Napakalinis niya. Napakalinis ng kanyang loob, loob ng tiyan. Sa totoo lang, wala 'atang araw na hindi namin narinig sa bunganga ni Daniella ang linyang "Natatae ako!" kaya madalas din siyang may baong tissue. Araw-araw 'ata siyang may dalang tissue eh, incase.
Talagang gamit na gamit ang binabayad na tuition ni Daniella. Gamit na gamit yung banyo eh! Ang hilig din kasi kumain ni Daniella. Hobby niya 'ata. Madalas siyang may pagkain sa kamay. Minsan nga sa kalagitnaan ng klase, bigla nalang mangyayaya bumaba ng building at lumabas ng campus para bumili ng pagkain. Burger ang madalas na kainin niya, nabibili sa labas ng campus. 10 pesos lang kasi ang isa. 20 pesos 'pag buy one take one... sabi ni Arlene. Partner ng burger ang chaka na mabibli sa baba ng hollywood, sa may food court. ang pinachakang pangalan ng chuckie na inumin. Para kasi siyang chuckie, pero low class ang peg, kaya yung chuckie, naging chaka. Correction lang ha, kami ang nagpangalan ng chaka sa inumin na yon ah. Hindi talaga chaka ang pangalan ng inumin na 'yon. Ang chaka naman kung chaka talaga pangalan ng inumin na 'yon. Pero sa totoo lang, masarap siya. May iba't-ibang flavor nga 'yon eh. Hindi lang chocolate flavor ang meron do'n. Pero hindi na rin nila tinikman 'yung ibang flavor, baka mapangalanan pa ng mas chaka na pangalan. 20 pesos ang chaka, at madami na siyang laman, nakakabusog na nga eh.
Kung hindi naman pagtatae ang nararamdaman ni Daniella, sakit ng puson naman. Lagi 'yan! Siguro mga twice a week siyang nagsasabing masakit ang puson niya. Ewan ko ba. May sakit na 'ata 'yan eh. Sinasabihan na nga naming magpa-check up siya eh.
Kaya hindi rin namin makausap ng matino 'yang si Daniella eh, dahil sa iniinda niyang sakit, kaya siguro lagi niyang hawak yung c.p. niya at naka-earphone. Lalong di na nakausap! Yung totoo! Pero sa ngayon, wala na siyang c.p., sumuko na ren, lagi ba namang hawak eh! Nabugbog na kakapindot!
'Pag uwian, madalas na nilang iniiwan si Daniella, nagpapaiwan kasi para hintayin matapos ang oras ng uwian ng awra niya. Kaya madalas siyang wala kapag nagkakaroon kami ng time para makapag-bonding. Pero still alive parin ang relationship nila ng boyfriend niya. Stay strong guys. Pag-usapan ang mga problema.
Iba rin naman talaga si Daniella. One time nga, may nag-confess kay daniella sa page ng OLFU confessions. Hinahangaan naman talagaang bida! Iba! Parang boses niya minsan, iba. Minsan kasi, 'Di matukoy kung namamaos na nagpapacute na ewan eh. Ang tinis! Lalo na nung mga time na siya na yung nagsasalita para magbigay ng message kay cheska nung birthday niya. Umiiyak siya habang nagsasalita, at ang boses, iba! Sobrang tinis! 'Yung tipong gusto mo nang silipin yung nasa loob ng lalamunan niya para malaman kung ano yung nasa loob at nagagawa niyang magpa-evolve ng sariling boses.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...