DADDY OW

36 1 0
                                    

Talaga namang mabait si Kuya Owang o Daddy Ow. Okey lang naman sa kanya na isa siya mga dahilan kung bakit napupuno ng galak ang aming mga puso. Okey lang sa kanya na tinatawag namin siyang Daddy Ow, Daddy o Dad. 'Di niya papakialaman ang mga trip namin kahit isa siya sa mga pinagtritripan namin, basta 'wag rin papakialaman kung anong trip mayroon siya. Scaryyyyy... baka magalit.

Mahinahon kausap si Dad. Talagang napaka protective. Dad na Dad ang peg. Lagi ko nga ka-chat si Owang eh. Hindi talaga siya deadma 'pag kausap ko. Actually, mas marami pa 'ata kaming pinag-uusapan sa chat kaysa personal eh. Dahil sa pag-uusap nila through chat, pagkakataon ko na 'to para ipakita sa Daddy Ow ko 'yung picture ni m.c. na MAHAL SI RAMON. Pero tutol ang Daddy Ow. awtsu. 'Wag ko na daw ituloy kung ano man iyang nararamdaman ko kay m.c. na kapwa psych. student din, kasi peperahan lang daw ako nito, iiwan at sasaktan. AY TALAGA NAMAAAAAN!!! Nando'n 'yung pagiging fortune teller ni Dad! Napaka-over protective ng ating bida!!!

At dahil nga sa f.b., chance na rin to para tanungin si Owang kung okey lang sa kanya na tinatawag siyang Daddy ng maiingay na grupo ni Bea. 'Yun nga, basta, 'wag lang din siya papakialaman sa trip niya. Kung ano mang trip mayroon siya, 'wag na natin alamin.

Dahil din sa chat, ay talaga namang nagkalabasan na ng dinadamdam. Ay talaga namang napakalakas ng trip ng ating bidang si ramon. 1st year 2ndsem. Hindi pa nabubuo ang Family Ow; hindi pa Nanay si Bea; hindi pa Tatay si Owang; hindi pa anak sina jaira, yani, arlene etc., pero ewan ko ba kung bakit trip na trip ko na pag-tripan sina owang at jaira.

May alindog naman ang jaira. May laban ang fes. 5'2" ang height. Ginto ang buhok na May kahabaan. Naka brace at nakasalamin. Ay... bat parang nerdy girl ata kinalabasan. Basta ganon!!! Deadma sa pag-intoduce!!!

Ay talaga namang tinatambal ni ko sina owang and jaira. Nag-post pa nga si 'ko ng dalawang magkatabing picture nila sa group ng section namin sa fb eh. At nakagawa pa ng combination ng name nila, ito ang JAI-WANG. Ang nakakatawa pa n'yan, nahihiya na si Jaira kay Owang, lalo't ka-group niya pa 'to sa research paper nila sa english. Paano kaya sila nakakapag-concentrate, eh hirap na hirap na nga kami sa paggawa ng research paper.

May sinasabi pa nga ako na ako 'yung magiging tulay para magkatuluyan sila. Talaga namang nando'n yung effort ko sa pangtri-trip sa dalawa.Ang sabi konga nga, ililibre ko si jaira kapag nagawa niya na mag-message kay Owang ng "HI." At nag-hi nga ang buruha.

Lakas mo jun!!! lagi sinasabi ni Owang sa akin pagnagkaka-chat kami dahil sa lakas ng trip ko. At dahil yata sa akin, na-develop 'tong si Owang kay jaira. Awtsu!!!

2nd year 1st sem. Minsan pumunta ako, Gileen, at Jaira sa bahay ni arlene na madalas nilang ginagawa. As usual, para kumain at magkwentuhan. Pero may kakaibang naganap sa aming mga bida. After nila kumain, umupo sila sa may visitors area. At pagkakataon na rin para tanungin si Jaira na kung sakaling may gusto nga talaga si Owang kay Jaira, anong gagawin nya? "Edi deadma." Awtsu.

At mukhang nakaramdam ang buruha. Mukhang nararamdaman niya na may gusto nga si Owang sa kanya base sa ikinikilos namin. Hanggang sa dumating 'yung panahon na na-confirmed na ni Jaira na may gusto talaga si Owang sa kanya

.

Nang makarating kami sa pagiging 2nd year, 2nd sem., hindi na nag-aral si Daddy Ow. sa kadahilanang hindi na naming siya nakikita, ipinalabas namin na nangibang bansa siya. Sa Abu Dhabi, U.A.E.. Tuloy-tuloy pa rin daw 'yung suporta ni Daddy Ow. nagpapadala sya ng 6 boxes of money every 30 minutes.

Mayaman kami. Mayaman kami sa kalokohan naming pamilya-pamilya. Dahil sa ipinapadalang pera ni Daddy Ow, may bago na namang itatayong building sa campus na pagmamay-ari rin namin. Basta lahat ng gusto namin, amin na. Ganyan kami kayaman. Tingnan mo naman, sabay-sabay kaming nag-aaral. Mapa-anak, mapa-magulang, pati inday namin na si anna at driver namin na si franz, nag-aaral. Ganyan kami kayaman.

"OW FAMILY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon