D16~ TRUTH

1.8K 103 78
                                    


Please Click the Video Above :)
(Hi sa mga  Exo-l din jaaan.lol)

Now Playing: For You by Exo Chen, Baekhyun and Xiumin

Kinabukasan...

Namjoon's P.O.V

"Yup. Im on my way" 

"Okay"

Agad kong inilagay sa likod ng sasakyan ang mga pagkaing pinamili ko pagkaputol ng linya. Sumaglit lang ako sa Super Market na mejo malapit sa ospital. Ngayon na kasi namin malalaman kung success ba ang operasyon kay Jimin. Puyat rin kami dahil nagstay muna kami sa burol ni Kylie kagabi pag karating na pagkarating ng labi nya sa Center nila. 

Saglit akong sumandal sa upuan ng sasakyan. Ngayon nga rin pala ang dating nila. Napailing ako at napahampas ng manibela. 

"I-rene.." 

Natauhan ako ng makita kong may kumakaway mula sa labas ng sasakyan ko. Mejo tinted kasi ito kaya siguro inaaninag nya kung ako nga ba ang nasa loob ng sasakyang to.

Agad akong napangiti ng makita kong sabay sabay silang apat na naglalakad palapit sa sasakyan ko. Nakakatuwa dahil kapit kapit ang kamay ng tatlong bulinggit.

Lalo akong natawa nang biglang huminto ang tatlo sabay agawan sila sa pakarga sa nanay nila. Pansin kong paiyak na silang tatlo dahil hindi na alam ni Menchii kung paano sila bubuhatin ng isa isa. Kagaya ko, mukhang galing din sila sa Super Market.

Nagmadali akong bumaba at tumatawang tinitignan si Menchii.

"Mukhang stress na stress ka ah" bungad ko sa kanya habang natatawa. Kumapit agad sa akin si Ki-Woon at nangungulit na buhatin ko sya. Agad ko naman itong binuhat.

Nagkamot sya ng ulo "Nakita ka namin. Tinuturo ka nila kaya kita nakita. May gusto lang akong tanungin sayo...." ibinaba nya ang mga ipinamili nya at nagpunas ng pawis sa noo. Nakita ko ang nunal nya. May nunal pala talaga sya.

"Alam ko na. Sasabay ka? Hahahahaha" inayos ko ang cap ko bago pinisil si Ki-Woon sa pisngi. Kamukhang kamukha nya si Taehyung. 

Tumawa sya ng pilit bago napahawak sa batok "Oo eh. Si Mingyu kasi umalis saglit dahil may meeting nanaman daw sila. Sabi nya babalik sya by 11:00..ehh anong oras palang? 9:40!? Anong gagawin namin dito juskoooo!" 

Muli akong natawa sa ekspresyon ng mukha nya. Halata mong hindi parin sya nagbabago. Naaalala ko tuloy nung mga High School pa kami. Palaging alipin si Taehyung sa kanya.

"Oo na pasok na! Hahahaha" agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan at isa isang binuhat ang mga batuta sa loob. Tinulungan ko narin si Menchii na buhatin ang mga pinamili nya at inilagay ito sa likod ng sasakyan.

"San ko kayo idodrop?" tanong ko habang iniistart na ang engine ng kotse. 

"Pwedeng dumaan muna kami kay Jimin? Gusto kolang idaan ang pasalubong ng mga bata sa kanya."

Nginitian ko sya bago tumango. Lalo akong napaisip ng malalim. Wala pa nga pala syang idea na ngayon na ang dating nila ngayon. Pero tama ba? Tama bang magkita sila? Ngayon? Sa ganitong sitwasyon? Bigla akong nakaramdam ng pagpapanic. Hindi pa nga pala sila pwedeng magkita. Lalo pa't kasama nya ang mga bata. Lalo pa't...uuwi si Taehyung kasama si Irene. Hindi pwede.

"M-enchii, hindi nga pala kita maidadaan sa ospital ngayon. May kailangan pa nga pala akong asikasuhin. Kung gusto mo, itext mo nalang ako mamaya then susunduin ko kayo or text ko nalang kayo pag pwede na."

"Huh? Anong pag pwede na?" naguluhan sya

Napaayos ako ng upo habang nagmamaneho. Sh*t!

"I m-ean pag free ka at free na ako or pagdating nalang ni Mingyu para sabay kayo. Hindi ka pwedeng mag isa lalo pa't kasama mo yang tatlo."

Distance (IDT4'S BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon