BQO 14: Deimon vs Mirakuro

1.6K 69 1
                                    

(REVISED)
___________________________

BQO 14: Deimon vs Mirakuro

Deimon's POV

Lumipad ako sa himpapawid para makita ko yung snobber na si Mirakuro, lintik lang! Kanina pa ako naghahanap! Paimportante ang gag*.

Napadpad ako sa isang lugar kung saan ang nga puno ay lumulutang, may mga Lumulutang din na mga bato, wala ding mga players .

Pero hindi pala may nakita kasi akong isang player na parang natutulog, nakalutang ito at nakatalikod sa akin. Langya walang paki kahit saan sya matulog, baliw ba to? Hindi nya ba alam na may mga mobs din dito, ang kaso low level mobs lang.. nasa Safe Place kasi kami ngayon. Kahit na mamatay ka sa mga mobs o sa isang duel ay magteteleport ka lang ulit sa Star Fountain, parang dating DTO lang ang kaibahan ay dito lang ang pwedeng mamatay ng walang bahala at iba na din ang mga lugar.

Balik tayo dun sa lalaki na ngayon ay gising na at nakatingin sa akin ng seryoso, mukha syang pamilyar, napako naman ako sa pwesto ko at napahinto ang pagaspas ng aking pakpak, mukha kasi itong anghel , kulay Blue ang buhok at ang nakakaakit nitong mga matang kulay Bughaw din. Pero bigla nalang akong nabalik sa ulirat ng inirapan ako nito.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa pagirap nito, bakla ba to? Tsk. Teka isa lang ang alam kong nangiirap na lalaking player ah, AHA!

Nagblink ako sa harapan nya at tinuhod sya pero sinangga lang nya ang tuhod nya.

"Problema mo" iritang tanong nya

"ikaw" inis kong sagot.

Tinaasan ako nito ng kilay bago sumagot.

"Anong ako? Tsk baliw" sabi nya at bigla nyang inactivate ang pakpak nya at umalis na.

Nainis naman ako sa pagtawag nya sakin ng baliw kaya sinugod ko sya at winasiwas ang Scythe ko .

pero hinarang lang nya ang dalawa nyang espada, nagback lift ako at nag skill ng Giant Dead Scythe at winasiwas sa gawi nya, sinalag lang nya ito subalit ay tumilapon sya sa isang lumulutang na puno pero hindi parin ito huminto sa pagtilapon dahil sa pwersang ibinigay ko. Pinagaspas nya ang pakpak nya para makapagbalance at bigla syang bumilis at bigla nalang syang nagskill, tumama sa akin iyon kaya tumalsik ako pero hinanda ko ang Scythe ko para hindi ako tumilapon, nabawasan ng 10% ang HP ko samantalang 85% nalang ang HP nya.

Umikot ako ng tatlong beses at lumipad sa taas at nagskill ako ng Scythe Hit , sumabay ako sa skill ko paparating sa kanya. Umiwas sya sa skill ko pero agad akong nagblink sa likuran nya at sinaksak ko ito, nastiff naman sya pero agad din syang nakabawi .

Hinawakan nya ang dulo ng Scythe ko at hinila papunta sa kanya kaya nasama ako don, naramdaman ko nalang nakayakap na ako sa kanya... bigla nalang uminit ang pisngi ko . Nararamdaman ko ngayon ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera at ramdam ko ang matigas na pangangatawan ni Mirakuro, nakakatawa lang isipin na ngayon ko lang ulit nasabi ang pangalan nya kahit sa isip lang.

"Nasarapan ka ba?" Nakakalokong ngiti naman ang nakita ko sa mukha nya nang inangat ko ang ulo ko sa kanya.

Napakunot naman ako at napaisip din, nasarapan nga ba ako? Teka! Bwisit to ha.

Tinuhod ko sya sa ano nya , napaluhod naman sya sa sakit at dahil nga nasa lumulutang kaming lugar kung saan ay ang pangalan ay Floating Forest . Lumulutang sya ngayon habang hawakhawak nya ang ano nya dahil sa pagkatuhod ko dito.

"Tsk! Landi mo kasing punyeta ka!" Sigaw ko dito.

