Heaven BDQ 35: At Last

719 41 8
                                    

(REVISED)

______________

Heaven BDQ 35: At Last

Evillaine's POV

Wala na sila, hayy pangako gaganti ako para sa inyo. Buti na lang at nandito si Red kung wala sya .. hayy

"Ganda ng view noh" Red

Namula naman ako sa sinabi nya. At umiwas.

Nakatitig kasi ako sa kanya.

Hinawakan nya ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Dapat ganito, para mas kita ang magandang view" nakangiting sabi nya sa akin.

"Anong magandang view? Ikaw? tsk mukha kang aswang alam mo ba yon?" Sabi ko.

Kita ko kasi ang matatalim nyang mga pangil.

Nagpout lamang ito.

"Tara na nga at magpalakas"hinila nya ako para mapatayo at naglakad na kami papuntang forest na kulay puti, at ang mga dahon na kulay puti at singlambot ng ulap.

"Alam mo ba"

"Hindi ko pa alam bakit"sabi ko, nagdabog naman ito may papadyak padyak pang nalalaman kaya napahagikgik ako.

"Ayss naman oh!" Sabi nito

"Sige na nga, oh ano ba yun?"

Kaya tumahimik na sya at tinignan ako. Naglakad sya papunta sa mga puno at pumitas doon, para itong cotton candy ng kinuha nya.

"Na pwedeng kainin ang mga dahon nito, sing tamis ng pagmamahal ko"sabi nito at kumagat

"Lande, teka penge nga" sabi ko

Binigyan naman nya ako at tinikman ko. At oo nga napakasarap nito at napaka tamis . Parang candy lang, pero malambot na mas malambot pa sa marshmallow.

"At pwede ding kainin ang mga mobs dito , basta nandito ka sa forest o Sweet Forest , lahat ng nakikita mo ay pwedeng kainin, kita mo yung isang pond na yon? Isa yang white chocolate"paliwanag nya

White chocolate?

Lumapit ako sa pond at sumalok gamit ang dalawa kong palad, kulay puti ito . Tinikman ko ito at teka gatas to eh.

"Hindi naman eh!" Sabi ko

"Hah? Teka hindi ba yan? ay sorry duon pala sa mga puno yon. Yung parang dagta ay yun yung white chocolate. Mas madami pang gatas duon sa water falls"sabi nya

Bakit naman kaya madaming alam to?

"Dami mong alam ah"sabi ko

"Syempre ito kaya ang una kong pinuntahan"sabi nito

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nagbaon din kami ng gatas, umayos nga ang pakiramdam ko nung ininom ko yung gatas eh parang napapawi yung sakit na galing sa Bad Buffs nung umiinom ako pero bumalik din nung tapos na akong uminom .

May naramdaman kaming kaluskos kaya naging alerto kami, at bilang bumulaga ang isang dambuhalang rabbit na kulay puti at kulay chocolate na mata nito.

White Hare lvl 70
Category: Mini Boss

"Ako na magtatank" sabi ko

Nagsend akong party request at tinanggap naman nito. Sya ang taga hit, kinuha ni Red ang kanyang weapon na isang Scythe , parang kay Deimon .... pero walang chains ang kanya, isa itong ordinary pero may kakaibang aura ang pumapalibot doon na kulay itim.

Ginamit ko ang skill ko na Reequip , ginawa kong malaking shield na may spikes ang Ogre's Arm ko.

Sinugod ko ang mini boss at inatake , sinugod din naman ako nito, agad kong isinangga ang shield at humiyaw ito dahil natamaan sya ng mga spikes na nasa shield. Humiyaw pa ito ng malakas ng matamaan sya ng atake ni Red.

"Vampiric Slash" at natamaan muli ang mini boss

Nagbalik sa dati ang weapon ko kaya mabilis kong inatake ang mini boss ng Ogre's fist skill ko.

100% to 93% to 90% to 85% ang nagyari sa hp nito.

Biglang bumilis ang atake ni Red kaya ginamit ko din ang Monster Speed ko. Sabay naming inatake ang mini boss sa magkabilaang direksyon. Dapat magtatank lang ako kaso mukhang matatagalan kung ganon ang gagawin namin.

"Curse Blast" Red

At natamaan ang mini boss.


Empress' POV

Nasa loob ako ng kwarto ko at nakatingin sa nerve gear, hindi pa oras para bumalik kaya tinabi ko muna ito sa gilid ng kama ko at lumabas na lang. October 14, 2020 Wednesday ngayon, at mga 10:30 na ng gabi kaya lumabas labas muna ako at pumunta sa tahimik na lugar, malapit sa mall yun kaya nagtaxi ako.

Pagkapunta ko duon ay pumasok muna ako sa isang kainan at kumain ng dinner, marunong akong magluto pero wala akong stock ng pagkain, wala din naman akong time para bumili, baka bukas na lang ng umaga.

Pagkatapos kong kumain eh pumunta na ako sa tahimik na lugar na sa parking lot ng mall, may taguan ako doon at tambayan na namin ng mga kaibigan ko iyon. Pagkarating ko doon ay may nakita naman akong isang nakahood na tao ang papasok sa mall na parang normal lang ang ginagawa, pero nakasara na ang mall . Ano kaya ang balak nito? Sinundan ko ito ng patago pero mukhang naramdaman ako nito at mabilis na tumakbo kaya sinundan ko ito dahil curious ako kung sino ba iyon at anong gagawin nya dito.

Pero sa paghahabol ko ay bigla itong nawala , nasa loob pa rin ako ng parking lot. Napahawak na lang ako ng buhok ko at tumalikod pero sa pagkatalikod ko ay may naramdaman akong lumapat sa labi ko , gulat kong pinagmasdan kung sino ang humahalik sa akin at sya iyon.

Tinaggal na nya ang pagkakalapat ng mga labi namin.

"Nice meeting you again Imyerno ko" sya si Ken Daemon Kaneki

Napatunganga lamang ako dito at naalala ang nangyari kahapon sa Cafe Shop.

*flashback*

"You" bulong naming dalawa ng nasa harapan ko.

Sya , sya yung napapanaginipan ko at ang nakita ko sa Love of Future. Sya yung Demonyo ko at Keny .

"What the F, is this a dream again?"tanong ko

Hinawakan ako nito sa magkabilaang pisngi ko.

"I think this is real"manghang sabi nya

Ngumiti ito sa akin.

"I found you"

"Me too"sabi ko

Hinawakan ko din sya sa magkabilaang pisngi at pinipisil pisil iyon.

"You're more handsome in personal"sabi ko

"And you're more gorgeous in personal"sabi naman nito

Gorgeous? I doubt about it.

"no I'm not"sabi ko

"Yes you are, your gorgeous and unique"sabi nito ng nakangiti . hindi man ito malapad pero isa yung warm smile.

"Good thing that we finally met "sabi ko

"Yes, At last we finally met"sabi nya at hinalikan ako sa noo bago sya tumayo at umalis sa lugar.


*end of flashback*

"so what are you doing here?" Tanong ko

"To be honest, I will gonna steal some things here at the mall"sabi nya

Honest nga.

"Ha? Bakit ka naman magnanakaw?" Taka kong tanong habang nakakunot.

"Nothing, I'm just bored"

yeah bored lang sya. Great tsk.

"Wanna join me?" Tanong nito

Tinignan ko ito sa mata at ngumiti

"Fine, I'm bored too"sagot ko

___________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon