ARLENE

23 1 0
                                    


Every month 'atang may nauusong salita sa tropa ni bea. 'Yung mga salitang balbal na magugulat ka nalang isang araw kasi may sinasabi na namang alien word 'yung kaibigan mo. Ewan ko ba kung saang planeta nanggagaling 'yong mga 'yon. Kung gagawa lang siguro tayo ng dictionary about sa mga salitang ewan, bebenta. Nakakatuwa kasi minsan. Tulad nalang ng parak o lespu, na ang ibig sabihin ay pulis. Ta'mo 'yan, napakamalikhain talaga. O kaya tulad din ng juding, na ang ibig sabihin ay binabae. Goli naman, na ang ibig sabihin ay ligo. Mayroon ding chongki o mary jones, na ang ibig sabihin ay marijuana.

Sa panahon ngayon, may mga sariling salita na ang mga kabataan na hindi na talaga maiintindihan ng mga magulang nila. tulad ng grupo namin, na-apply na namin sa bahay 'yung mga salitang ginagamit namin. Tulad ng satrue is dat na ang ibig sabihin ay pagsang-ayon mo sa sinasabi o opinyon ng kaibigan mo kung saan mang bagay. Pati na rin 'yung chiki, na nanggaling sa salitang chaka na ang ibig sabihin ay panget. Meron namang barbie o pa-barbie na ang ibig sabihin ay beautiful, o pabebe o kailangan pang pilitin para gawin ang isang bagay, kaya pa-barbie, di naman beautiful! Tapos, 'yung sis na tawagan namin, naging sissy na rin, at dumating yung mga araw na naging sissybles na. Minsan humahaba pa yan ng mahabang-mahaba, tulad na lang ng satrue is dat sissyblesticlestimitilizationorganization. mayroon ding chipangga, na ang ibig sabihin ay mas pangit pa sa chiki. Mayroon pang chupipay. Ito 'yung mga bagay o action na parang na parang walang ka-class-class.

Grabe, sobrang dami naming natutunan sa grupong ito. The best. Daming alam ng grupong ito, kung anu-ano ang naiisip. Ang daming na-eexplore. Lahat pinapansin. Lahat nakikita. 'Yung tipong makita lang nila yung dalawa mo pa ang naka-ekis, sasabihan ka na agad ng L.G.B.T., o kaya makita ka lang nila na gumagawa ng mga acts ng gay, sasabihan ka na agad ng L.G.B.T.. kahit babae, sa mga ganoong sitwasyon, puwede ka nang tawaging baks, short for bakla. Daming alam! Nakakaloka! Ang babaw ng mga kaligayahan namin!

Ang weird 'no? Pero kung nandoon ka na sa sitwasyon na kailangan ng gamitan ng kung anu-anong salita, matatawa ka na lang talaga.

'Yung feeling na lahat ng kilos mo, napapansin ng grupong ito. Mapapabuntong hininga ka nalang talaga! Pero 'wag mong ipapakita na magbubuntonghininga ka, baka magtakipan na naman ng ilong 'yung mga iyon, tapos sabihan ka pa ng "Ang baho sis." Pero wala eh. Sanay na. kahit sobrang nakakapagod na.

'Yung feeling din na mapapahiya ka na lang sa ibang tao dahil sa kung anuman 'yung inaasar sayo. 'Yung moments na tatawagin si Anna ng inday na maririnig ng buong klase. 'Yung moment din na tatawagin si Dane ng liit o kaya bansot habang naglalakad kayo na maraming tao. 'Yung moment din na nag-aasaran kayo ng mabaho hininga tapos hindi na namin alam kung totoo o hindi, kasi minsan, may mga time talaga na nangangamoy ang hininga namin. At 'yung iba na ring mga asaran na hindi mo alam kung totoo o hindi kasi minsan mga real talk 'tong mga baliw na 'to kung mang-asar. Kaya hindi mo na alam kung totoo o hindi na eh. 'Yung moment din na tatawagin naming Mama si Bea kahit saang lugar. Mapa classroom man o kung saan. Tapos bigla nalang magsasabi si Bea ng "Uy, mama daw." para hindi siya ang tingnan ng mga tao at kung anu-ano pa.

Sa aming magkakaibigan si Arlene ang madalas gumagamit ng kung ano anong salita. Sa kanya rin 'ata kasi nanggagaling 'yang mga yan. At saka maraming friends si Arlene, kaya ang daming puwedeng pagkuhaan ng kung anu-anong salita. Pero sino ang hindi gustong maging kaibigan si Arlene. Kapag naging kaibigan mo 'yan, happy laaaaang.

