Dedicated to: @spazzerjiminion :* Enjoooy ^___^



Menchii's P. O. V



"Ki-woooooon" halos humahagulgol kong tawag sa kanya habang eto kami hatak hatak ang hospital bed kung saan nakahiga sya at dinadala sa loob ng ospital. Feeling ko nangangatog na yung tuhod ko sa sobrang takot na baka mapaano sya.

Ramdam kong hinawakan ako sa buhok ng isa kopang anak na ngayo'y buhat buhat ni Mingyu. Nakasunod sila sa amin.


Nilingon ko saglit kung sino sa kanila ang humawak sa buhok ko at kumirot ang puso ko ng makita ko si Ki-Cheul na paiyak na rin at gustong sumama sa akin. Saglit akong huminto at binuhat sya. Saktong hinarang na kami ng isang nurse at pinagbawalan ng pumasok sa isang kwarto kung saan dinala si Ki-woon ngayon. Wala akong nagawa kundi mapayuko at mapayakap kay Ki-Cheul


Natatakot ako. Ayokong alalahanin pero biglang pumasok sa isip ko si Hyu. Ngayon nararamdaman ko nanaman na namimiss ko na sya. Pero sa sitwasyon ngayon, sa sitwasyon ni Ki-woon ngayon, ayoko mang sabihin pero sana wag naman pati si Ki-woon ay kuhanin sa amin. Sila nalang ang natitira sa akin. Ayoko na, ayoko ng mag-isa


"E-omma" agad akong napaangat ng ulo ng marinig ko ang boses nya. Boses ni Ki-Cheul. Hindi ko alam pero parang lalo akong naiiyak dahil tinawag nya ako. Kahit bulol alam kong hindi ako nagkakamali sa narinig ko.






"E-omma" nagsimula na syang umiyak sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Eto nanaman sya nakikiyak iyak narin sa akin. Nakakainis lang na ganito sya kaiyakin lalo na pag nakikitang umiiyak ako.  




Agad ko syang tinapik ng bahagya sa likod nya para patahanin. Nakita kong nakatingin lang sa amin si Mingyu habang si Ki-Seok ay nakatulog na sa balikat nya. Sinenyasan lang ako ni Mingyu na tatawagan nya lang sila Mama kaya tumango lang ako bilang sagot.


Naramdaman kong humigpit ang yakap sa akin ni Ki-Cheul na wala paring tigil sa pag-iyak.




"Shhhhh it's okay Ki-Cheul tama na" mabilis kong pinunasan ang luha ko. Alam kong ang Oa Oa ko pero hindi nyo rin ako masisisi kasi feeling ko na-trauma lang din ako. Hindi ko alam pero twing napupunta ako sa ospital, may something sa pakiramdam ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko at sobrang nakapagpapakaba sa akin. Feeling ko laging may masamang mangyayari. Na feeling ko, may mawawala, may aalis, may mang iiwan. Ughhhh these thoughts. >_<




Lalong sumiksik sa akin si Ki-Cheul. Eto nanaman hindi ko sya mapatahan. "Ki-Cheul, listen to me okay?" hinarap ko sya at agad na kinuha ang Phone ko sabay pakita ko sa kanya ng wallpaper ko kung saan makikita ang nakangiti at nakapeace sign na si Taehyung.


"Appa will get angry pag hindi ka tumigil. He doesn't want to see you crying." pinunasan ko ang noo at ang mga luha nya sa mata. Basa na rin sya ng pawis kaya umupo kami saglit sa bench sa tapat ng room kung nasaan ipinasok si Ki-woon.


Habang nakaupo, inabot ko sa kanya ang phone ko na may picture ni Taehyung kaya mejo tumigil na sya sa kakaiyak. Pinunasan ko saglit ang likod nya at pinagmasdan lang sya kung paano nya titigan ang tatay nya. 

"A-ppa?" bubulol bulol nyang tanong sa akin habang tinuturo ang picture sa Phone ko. Tumango ako bilang sagot  "Yes he's Appa" sabi ko habang nakangiti sa kanya. Marinig kolang na binabanggit nilang Appa si Taehyung nawawala na ang stress at pagod ko. Nakakatuwang isipin na nagbunga ng maganda ang kakataehyung at kakakwento ko nung pinagbubuntis at maging ipanganak ko sila. Hindi kasi talaga ako tumigil sa pagpapaalala sa kanila na si Taehyung ang tatay nila. Hindi ako tumigil ipakita kung gaano nila nakuha ang kagwapuhan ng tatay nila. Nakakainis lang talaga na hindi man lang nila nasilayan si Taehyung kahit isang beses man lang. Nakakalungkot isipin na isang larawan nalang ang nagsisilbing bagay na nagpapaalalang may tatay pa rin sila.  


Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon