Isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang isang relasyon ay ang ang pagkakaroon ng 'di pagkakaunawaan, maling desisyon sa mga bagay-bagay, at ang higit sa lahat, pagkawala ng tiwala sa isa't-isa. Ang pakikipagrelasyon sa minamahal ay parang pakikipagrelasyon na rin sa kaibigan. Dapat, may tiwala sa isa't-isa. Pero sa tropa namin, punyatera! Wala ng tiwala sa isa't-isa! Tiwala namin, mga 12 nalang, pero yung mga goals na pupunta do'n, kakain niyan, magsi-swimming do'n, mag-iipon, at kung anu-ano pa, hindi nauubos! Yung tataa! Pudpod na yung blade ng pantasa kakatasa ng lapis. Gamit na gamit eh! Puro drawing! Take note, hindi lang basta-basta drawing ang mga sketch pad namin ah, makulay din. Punyatera! Talagang planong-plano yung mga goals eh. Ikaw ang naka-assign sa kutsara, ikaw naman sa soft drinks, tapos, hati naman kayong dalawa sa adobo, ako naman sa pulang itlog, at kung ano pa. In the end, WA! NGANGA! Sa lahat ng plano namin, 30 percent do'n ang natutuloy, 20 percent naman ang planong sa susunod nalang, at sa 20 percent na planong sa susunod nalang, 1 percent nalang ang natutuloy, deadma na sa 'di nasunod, d'yan naman kami magaling eh. Tapos yung tira sa hundred percent, matatagpuan mo ito sa art gallery namin. Kaso puro drawing ng pagkain, dagat ng quezon ang makikita mo roon. Don't worry, colourful naman eh. Maayos ang pagkakakulayahat. Oo. May art gallery kami. Mayaman kasi kami diba. At tsaka magaling mag-drawing.
Sa magkakaibigan, hindi naman siguro mawawala ang mga planong magswi-swimming, kakain sa pinag-usapang kainan, manonood ng sine, magmu-movie marathon, at kung ano man 'yang mga 'yan. Talagang napakasarap sa feeling kapag may natutupad sa pinagusapan niyo, lalo na kung matagal n'yo nang pinagplanuhan. Pero syempre, hindi mawawala sa pagkamit ng mga goals ang pagkakaroon ng mga hadlang. Nandyan yung hindi papayag ang magulang , walang pera yung tatlo, may lakad yung isa, may lagnat yung dalawa, oo, nagsabay sila, birthday ni papa, papaliguan ang aso, aawra yung isa at marami pang iba. Kaya hindi natutuloy ang mga lakad eh. 'Pag nawala na yung isa, wala na! Tinamad na lahat! Pwedeng idahilan naman yung may lakad ang tropa! Super 2nd option lang lagi 'pag sa tropa! Yung tataa! Imbyerna ah! Pero charot lang. mas importante naman siguro yung gagawin na labas ang tropa kaya cancel muna sakanila. Pero sana naman! Ano?! super hindi na nakasama sa lahat! Super sa school nalang yung bonding moments! Yung tataa!