Ang daming alam ng babaeng 'yan. Pero Minsan, may mga salita siyang ginagamit na hindi ginagamit ng tropa, nakakainis kasi sa pandinig, tapos paulit ulit niya pang sinasabi. Tulad ng diwaw tseyo at diwiw. Di ko na papaliwanag kung anong ibig sabihin ng mga iyan. Mukha na ngang bakla si Arlene dahil sa mga sinasabi niya eh. actually, marami talaga siyang gay friends.

Sa aming magkakaibigan, si Arlene pa lang yata ang nakakatupad ng lahat ng usapan. 'yung hindi talkshit. go lang kapag may pupuntahan kung saan, kapag kakain sa kung saang lugar, kapag may outing, o swimming. Bongga!

Sa ngayon, kung lovelife ni Arlene ang pag-uusapan, cancel muna tayo diyan. Hindi kasi masyadong machika si Arlene pagdating sa mga ganyan-ganyan. gusto niya, kapag nagkukwento siya about sa lovelife niya, dapat sure na siya doon sa guy.

Si Arlene din 'ata ang dahilan kung bakit kami natutong maglakad sa dilim tuwing uwian. Kami kasing mga tropa ni arlene, iisa lang ang way para makauwi sa mga bahay namin, maliban lang kay Chesca at Arlene. Si Chesca kasi, aakyat pa ng bundok 'yan para makauwi. Si Arlene naman, kailangan niya muna dumaan sa Blue Mountain, ang napakadilim na subdivision na wala man lang mga spotlights, bago makauwi. 'Yun kasi ang way para makarating doon sa abangan ng jeep. Ang dilim naman kasi talaga. ang dami pang bakanteng lupa na hindi pa pinapatayuan ng bahay, kaya siguro hindi rin binibigyan pansin para lagyan ng mga spotlights. may mga nakabili na daw ng mga bakanteng lupa doon, pero wala pang pinapatayo.

Kami kasing magkakaibigan, after ng clas, lalo na 'pag after namin mahirapan sa pinakamamahal naming subject na chemistry, kumakain kami sa may unahan ng b.m., o blue mountain. Mayroon doong food court after mong lagpasan 'yung mcdo na mauuna mong daanan. Oo, dadaanan lang namin 'yung mcdo. Ay, deadma sa mcdo! Hanggang tambay, wifi, at kumain ng ice cream lang ang kaya namin gawin doon. Kasi naman mga sis, 'yung 50 pesos mong kakainin sa mcdo, nasa kalahati palang ng kakainin mo sa sisigan, so, doon tayo sa sisig!

After naming kumain, may mga time na sinasamahan namin si arlene para maglakad sa subdivision papunta sa sinasakyan niya. Doon sa sakayan ni Arlene, pwede rin kami sumakay doon pauwi. pero, dapat piliin ni Arlene kung ano'ng jeep ang sasakyan niya, dapat 'yung jeep na dadaan din sa mga lugar namin. Pero kung si arlene lang ang uuwi mag-isa, kahit anong jeep na ang puwedeng sakyan niya, malapit lang kasi siya. Si arlene lang talaga ang hindi puwede sumakay sa sinasakyan namin. Hindi kasi dadaan doon sa binababaan niya.

7 pm kasi ang uwian namin, and mayroon ding hapon. Kaya minsan, naglalakad kami ng may araw o madilim sa may subdivision. Talagang happiness ang mararamdaman mo kapag naglakad ka nang kasama mo ang iyong mga kaibigan. Lalo na 'pag madilim. Nandiyan 'yung magtatakutan kayo. Nandiyan din 'yung kung anu-ano nalang ang nakikita o nabubuong niyong imahe sa dilim. Nandiyan din 'yung moment na pagkakamalan niyo 'yung maliit na puno na isang taong nakatayo. Nandiyan din 'yung makakakita kayo ng magjowa na nag-uusap sa dilim. Nandiyan 'yung iju-judge mo 'yung mga taong makakasalubong mo. At higit sa lahat, 'yung moment na kapag 'di na nakayanan ng takot n'yo ang mga nangyayari sa paligid, kahit bagong kain lang sa sisigan, itakbo natin 'to sis! Kahit pababa pa 'yung daan!

Kung mag-isa ka lang na maglalakad, i-tricycle mo 'yan. Delikado. May natatagpuan daw na mga patay diyan. Puro damuhan pa kasi. At may side 'yung kalsada na pabangin ang peg.

May time din na naglalakad kami habang may araw pa. Nandiyan 'yung magpi-picture-picture lang kami at video-video while walking. At time na rin para manlait ng mga nagpapahirap na professors sa'min. 

"OW FAMILY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon