Bea, Mommy Ow, Mommy o Mom. 'Yan ang tawag namin kay bea. Siya ang Mommy ng grupo namin. Ewan lang namin kung tanggap nya na tinatawag namin siyang Mommy. Pero talagang nakakaTABA ng puso kung may mga moment na tinatawag nya kaming anak.
Laging kumpulan ng pansin si bea. Sa grupo namin, si bea agad mapapansin mo. Ang cute niya kasi. Lagi pang topic sa katuwaan namin. Unting kibot lang ng mundong 'to, basta may kinalaman sa pagkain, bidang bida ang ating bea. Laking tanong nga namin, bakit nag-psychology si bea. Dapat kitchenology .
Kapag may mga pagkain nga ang mga tropa nya, tapos hindi siya kasama, ay talaga namang uubusin agad namin ang an gaming mga pagkain bago pa makita ni Bea. Ewan ko lang kung ramdam ni bea kung ano mang pagtatago ang ginagawa namin. Siguro hindi nya naman nararamdaman. SA KAPAL SIGURO NG...
Maganda ang Mommy namin. May laban pa ang height. Inspirasyon niya si Sir Ardy sa pag-aaral. Kaya naman tutok na tutok ang ating bida kapag major na namin, Theories of Personality. Ay talaga namang baliw na baliw si Mommy Ow kay Sir Ardy. Kasama nga niya sa profile niya sa f.b. si Sir Ardy eh.
Makapangyarihan ang ating bida, sa pag-aaral man o sa pagkain. May angking linaw ng mata na parang lawin ang ating bida, sa pangongopya man o sa mga nakatagong pagkain. May angking lakas ng pang-amoy ang ating bida, sa pagdating man ni Sir Ardy tuwing class time niya o sa mga nakatagong pagkain. May angking bilis ang ating bida, sa pagtakbo man nya sa warm up ng basketball o sa pagubos ng mga pagkain.
Pero hanggang sa pagkain nalang ata 'yung powers niya. Sumubok na rin si bea mag-diet, pero 'di naman napanghahawakan. 'Di kasi mapigilan kumain ng ating bida. But she's still our Mom, so we have to respect her choices in life.
Ay talagang talagang talaga naman kasi!!! Kung magda-diet... mag-diet!!! Wag puro sat-sat. Just do it!!! Pero iba talaga magalit an gating bida. Scaryyyyyy... nagiging BAD MAMA!!! Ganto kasi yon. Huminto talaga ang mundo sa pagkamatay ni Sir Palmos. Prof. naming sa ethics. Isa talagang alamat si Sir palmos. So, nung araw ng burol nya, sa may pasig, edi super punta ang ating mga bida. Escape muna sa isang subject, edu 6. Deadma sa subject na 'yan!!! Walang awa!!! Kaya okey lang sa pag-escape sa subject na yan. Pero super worried ang iba nating bida. May quiz kasi sa araw na iyon sa edu 6. ay talaga naman kasing nag-review ang iba nating bida. Pero ang alamat parin ang nangibabaw.
Loyola Memorial Park sa may Marikina ang sementeryong pinagdalahan sa kanya. Sa Chapel ng sementeryong yon binasbasan. Lumipas ang 1 hour and 2mins, Umalis na ung ibang mga estudyante at profs. na nakiramay. Then, naghanap ng makakainan ang ating magkakaibigan. Talagang ang layo na ng nilakad netong mga to makakain lang. malapit na kami sa may river banks kung saan kami kakain. Carinderia sya. Tapos hinintay namin ang dane. Don kami naghintay sa may entrance ng fisher mall. dun din kasi ang daan papunta sa kakainan namin.
Magwi-withdraw muna ang dane kaya may naganap na hintayan. nung mga oras na bago pa mangyari iyan, super parinig na siya na minamadali na siyang pauwiin ng Mama niya, tapos sabi nila Arlene na pinag-utangan niya before, ibigay muna ung pera namin, pangkain lang, kasi wala talaga silang dala, sakto lang para sa pag-uwi, at pumayag ang dane, pero kailangan niya munang mag-withdraw kung may B.D.O..
Meron malapit sa pinaghihintayan nila na entrance ng mall. sinundan sIya nina Jaira, Arlene, Gileen, at saka ni Yani. Nang napansin ni dane na sumunod sa kanya ang iba, sbi nya, "Oh, bkit pa kayo sumunod? Mag-o-over the counter pa kami." edi umalis na 'yung tatlo, ang naiwan, si Gileen, kasama niya.
Pagdating nina Arlene sa mga nauna na sa may mall, sumunod namang dumating sina dane at Gileen, hindi raw gumagana, Eh sakto, may A.T.M. doon na B.D.O. sa labas ng mall. super pila sila, at super gutom na din ang tropa ni bea. Tapos sa tagal nilang nakapila, 100 lang naman pala ang laman.
Tapos, may gusto pa yatang gawing paraan si Dane na ikinagalit talaga ni mommy ow. talagang gutom na kami at ayaw na naming mag-hintay sa kung ano man ang gustong gawin ni Dane. Super nanginginig na ang mga taba ni Bea sa magkabilang pisngi habang naglalabas ng inis kay Dane. Pero naiintindihan nila si Mommy Ow. may karapatan naman magalit ang mga Nanay.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...