LIIT

13 1 0
                                    

Siya si Dane. 'Di niyo makita noh. Ang liit eh! Sa tropa, siya ang may pang miss universe na height. 'yung crown, 'yon ang ka-height niya. Charot! Pero kung sasali man si dane sa ganyang pageant, may laban ang fes, pero 'pag sa height, kailangan niya muna magsuot ng 32 inches heel. Kung sakaling madala siya ng hakbang dalawang taon niya sa question and answer portion, may laban ang bida, chukchakera eh! Daming kwento araw-araw. 'Yung feeling na kapag kausap mo si dane, parang na-meet mo na rin si gloc-9. Ay iba talaga! 'Pag titignan mo siya, talagang tumatalak. Daming kwento! 'Yung parang di kayo nagkita ng 2 months. 'Di ko alam kung totoo pa 'yung mga pinagtatatalak neto eh.

May mga time din na tumahimik ang bida. Nagplano na ang tropa ni Bea para sa selebrasyon ng birthday ni Dane at Cassey. Ang plano, pupunta sila sa Laguna. Hinihintay nalang namin 'yung plano nila Dane at Casssy, kung paano sila maghahati sa pag libre sa tropa.

Hindi naman lahat ng gagastusin ay inasa na sa may mga birthday. Masyadong malaki ang gagastusin kaya may part din na kailangang magbayad ang tropa ni Bea sa ibang gastusin. Sa ngayon, hinihintay na lang ang plano nila Cassey at Dane, pero hindi nagre-reply si dane sa gc ng tropa. Hindi naman namin siya makausap sa personal kasi sembreak fatima, so hindi kami nagkikita-kita.

Hindi na namin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung bakit hindi siya nagre-reply. Siguro, nape-pressure na sa mga gagastusin, wala pa sigurong nahihinging pera, o baka kasi may kailangan pang asikasuhin.

Nung mga panahon kasi na hindi siya nagpaparamdam may problema pala sa parents niya. 'Di kasi magkasama ang mother and father niya sa iisang bubong. 'Yung mga panahon na may pasok pa, hindi na siya nagpumapasok. Tinatago kasi siya ng mama niya sa laguna, kinukuha na kasi ng papa niya. Talagang struggle is real.

Pero no matter what, mahal na mahal namin si dane, kahit inaasar namin siyang bantoto maliit, nasa school man o kung saan. We're here always for you my love. Just call our and we will be there. Oh taray! 

"OW FAMILY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon