Lahat nakikita. Lahat pinapansin. Lahat pinagtatawanan. 'Yan ang grupo ni Bea. Unting pagkakamali lang ng isang miyembro ng grupong 'to, pagtatawanan na. Talagang walang makakatakas sa mga mata nila. Talagang mahuhuli sa magagawa mong mali. Kahit nga sa ibang tao na hindi naman nila kilala eh. Ay talaga namang napakadaming mata ang nakamasid, 24/7 at your service kung makapag-observe. 'kala mo mga matang lawin eh, lahat nakikita!
Kung may makasalubong silang tao na kahit stranger, basta mataba, kamag-anak na nila sa larong pamilya-pamilya. Kung ang itsura ng mataba na nakasalubong nila ay medyo white ang skin o maputi, kamag-anak nila 'yon sa side ni Mommy Ow, at kung ang nakasalubong o nakita naman nila na mataba ay dark ang skin, kamag-anak naman nila 'yon sa side ni Daddy Ow. Take note, kung adult o higante na mataba ang nakita nila na medyo may kaputian o maputi, tito o tita nila 'yon, kapatid ni Mommy ow, at kung medyo pangmalapitan sa araw ang kulay ng nakasalubong nila, Tito o Tita nila 'yon sa side ni Daddy Ow. kung bata-bata naman na mataba ang nakasalubong nila, ibig sabihin, pinsan nila, at kulay din ang basehan kung saang side nina Mommy Ow o Daddy Ow sila nabibilang.
Hindi lang puro mata ang ginagamit nila ah, pati utak gumagana, kasi kung ano ang pangkasalukuyang ginagawa ng nakita nilang Tito-titohan o Tita-titahan, o kung ano man 'yung itsura nila, o kaya nakadikit sa katawan nila, may kinalaman do'n ang magiging pangalan nila sa laro nilang pamilya-pamilya. Example: kung matabang kalbo na lalaki ang nakita nila, Tito kalbs ang magiging name niya.
Napaka-imaginative talaga ng magkakaibigan na 'to. Napaka-observant din! Pero mukhang mali 'ata sila ng pinansin sa mga oras na ito. Thursday. 2:48 P.M.. Masayang pagod na nagi-stretching and dash/section 4 sa subject nilang P.E.. Bawat row ay sabay-sabay magi-stretching, at oras na para sa gagawing stretching ng row nila Chesca o Auntie. Masayang nagchi-cheer ang grupo ni Bea para kay Chesca. Sa kadahihanang huli na nang dumating si Chesca sa Ow Family, at dahil masyado nang madami ang anak ni Bea, kaya "GO INDAY" nalang ang isinigaw namin. Pero mukhang hindi nagustuhan ni chesca ang itinawag sa kanya. "ANO?! ANO?! MAS MUKHA PA NGA KAYONG INDAY SA'KIN EH!" sabi niya. Ay talaga namang galit na galit ang mukha ni Cheska. Sa totoo lang, medyo masungit talaga ang mukha ni chesca, dahil 'ata sa lagi kasing nakasimangot. Totoo naman kasi, lagi talaga siyang nakasimangot. Ewan ko ba diyan. Dagdagan pa ng narinig niya na talagang ikinabwiset niya.
Sa kwento kasi ng Ow Family, medyo late na sila nang pumasok sa pamilya-pamilya, sila nila Ide. 2nd year, 1st sem, do'n talaga nakasama ng grupo si Dane, and medyo attached na rin talaga siya sa sa ibang miyembro noon pa man, kaya naisipan nila na maging anak nalang din siya nina Mommy Ow at Daddy Ow. Sina Ide at hesca naman, naging close sila sa grupo nung mag 2nd year sila. Lumipas muna ang ilang araw bago nila makuha ang loob nina chesca at Ide. Dahil sa close na nga sila sa grupo, napagisipan nila kung ano ang magiging parte nilang dalawa. Dahil masyado nang marami ang mga anak nina daddy at Mommy Ow, at magiging o.a. na kung madadagdagan pa, kaya nag-isip nalang sila ng iba. Ano... baboy lang ang peg? Daming anak... yung totoo? Kaya minabuti nila na ibahin naman. Si Chesca, ginawa naming inday para may partner si anna o si inday milagros o mila for short, na sa katagalan, tinanggap na lang ni anna na tawagin siyang inday. Kahit ayaw niya, wala naman siyang magawa sa tropa niya. DO'N KAMI MASAYA EH!!! Late na rin kasi pumasok sa pamilya si Anna eh, kaya 'yun, napunta sa faculty ng mga tagalinis. Pero si Chesca, ayaw niya talaga na tawagin siyang inday. Nagagalit. Kaya 'yun, ginawa namin siyang Auntie. Mukha kasing pangmasungit ung auntie na word kaya 'yun ang binigay namin. Tinanggap niya rin naman yung auntie.
