Setting: Sa Jollibee. Sa may cashier
Ide: "Ate, garlic pepper beef."
Ate: "Ano pong drink ma'am?"
Ide: "Sprite po"
Ate: "49 pesos ma'am"
At nagbigay ng buong 100 si ide.
Ate: "I received 100 ma'am."
After 11.23 seconds...
Ate: "Here's your change ma'am. Wait nalang po kayo sa gilid, ma'am."
Naghintay ang ide sa may gilid ng cashier na pinagorderan nya. After 48.08 seconds, nauna nang nakarating yung drinks.
Ide: "Ay ate, padagdag ng sprite."
At agad naman itong dinagdagan ni ate. After 11.55 seconds, bumalik ang ate na dala ang pinadagdagan ni ide na sprite.
Ide: "ano ba yan. parang walang nadagdag!"
Setting: Sa Hollywood. Food court part.
Ide: "Kuya, magkano 'to?" (Unknown ulam)
Kuya: "40 pesos. Ilang rice?"
Ide: "Sige kuya isa lang."
Kumuha muna ng isang cup ng kanin si kuya at nilagay sa green na plato. O diba, ung kulay ng plato naaalal ko. Pero ung ulam hindi. Pagkatapos ilagay ni kuya yung isang cup ng kanin sa plato, agad hinalo-halo muna ni kuya ang ulam bago ito ilagay sa plato.
Ide: "Hala kuya, baka puro taba yan ah. Ako nalang kukuha."
Et wele neng negewe se keye... binigay nalang ni kuya yung serving spoon habang nakatitig kay Ide na napapoker face nalang.
Setting: At Blue Mountain
Umorder ang ating bidang Ide ng siomai with 2 rice, at masayang masaya sya habang tinatadtad nya ng chile ung mga siomai.
Ramon: Hoy Ide! Mauubos mo na yung chile! Ang anghang na n'yan.
Ide: "Hindi 'yan, masarap nga to eh."
At nag simula nang kumain si ide. after 4 mins and 5 seconds, bawat subo ni Ide, sinasabayan niya ito ng gulaman. Ay talaga namang pinagpawisan naman talaga ang ide sa anghang. Sya si Ide, kailangan, sulit na sulit ang paninirahan nya sa mundo. Go Ide! Itaas ang bandera ng mga taong pinaghahawakan ang kasabihang "You only live once." sulitin ang life!
AKO SI IDE! GUMASTOS AKO! HINDI DAPAT AKO MALUGI! KAYO ANG PINAGBILIHAN KO, KAYA KAYO ANG MALULUGI! (With strong feelings). Oo mga sis, nando'n talaga yung intensity. Hindi naman sa patay gutom si Ide, gusto nya lang talaga na nasusulit bawat pag-gastos nya. Lima silang magkakapatid, pangalawa sya. Lahat sila nag-aaral pa. Dalawa sa kanila, college pa. Walang trabaho ang Mother nIya. 'Yung pangatlo, lalaki, may sakit, Sobrang iniingatan nila, minsan kasi inaatake ng sakit nya.
Sobrang napakamaalagain na ate ni ide. Alam niya lahat ng dapat at hindi dapat gawin ng kapatid nyang may sakit. Alam nya ang tamang pagkain na dapat kainin ng kapatid nya, tamang oras ng pag-kain, tamang oras ng pag-inom ng gamot, tamang oras ng pahinga, at tamang oras ng paglinis ng katawan. Parang nanay na nga si Ide eh. Ay talaga namang napaka-sweet na ate ni Ide. Ung mga pera kasing natitira sa kanya, iniipon nya. 'Pag sapat na yung perang na-ipon nya, pupunta sya sa grocery at ipangbibili nya 'to ng pasalubong sa mga kapatid nya.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...