Here's Anna. A beautiful girl with a lips, nice boobs and 24 pieces of hair. Sa istorya ng ow family o ng laro nilang pamilya-pamilya, siya ang inday ng pamilya. Inday milagros o mila for short ang pwedeng itawag sa kanya, pero inday na ang nakasanayan. Late na rin kasi dumating sa ow family 'yan. dahil sa late na nga siya dumating at magiging o.a. na kung idadagdag pa sa mga anak ni mommy dahil madami na masyado, nilagay namin siya sa department ng mga tagalinis.
Sa pamilya, siya ang tagaalaga kay Jun-Jun, nickname ko, nung bata pa ako, tagalaba ng mga damit ng pamilya, tagatanggal ng alikabok, tagawalis, tagahugas, tagadilig at taga-baler. Galing siyang aurora, baler. Katorse anyos palang siya, ramdam niya na ang hirap na na dinadanas ng pamilya niya, kaya naisipan niyang makipag-sapalaran sa maynila. Tumakas siya sa tinitirhan nilang kubo habang tulog ang labing-dalawa niyang kapatid pati na rin ang nanay at tatay niya. Kasya naman sila sa kubo habang natutulog, lahat nakatayo. Sobrang hirap makalabas ng kubo si Mila, malamang, hindi naman 'yan dahil sa malaki ang kubo nila kaya hindi siya makalabas, kundi sa wala naman kasi silang door, Kaya hirap siyang makalabas. Kinapakapa niya muna yung kubo kung may malalabasan siya sa pinagdikit-dikit na nipa, at nagtagumpay naman siya.
'Di pa siya nakakaalis ng probinsya, sinubok na agad siya ng problema. Wala siyang pamasahe para
sa mabilis na pag-punta niya sa maynila, Kaya nag-bangka nalang siya mag-isa. Nang makarating si Mila sa maynila, nag-hanap agad siya ng mapapasukan bilang kasambahay. Naka-5,409 na ang nakatok niyang bahay para sa maa-applyan niya. Pero naka-abot siya hanggang 35'360 na bahay... para uminom lang. Kaya dumami pa lalo. Naka-abot na siya ng 40,214 na bahay, at do'n na... do'n na siya inabot ng gabi at natulog nalang sa labas ng bahay na huli niyang kinatok. tumaas pa lalo ang bilang ng kinakatok niyang bahay. Naka-abot na siya ng 50,007 na bahay, and finally, nakakain na siya, kain lang, Kaya tumaas pa lalo. Nakaabot na siya ng 55,981 na bahay, and finally, yung huling pinto na kinatok niya, sinwerte na siya. Sobrang laki ng mansion, at ang laki din ng nagpatuloy sa kanya, si Mommy Ow.
Ang dami nilang katulong sa bahay, mga 45. Pang 46 na si Mila. May kanya-kanyang assignment bawat kasambahay, at nabigyan ni mommy ow ang 46 niyang kasambahay ng kanya-kanyang gawain. Mayroong tagahugas, tagalaba, tagatupi ng nilabahang damit, tagalinis ng olympic pool, tagapunas ng alikabok, tagatanggal ng garapata ng 32 na aso at kung ano-ano pa. Na-assign si Mila sa pag-alaga kay jun-jun.
Balik tayo sa totoong buhay ni anna. Maganda si anna, maganda lang. Charot! Mabait si anna. Laging nakalabas yung cleavage 'pag may lakad. Pero mabait talaga si anna, laging uma-awra. naging Awra nga rin niya si bryan eh. Linggo-linggo 'ata siyang may pinapakita na picture ng gwapong lalaki sa tropa niya. Ewan ko ba kung sa'n nanggagaling yung mga lalaking 'yon. ewan ko langkung ano'ng ginagawa nila kapag nagkikita si anna at ng mga awra niya. nagwo-workout 'ata, laki kasi ng legs ni anna eh. Lahat 'ata ng sustansya ng mga kinakain niya, sa legs niya 'ata napupunta. At Super party-party rin 'yan si anna. Pero seryoso na talaga. Seryoso rin ang buhay ni anna. May tatlong autism na kapatid si anna. Panganay siya. Mga Kapatid niya 'yon sa mama niya. Stepfather niya ang nagsisilbing haligi ng tahanan ng kanilang tinitirahan. Sa estado ng mga kapatid ni anna, mukhang mas may plano pa siya sa mga kapatid niya kumpara sa plano niya sa sarili niya pagdating ng panahon. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang mga kapatid niya na nangangailangan ng tuloy-tuloy na suporta. Tatlo 'yon, at mukhang mangangailangan ng tulong ang kanyang mama't papa. Sana'y maging inspirasyon siya ng ibang anak.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...