UNANG BANAT

113 1 0
                                    


Sa isang tahimik, matiwasay, mapayapa, o kung ano man ang gusto mong itawag sa lugar na ito na parte ng bundok ng Antipolo, matatagpuan ang pinaka-famous na paaralan sa buong universe, ang "Our Lady of Fatima University", kung saan binubuo ito ng apat na malalaking gusali kung saan naganap ang pagluluksa, pagsisikap, kasayahan, kalandian, kaharutan at ang higit sa lahat, ang pagpapanggap ng mga minamahal, kapuri-puri , katanggap-tanggap nating mga estudyante.

Sa unibersidad na ito, ibat-iba ang iyong mararanasan. bago ka makapasok sa campus, Makikipag-taasan ka muna ng kilay. May mahigpit kasi na babaeng guard sa campus na to, yung tipong papasukin bawat classroom para i-check 'yung mga estudyante kung complete uniform, may I.D., o kung may hikaw ang mga lalaking hindi naman dapat nakahikaw, o kung may kulay ang buhok mo na hindi naman dapat.


Walang gangster sa Fatima. Mag-mukha ka lang gangster, magkamali ka lang ng damit na suot, kumilos ka lang ng hindi naaayon sa batas ng mga mata ng mga mapanghusgang estudyante ng Fatima, at kung anu-ano pa, kahit hindi ka naman talaga ganster, basta mukha kang gangster, pagtatawanan ka. Pano pa kaya kung malalaman nila na gangster ka talaga. Pero sa totoo lng, nakakatakot talaga sa Fatima, maglakad ka lang, may bigla-bigla nalang mananapak sayo. Target nila ung ilong ng mga estudyante. Talagang nakakatakot. Tatlo lang ang iyong choices para makaligtas. Una, umatras ka. Pangalawa, go lAng o deadma lang. pangatlo, protektahan mo ang ilong mo gamit ang iyong mga kamay. Actually, hindi sila tao, hayop sila. Ito ang pinakamamahal naming mga tupa ng Fatima. Grabe naman kasi talaga ang amoy ng ating mga bida. Dinaig pa ammonia sa palakasan ng amoy. Napapaligiran ng mga damo ang OLFU-AC ( Our Lady of Fatima University- Antipolo Campus). Ang ating mga bidang tupa, don sila naninirahan. Sa totoo lang, di talaga naming sigurado kung bakit may mga tupa sa campus namin.


Da best talaga ang eskwelahan na 'to. Kung hindi man amoy ng tupa ang sisindak sayo, kaluluwa naman. Real talk mga sissy. Scaryyyyy... Kung gusto mo daw mang ghost hunting, punta ka lang sa elevator ng isang building ng unibersidad na ito. Tingin ka lang sa reflection mo sa kisame ng elevator na 'to, may magpapakita sa'yo. Hindi lng sa elevator mga sissy, sa C.R. din daw. Bigla-bigla nalang kakalampag ang pinto ng cubicle. Scaryyyyyy...tapos may nakakita daw na may tumakbo sa isang building. Ewan ko lng kung anong floor. Partida, nasa kabilang building 'yung nakakita. Tapos meron daw lumilibot na bata sa buong campus tuwing gabi. madaLas sa isang building siya nagpaparamdam, V.M.S. ang pangalan ng building. Mga H.R.M. ang madalas na makikita mo doon. Ito 'yung unang building mong dadaanan 'pag pasok mo ng main entrance ng OLFU-AC. Maririnig mo nalang daw na kakalampag 'yung mga upuan. Violet daw pangalan. Tapos may margarita pa nga daw eh, sa sjbh naman daw, tawag sa building na iyon. Siya 'ata 'yung na sa elevator eh. Scaryyyy.


Kung totoo man iyang mga 'yan, scaryyyy... but deadma lang kami mga sissy. Tuloy ang halakhak ng ating mga bida. Mapa-classroom, mapa-library, mapa-canteen, kahit naglalakad lang patungo sa kung saan, mapa-jeep at kung ano pang mapa yan, maingay parin ang grupo ni Bea. Mababaw ang kaligayahan, lahat pagtatawanan, kinakawawa ang mga profs, pinag-uusapan ang mga classmates, walang hiya, na-tae si Cassy, mahilig sa sisig, mahilig umawra , stress lagi sa mga subjects, kahit P.E., mahilig mag-drawing ng goals, pero hindi naman nabibigyang kulay, pero may nararating naman, at kung anu-ano pa. 'Yan ang katangian ng ating mga bida. Ang lakas mang-trip ng mga yan!!!


Maski sa sariling page ng mga stolen shots ng mga studyante sa OLFU-AC, bidang-bida ang ating mga bida. 'Yung tipong 'pag iniscroll down mo 'yung page ng stolen shots, puro mukha nila ang makikita mo. Gantihan ang peg ng tropa ni bea. Kahit nga sa OLFU confession na page eh. Ito yung facebook page ng campus kung saan pwede mo ilabas lahat ng saloobin mo sa crush mo, sa kinakainisan mo, kung anong masasabi mo sa pamamalakad ng library na ginagawang chismisan ng ibang mga estudyante, ng canteen, in short, ng school. Pwede rin 'yung mga kinakatuwaan mong professor, o kaya patungkol sa pamamalakad ng Hollywood o kaya ng B.M.. Hollywood ang tawag sa laging kinakainan ng mga estudyante. Sa ground floor noon, may food court, at doon kumakain ang mga estudyante. sa labas lang ng school ang hollywood, pero kung gusto mo namang mapalayo o kaya sisig ang hanap mo, pumunta ka ng B.M. (Blue Mountain). Mga sissy, hindi kayo aakyat ng bundok para makakain lang ha, Blue Mountain lang talaga ang name ng subdivision na iyon. Pero kung maarte ka, gusto mo ng aircon, Mcdo ang solusyon diyan. Actually, mas mauuna mong madadaanan ang mcdo bago ka makarating sa kainan kung saan bidang-bida ang sisig. Ay mali pala. bago ka pala makarating sa kakainan mo, mapa-hollywood man, B.M., o Mcdo, may maririnig ka munang "PENGING BARYA." Sila yung mga batang dapat mo munang daanan bago ka makakakain. Ang climax pa n'yan, kahit kumakain ka na, may nakabukas na palad ka na lang na makikita. 'Lam na. at ang twist pa n'yan, araw-araw hinihingian ng limos ang iba nating bidang mga estudyante, pero araw-araw din silang walang pera!!! Ano?!!! Yung totoo!!! Paano ka kakain kung wala kang pera?!!! Ano?!!! Manglilimos ka ren?!!! Kakainin mo ung tira-tira?!!! Kaimbyerna!!! Magbigay ka naman kahit piso!!! Punyatera!!!

"OW FAMILY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon