Tag mo 'yung tropa mong reporter sa T.V. Patrol, 24 Oras, G.M.A. News T.V. at saka C.N.N.! Super alam lahat ng nangyayari sa tropa! Ultimo personal na hindi kayang ipagsabi sa iba, alam! Talaga namang iba rin ang Cassey. Tatahitahimik lang 'yan si Cassey, pero ang tainga niyan, talaga namang naglilingkod sa inyo, saan man sa mundo! Dahil pagdating kay cassey, hindi natutulog ang balita, nakatutok, bente kwatro oras! Sa totoo lang, kung titignan mo si Cassey, sa umpisa, ang makikita mo lang ay 'yung kagandahan niya at kahinhinan niya. Satru sis, para talagang mahinhin ang bida, pero may hidden armor pala.
Nakasalamin si Cassey. 'yung salamin na pamporma-porma lang. 'Yung walang grado. Pero ang tainga talaga, parang nakasalamin din, 'yung may grado na ah, ang linaw! Daming nalalaman!
Isa pa kay Cassey ang ganda ganda, ang puti puti, ang dumi dumi naman ng tiyan! laging umuutot! Ipigil mo 'yan sis. Pero wala pa namang reaserch na ginagawa kung paano napipigilan ang utot. Labas o layo na lang sa mga tao mga sis. Pero real talk talaga! noong nag-Quezon kami para mag-swimming, super ayaw talagang umamin na sa kanya 'yung tae do'n sa inedoro na ayaw talagang lumubog. Kahit hindi pa kami nakakarating sa dapat puntahan, nagbibigay na siya ng senyales na natatae na daw siya. Ay, deadma sa'yo Vassey, iamin mo 'yan. Kahit anong pilit pilit ang gawin namin, hindi talaga siya umaamin.
Pero charot-charot lang din naman namin 'yon. Ayaw lang namin maniwala kunwari para may mapagtawanan.
'Tsaka paki-tag na rin 'yung tropa mong lutangers lagi. Ganyan 'yan si cassey. 'Pag tatanungin mo 'yan ng kung ano man, ang isasagot niya ay, (mabagal na nagsasalita) "ay... hindi ko alaaam."
Halimbawa: "Cassey, anong assignment?" Tanong namin.
(Mabagal na nagsasalita) "Ay... hindi ko alam," sagot naman ni cassey.
Isa pang halimbawa: "Cassey, anong exam bukas?" Tanong namin.
(Mabagal ulit) "ay... hindi ko alaaam. 'Di ko narinig eeeh," sagot naman niya.
Isa pang halimbawa: "sis, anong dadalahin sa chemistry bukas?" Tanong namin.
(Mabagal ulit) "ay... hindi ko alaaam. 'Di ko nasulat eeeh," sabi naman ni casse
'Yung totoo sis! Baka 'pag tinanong ka namin kung saan ka nakatira, baka ang isagot mo, "ay... hindi ko alaaam. 'Di ko nasulat eeeh." At baka 'pag tinanong ka namin kung anong title ng pinapakinggan mong kanta, baka ang isagot mo ay, "ay... hindi ko alaaam. 'Di ko narinig eeeh." 'Yung totoo! Tell me the truth! Ay, charot. Super tell me the truth ako!
At ito namang mga tropa ni Cassey, super tinanong na lahat sa kanya! Ano?! Alam niya lahat?! Super umasa kay Cassey?! Gano'n?!
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...