At para matapos na ay sinaksak ko sya sa bandang puso nya pero bigla nalang syang may hinagis at iyon pala ay isang espada , tumama ito sa puso ko . tinignan ko sya ng masama.

"F*ck You!" sigaw ko

Nakangiti lang sya ng nakakaloko at biglang umirap. Tsk! Bakla!

Dark_Lord's POV

Nakita ko kanina si Couz H sa Star Fountain kasama yung isang Guild Vice Commander ng Archangels Ascention, mukhang wala talagang pinagbago si Couz H dahil kulay Itim parin ang buhok at may Red sa ilalim. Ganda talaga ng pinsan ko.

Nga pala kasama ko ngayon si Crimson.

"Tol magparty nalang tayo ha" kulit ko dito

Oo kanina ko pa sya kinukulit,nakakainis na nga eh kasi pakipot pa.

"Bat ba ang kulit mo" suplado nitong tanong

"Bat ayaw mo ba" ginaya ko ang pananalita nito

"Delikado na kasi eh, ayoko namang sumali sa pinsan ko dahil ako lang ang nagiisang lalaki don, wala din naman akong kakilala pa dito" dagdag ko

"Bakit ako. Kilala mo ba" tanong nya

"Hiiiinnnndee, Pero! ikaw lang ang alam kong makakapagkatiwalaan ko"seryoso kong sagot

"Hayss."napailing nalang ito.

"So, ano na?"

"Oo na!" Yamot na sagot nito.

Natuwa naman ako, pinasahan ko na sya ng invitation. Buti inaccept nya ito, tanong lang, magkakasundo ba kami nito? Mukhang ....... 50% chance lang eh.

"Dahil tinanggap mo ang imbitasyon ko eh, mag getting to know each other muna tayo"sabi ko

"Bakla ka ba?" seryosong tanong nito

Napakunot naman ang noo ko at biglang napalitan ng poker face.

"Maglaban nalang tayo, ang matalo ay bakla" seryoso kong sabi

Napangisi naman ito.

"Sige ba, pero kapag nanalo ka ay pakikisamahan na kita ng maayos, kapag natalo naman kita ay mas lalo kitang hindi pakikisamahan ng maayos" kundisyon nito.


"Pero paano kung nag tie" tanong ko

"Edi pareho"sagot nito.

Pumunta kami sa isang lugar kung saan walang mga player, Nilabas nya ang dalawa nyang baril, nilabas ko na din ang dalawa kong espada.

Una akong sumugod , pinaputukan nya ako ng maraming beses, sinalag ko ang mga ito gamit ang mga espada ko, naghanda ako sa gagamitin kong atake , pagkalapit ko sa harapan nya ay winasiwas ko ang mga espada ko at sabay talon ng malakas sabay ikot ng tatlong beses at nagskill.

Natamaan sya pero hindi nya ito inanda subalit ay mabilis nya akong pinaputukan sa dalawa kong binti. Natamaan ako at napaluhod , tumayo ako dahan dahan at tumalon ng malakas sabay ikot at bumulusok sa kanya habang naka turo ang edge ng mga espada ko sa kanya.

Pagkalapat ng mga ito sa baril nya ay sinangga lang nya ito at sinipa . Kaya na out of balance ako, pero hinanda ko ang dalawa kong kamay at nagtambling. Mabilis akong nawala sa paningin nya at tinuhod sya sa sikmura nya, napadaing naman ito, pero pinaputukan nya ako banda sa kaliwang kamay ko kaya nabitawan ko ang isang espada ko.

Tinignan ko ang HP ko at 35% nalang ito, sakanya naman ay 30%  napangisi naman ako............


***

Nagsimula na kaming maglakbay papunta sa ... isang Galaxy, pero dapat ay gamit namin ang pakpak namin.

Nalilito siguro kayo kung anong nangyari kanina, ganito kasi yon summary nalang ha.

NAGTIE kasi kami.. paano? Haha basta mahabang kwento, pero trivia muntik nanaman akong matalo.. nagparaya kasi ako nung una kasi ang Gwapo ko.. wag nang aangal Gwapo talaga ako at yon ang totoo.


_______________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon