GILEEN

6 1 0
                                    

Gileen... Gileen... Gileen... Ang Gileen na mahal na mahal ng Diyos. Hindi pinapabayaan kailanman. Kung mayroon man sa'min ang may pinakamahirap na nilalagpasan sa buhay, si Gileen na siguro 'yon. May sakit sa puso si Gileen, Bradycardia ang tawag, kung saan bumabagal ang tibok ng puso kapag inaatake. Once a month 'atang inaatake si Gileen. Kaya lagi rin siyang nasa ospital. Kaya kaming mga tropa niya, lagi ring nag-aalala

Sa totoo lang, hanggang 2018 nalang daw ang puso ni gileen, Sabi ng doktor. Sobrang nag-aalala kami para sa kaibigan namin. gumagamit ng pacemaker si Gileen para tulungan mag-pump ng normal 'yung heart niya. Kaya laging absent si Gileen tuwing friday kapag time ng statistics subject namin. Every other week kasi ang punta niya sa ospital para i-implant 'yung pacemaker. Bawat punta niya ng ospital, E.C.G. rin ang ginagawa niya. At tumatama sa oras ng statistics.

Diabetic si Gileen kaya nakakatakot talaga magpa-opera. Pero para humaba pa ang buhay ni gileen at may tiwala naman sila sa magagawa ng teknolohiya, magpapa-opera na si gileen sa U.S.. nando'n kasi 'yung donor niya. ang inaalala lang namin, maiiwan niya ang mga ka-group niya sa thesis. Pero it's okey. Para sa ikabubuti naman ni gileen. Pero ang kaso, namatay daw yung donor niya. So, naghanap sila ng bago. half american 'yung blood nung bagong donor ni Gileen. At 'di ko alam kung ano pa 'yung isang half ng dugo nung donor. 'Andito na daw talaga sa pilipinas yung donor niya. Ewan ko kung naka-citizenship na 'yon dito sa pilipinas, o pumunta lang dito para sa waiting niya na ibigay 'yung heart niya. Puro doubt talaga 'ko. Si gileen kasi, di kinikilala 'yung donor.

Dito na rin sa pilipinas ginawa yung operasyon. 'Yon, successful naman. Pero waiting parin si Gileen ng 6 months to 1 year para masabi kung compatible ba talaga yung heart sa kanya. Kaya maintain parin 'yung pag-inom niya ng gamot at pag-checkup.

Sa ngayon, go to awra muna si Gileen. Siyempre, hindi lang lagi nakatutok sa heart na literal, dapat may awra din.

Nagmo-model-model 'yung kapatid niya na babae, 'yung bunso, si Phoebe. May mga time na sumasama siya para panoorin siya sa mga photo shoot ng kapatid niya. Eh mayroon do'n na guy na Jed ang name na nagpho-photo shoot-photo shoot din. Eh nalalaglag 'yung panty ni Gileen kapag nakikita niya 'yon. Kaya siguro gusto niya ring sumasama sa work ng kapatid niya para umawra. Landi!

crush ni Gileen si Jed, and crush din ni Phoebe. Nung una, hanggang stalk lang sa facebook ang nagagawa ni Gils. Tapos, bigla na lang daw nag-chat si Jed kay Gils. "Hi," chat ni Jed.

"Hello," reply ni Gileen. Tapos, stalk ulit si Gils sa f.b. ni Jed. Pagtingin niya sa timeline, nakita siyang picture na talagang pamilyar sa kanya. Picture kung saan siya ummattend ng debut ng classmate niya noong highschool. Nag-sent si Gileen ng picture ng debut na pinuntahan niya. Nalaman nalang ni gileen na kamag-anak ni Jed 'yung debutant. Sayang daw at hindi sila nagkita, sabi ni Jed. At humaba nang humaba ang pag-uusap. At dahil sa laging unli call si Gils, pinapatawag siya ni Jed, at laging kinakantaan si Gils. Natatawa si Gileen kapag kinakantaan siya nito. Minsan kasi, nagkakamali siya sa tono.

Tuwing pumapasok si Gils, lagi siyang sinasabihan ni Jed na magiingat kasi mamahalin pa siya nito. Taray naman talaga! At laging nagkukwento si Jed about kay God, Kaya natutuwa si Gileen sa kaniya.


"OW FAMILY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon