Si Franz, Yani, at Patrick. Sila 'Yung mga nang-iiwan.
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang 'di nawala si Franz. Dahil siguro irreg. student siya, o baka nama'y may iba ng mga friendshibilities. Sa kwento ng Ow Family, si Franz ang drayber namin. Galling siyang Siquijor. Wala siyang ibang ginagawa sa pamilya Ow kundi mag-drive lang nang mag-drive. Mataas naman ang swelduhan para sa lahat ng namamasukan sa pamilya Ow. Para kay Franz, kumikita siya sa'min ng 50,000 pesos kada 360 degrees na ikot ng manibela ng kotse namin.
Marami kamin sasakyan. Mga 45.
Sa totoong buhay, tuwing zoology time, nung mga panahong 1st year palang kami, lagi kong kadaldalan sina Arlene and Daniella, hindi ko kasi madaldal si Sabile, 'yung partner ko sa pag-disect ng pusa, Seryoso kasi. Minsan nga pinapabayaan ko nalang si sabile sa pusa eh, pero hindi naman ako naging unfair sa kanya, laki din naman kasi ng natulong ko do'n sa pusa. Lately ko nang nakilala si billy batson walter kovacs . Sa totoo lang, naiinis talaga ako kay billy batson walter kovacs (pinagsama-samang pangalan na ginamit ni Franz sa f.b.), lagi kasi 'yan pumupunta sa likod kung saan kami nina Arlene at Daniella nakapwesto tuwing zoo., para daldalin sina daniella, parang ang dami nyang drama sa buhay. ino-open niya yata 'yung mga saloobin niya, and manghihingi ng advice. Ang tanda na pero parang hindi pa kaya i-handle ang mga problema sa buhay.
Uy, pero talinuhin yan si billy batson walter kovacs. Nakakatuwa nga 'yan eh, napaka-active sa class. Naiinis nga lang ako 'pag pumupunta yan sa likod, kaya walang natatapos 'yung mag-partner na sina daniella at Arlene eh!
Isa pa 'tong si Yani. Hindi na masyadong sumasama sa'min. nagkaroon na rin 'ata ng bagong frennies. Pero thank you din ng sobra to our sponsor, Yani. Dahil sayo nakamit namin ang pangarap namin na makakita ulit ng dagat. amazing! Libre cottage! Libre ligo din!
Sumasali ng mga pageant 'yan si Yani sa campus. Peymus na 'yan si Yani! Pero stay humble and stay handsome. Alam namin na pogi ka! kaya 'wag mo na ipagsigawan! Taeng Yani toh! Napaka yabang! Nagtataka nga ko eh, sa yabang ni Yani, bakit 'di pa naaabangan sa kanto 'yan?
Isa pa si Patrick! Super nag-dash 1. Super hindi na tuloy namin nakasama! Super ibang section na eh! Isama mo sa amin 'yan! Super may inaarahan 'ata sa kabilang section eh!
See? Wala na 'kong maisulat about sa inyo! Isama niyo sa amin 'yan! Pero naiintndihan naman namin. Siguro, educational reasons lang ang dahilan kung bakit hindi na kayo nakakasama. Siguro, tumatapat sa section na maaga ang uwian. O dahil sa irreg. student lang ang isa. Puwede ring dahil sa pagkakaroon ng iba't ibang ka-group sa thesis, kaya hindi na masyadong nagkakasama-sama. Kailangan munang tutukan ang thesis. Study first ba.
BINABASA MO ANG
"OW FAMILY"
Non-FictionFor those barbies na hindi kami kilala, to know more about us, pls read this story. Malalaman mo rin lahat ng baho namin. Actually, mga baho bilang mga estudyante. Hindi lang dito sa Ow Family o sa OLFU-AC (Our Lady of Fatima University), kundi sa l...