Grabe talaga 'pag nakarating ka na sa college. 'Yung feeling na napabilis 'yung kamatayan mo! 'Yung parang ang lapit-lapit mo na sa burol mo! Ay punyatera! Ang bata pa namin pero batak na batak na sa hirap ng buhay! 'Yan ang college life. 'Yung excited ka sa magiging buhay mo sa college, kasi excited ka ring makahanap ng awra! Awra?! Parang awa! Mas gugustuhin pa naming mag-stay sa bahay kaysa tumapak sa lupa ng fatima! Paakyat palang kami ng bundok papuntang campus, umaakyat na rin 'yung taas ng stress namin. Wala eh. No choice. May pera ang magulang mo pang-aral sa'yo, mag-aral ka. Hindi puwedeng tumambay lang habang buhay. Pero sana naman... pakitanggal na 'yung mga profs na nangangain ng grades. Wala ng natitira sa'min eeeh.
Alam mo 'yung pakiramdam na ginawa mo naman lahat, nagpuyat ka, 'yung napatungan ulit 'yung eye bags mo ng isa pang eye bags, 'yung 'di ka na kumain para makatipid dahil may kailangan ka pang bilihin na libro, pencil, crayons, at bond paper para do'n sa science subject n'yo na nagiging art subject. Puro drawing eh! Nalilito na nga kami sa kinuha naming course eh! Kung tugma ba talaga sa course namin 'yung mga pinaggagagawa namin o fine arts 'ata 'yung inenrollan namin eh. 'Yung feeling din na nakikipagbakbakan ka sa mga pasaherong naghihintay ng masasakyan 'wag lang ma-late. Pati rin 'yung pinaka best feeling na 'pag nakaupo ka sa napakasikip na jeep, tapos hindi na nakakaupo 'yung puwet mo, and 'yung mga tuhod na lang ng dalawang katabi mo sa magkabilaan na umiipit sa puwet mo nagsisilbing pundasyon mo kaya nagmumukha ka paring nakaupo. Tapos super pretend pa rin 'yung mukha mo na okey ka kahit napapalunok ka na lang talaga sa pinagdadaanan mo, kahit feeling mo'y nakadikit nalang 'yung likod mo sa side ng upuan. 'Yung mga moment din na hindi ka lang magbabasa kundi kakabisaduhin mo pa 'yung every chapter ng libro mo. Nandiyan 'yung mapapaisip ka na lang na i-highlight mo nalang lahat ng nakasulat sa libro eh. Nandiyan din 'yung pagiging loyal mo sa wifi, 'yung hinding-hindi mo iiwan, 'yung sobrang loyal ka sa kanya, kasi lahat na ng katanungan sa buhay mo'y alam niya. Tapos 'pag nawala, maiinis ka, pero 'pag bumalik ulit, bigla ka nalang ulit sasaya. Parang love pala 'toh. basta masaya ka, go pa rin, kahit may nauuhaw na sa pag-ibig mo, hindi mo lang nakikita. Parang pag-aaral. punyatera! inasa na lahat sa wifi! Kung sa'n masaya kasi mabilis na natatapos ang aktibidades sa eskwelahan, go na agad. May libro sis. Naghihintay lang. Pero wala eh. Kailangan umabot sa deadline eh. At 'yan ang buhay college.
Whether you like it or not, kailangan mo talaga maging librong naglalakad, at kailangan mo ring makasundo lahat ng professors mo, lalong lalo na sa mga professor mong terror, o kaya yung mga professors mong ganadong ganado mangbagsak. Dagdag points din 'yun ah. Kaya kaming magkakaibigan, hindi pa nagi-start 'yung first day ng mga professor sa mga estudyante niya, at bago pa dumating ang araw na iyon, nagpapa-good shot na agad kami. Before the day of his/her first day to his/her class, 'pag nakasalubong namin sila, babati na agad kami. (sa tonong excited) "hi ma'am! Good morning! See you tom." 'Pag sa nakasabay naman namin sa elevator at ramdam na namin na siya 'yung magiging prof. namin, super parinig na kami. "Grabeee, excited na 'ko sa chemistry. Favorite subject ko 'yun eh." 'Yung mga ganyang galawan! Dapat ina-apply din 'yan sa sarili bilang estudyante! Kailangan makapasa!
Ganyan talaga. Sa mga paraang ginagawa namin, makakatulong 'yan para matuwa agad sa'min mga professors.
Kalahati siguro ng mga estudyanteng pumapasok ng first year college ay nagpapetiks-petiks muna. 'Yun kasi 'yung mga panaho na hindi mo pa masyado ramdam kinuha mong course o ang pagiging college student mo. Andiyan 'yung may mga time na maiisip mo na mag-cutting, kasi pakiramdam mo'y hindi pa ganoon kaimportante ang ginagawa niyo. Tapos, 'pag dumating na 'yung araw na titignan mo na 'yung mga grades mo sa portal, ay lintik lang na walang ganti! Nag-cutting naman ako ah! Um-absent naman ako! Tamad naman ako! Lahat 'yan ginawa ko noong highschool ako, pero bakit ako bagsak ngayon!
'O, 'di ba? Na-shock ka 'no? Hindi ka puwedeng petiks lang. Kilos dapat. Pero 'wag mong i-expect na madadalian ka 'pag kumilos ka. Mahirap ang college life. Lahat pinaghihirapan. Ang tres, pinaghihirapan. Pero ganoon naman talaga sa umpisa masasanay ka din. Masasanay ka na kung paano pakisamahan 'yung mga professors mo. Matututo kang i-manage ang time mo at kung ano pa.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...