Sa totoo lang, mataas talaga lagi B.P. ni Chesca, lagi kasing galit. Beast mode agad lagi. Nagagalit sa pagkakamali namin, lalo na kung naaapektuhan siya. Hindi mabiro minsan. Pero kahit ganyan yan, masarap din kasama 'yan, at mahal na mahal ng mga tropa ni Bea.
Dumating ang mga araw na sinubukan ng problema si Chesca na ikinagalit at ikinalungkot ng tropa ni bea sa kanya. Nakipag-break siya sa boyfriend niya. Hindi na daw masaya si Chesca sa pinaggagagawa ng b.f. niya, at enough na daw 'yon para makipag-break na siya. Hindi ko alam kung naging mahirap talaga sa kanya ang makipag-break do'n sa ex niya, may sasalo naman kasing iba. Pero mahirap din naman sa kanya 'yon, not so hirap lang siguro. Edi break na nga sila nung ex niya, ang ikinababahala lang niya, is yung balikan ng ka-m.u. ni Chesca yung ex niya. bumabalik daw daw kasi yung girl. In the end, nagbalikan nga sila.
Grabe! Ilang araw ding puro tulog si Chesca. Madalas kapag physics and chemistry. Kumportable kasi yung kwarto sa mga oras ng subjects na 'yan, table kasi ang sinusulatan, so napapatong niya yung kalahati ng katawan niya habang nakaupo. Sobrang nag-iba na talaga si chesca. Kahit naman masungit 'yan, masarap parin pakisamahan. Pero ngayon, nag-iba na talaga. Naninigarilyo na. Umiinom na. Naglalaslas na. Grabe talaga! Nabaliw na rin ata eh. One time kasi, magkasama sina ramon at chesca papuntang hollywood. Do'n sila dumaan sa may building na malapit sa main entrance, ayaw 'atang ma-expose sa mga tao at araw. Nang malapit na silang makarating sa isa sa pwedeng labasan ng building, bigla nalang siyang nag-hi sa lalaking nakaupo sa gilid nila habang sila'y naglalakad. Mukhang kinain na nga ng sistema 'tong babaeng 'to. Pero never magiiwanan 'tong magkakaibigan na 'to. Si Chesca na rin kasi ang susunod na magbe-birthday, so gagawa ng paraan ang mag tropa ni bea para mabalik sa dati si Chesca. Nag-usap-usap sila kung paano nila iso-surprise si Cheska.
And today is Cheska's birthday! And dahil birthday niya, manlilibre siya. Nilibre niya mga tropa ni Bea. Nagpakain ang bida, sa may ainta, sa may tapat ng Sta. Lucia East Grand Mall, sa carinderia. After nila kumain, do'n nila gagawin surprise nila kay Cheska. 'Yung iba, nagkunwari na di makakasama dahil sa work o ibang bagay na dapat na tapusin, pero ang totoo, bibili lang sila ng cake and flowers. Yung iba naman dumeretso na sa Cloud 9, resort na may magandang over looking, sa may Antipolo. Lahat sila'y nandoon na maliban kina Gileen, Arlene, na kunwari'y hindi makakasama, pero ang totoo, bibili lang ng flowers for Cheska. Sina Cassey, dane and jenedie, kunwari'y 'di din makakasama, pero bumili lang talaga sila ng cake. Pinag-usapan na talaga nila 'yon na dapat makumpleto naman silang magbabarkada para makapag-bonding naman. Magbabakasyon na kasi. Alam ni cheska na pupunta talaga sila sa cloud 9 para makapag-bonding, pero ang di niya alam, doon siya iso-surprise ng tropa niya. Pero panggap lang din naman si Cheska, kunwari hindi niya pa ramdam na may surprise na magaganap para sa kanya, pero ramdam niya na. Ayun, dumating na nga ang oras para i-surprise siya. Na-touch naman siya. And this is it! Nag-tipon silang lahat at umupo ng pabilog with very beautiful overlooking, tapos isa-isa silang nagsalita as their message para kay Chesca. Super umiyak talaga si mommy ow and siyempre si Cheska. Talagang naramdaman ni Cheska na kahit pasaway siya, na kahit hindi niya sinusunod ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya para sa ikabubuti niya, mahal na mahal parin siya ng mga 'to.
Ganyan ang magkakaibigan, hindi nagiiwanan. Kapag nasa baba ang isa, itaas! At kapag nasa taas naman ang isa, itaas pa!
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...