Pero talaga namang 'di natin makakaila na sobrang saya natin kapag lahat tayo'y makakasama sa lakad ng tropa. Yung feeling din na lahat may pera, first time sa lugar na pupuntahan, o kahit hindi first time, kasi ang habol naman natin ay yung another happy memories na mai-experience eh, pati na rin yung feeling na 'di ka nagsinungaling sa magulang mo sa tunay mong pupuntahan. Sarap lang talaga sa feeling. Pero siyempre, kahit pinayagan kayong lahat, talagang hindi mawawala ang mga moment na talagang ikabwibwisit n'yong lahat. Punyatera! Tag mo yung tropang mong "ON THE WAY" na papuntang banyo! Usapan n'yo las seis. Dumating las ocho! Yung totoo! Sana tomorrow ka na lang dumating! Nakakahiya naman! magdamag ka nalang sana naligo o nag-toothbrush ka na lang sana magdamag! Pero at least naman, kahit late, dumating naman. Ang masakit lang talaga is yung may hindi dumating. Ibigay na natin ang korona kay Jaira. Yung tipong lahat ng tropa ay nag-plano na ng lakad, tapos si Jaira, hindi pala makakasama. daming chechebureche sa buhay. May birthday daw kasi. May graduation daw kasi. May gagawin sa thesis. Magrereview. May O.J.T. May meeting kung saan na ewan. O sige lahat na! Lahat na ng birthday puntahan mo! pati kasal, libing, first communion ng lahat ng mga bata sa inyo, binyag ng mga baby sa kabilang barangay, at lahat na ng organisasyon salihan mo! Para mas busy! Pero 'wag akong o.a.. o.a. na eh. Super hindi ko na inintindi yung tao.
Busy na kasi si jaira. May mga subjects kasi siya na talagang kailangan tutukan na wala ang tropa niya. Kaya madalad siyang hindi nakakasama. Kailangam kasi unahin ang studies because we're students pa naman. Later part na sa mga bonding moments with friends.
Super nakakaawa na talaga si Jaira nung mga panahong nagti-thesis na siya. Lagi nalang siyang parang wala sa sarili. Parang laging lutang. Alam mo yung moment na lahat kami ng mga kaibigan niya ay masayang-masaya, tapos siya na kasama naman namin, parang wala lang. Hindi nagsasalita. Thesis lagi ang iniisip. Hindi na nga namin madalas makasama dahil sa sobrang busy niya, gano'n pa siya. Kaya lagi siyang inaasar ng "lutang" eh. "mararanasan niyo rin ang nararanasan ko ngayon. Lulutang din kayo," ang laging banat niya sa'min. Super tinakot kami! "Hindi namin mararanasan 'yan. Hindi kami magpapaka-stress," Banat naman namin.
'Yon na nga mga kapatid. Dumating na ang takdang panahon para kami naman ang makaranas magkaroon ng thesis. Si Jaira, nasa ibang level na ng thesis niya. Tapos kami, naguumpisa palang. Ay punyatera! Iba pala talaga! Kahit ayaw mong Magpuyat, magpupuyat ka talaga. Grabe ang thesis. Mapapabuntong-hininga ka nalang talaga 'pag biglang sumagi sa isip mo. Pa'no pa kaya 'pag nasa harap mo na yung mga papel?!... guys tara! magi-inquire ako sa mcdo! Ta's samahan ko kayo mamaya sa tesda! After no'n, samahan niyo naman ako sa tawag ng tanghalan, mago-audition ako! Baka do'n pa 'ko yumaman! Grabe ang thesis. Araw-araw mo dapat siyang isipin. Dapat super master mo yung title niyo. Dahil kung hindi, NGANGA! Nganga talaga hayo sa panel. Promise guys, Walang halong biro, gumagana ang pagdarasal. Pero kailangan din ng kilos natin.
Kaya ngayon Jai, naiintindihan ka na namin. Clap clap clap.
Nakita naman namin yung hirap na pinagdaanan ni Jaira kasama ang mga ka-group niya. Pinagpupuyatan pala talaga nila ang thesis nila. Nago-over night sila sa isang bahay. Pumapasok nang walang ligo si Jaira sa sobrang kulang na sa oras. Talagang thesis kung thesis. Walang halong ibang gawain. Kahit gustong-gusto na nilang mag-txt o mag-facebook, deadma mga sis. Focus dapat sa thesis. And now, tapos na sila sa thesis nila. Expected na namin na aasarin din kami ni Jaira ng lutang, katulad ng ginawa namin sa kanya habang ginagawa niya ang thesis niya. Pero we're sure na tutulungan kami ni Jaira sa thesis namin, kahit anong klaseng pangaalipusta pa ang ginawa namin sa kanya no'n.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...