Heaven BDQ 34: Hatred/You?!

758 40 9
                                    

(REVISED)

~~

Heaven BDQ 34: Hatred/You?!

Empress' POV

Sumakit ang ulo ko , minulat ang mga mata at marahas na tumayo. Tinanggal ko ang nerve gear ko at sinuntok ang malapit na pader.

"Shit!!! " tangina talaga! Kung wala lang akong ibang katauhan ay nagamit ko ang mga bagong skills ko! Pero hindi ko iyon dapat gamitin kapag Empress ako! Malalaman nilang ako si Death Reaper.

Good thing naalala ko ang sinabi ni Blood noon sa akin.

'Empress you need to be careful. Wala na kaming access sa game na hack na ang system, kagagawan nanaman siguro nya'

'Sinong nya?'

'Ang dahilan kung bakit namin kayo kinulong sa game!'

'Ano nga ba ang dahilan ha'

'Basta, hindi pa ito ang oras para malaman mo'

'Sabihin mo sakin para maintindihan ko kayo kung bakit nyo ito ginawa!'

'Basta, alalahanin mo.... ikaw na lang ang hindi nya nakukuha. You can now logout whenever you want'

'Paano naman yon nangyari?'

'Hindi totoong hindi kayo makakalogout, ginawa lang naming invisible ang logout button. '

'Wait edi hindi din totoo yung kapag namatay ka sa game ay macocoma sila hangga't hindi natatapos ang game?'

'Yan ang totoo, pero... ikaw.... ikaw lang ang natatanging makakalogout , ginawa lahat namin ang aming makakaya upang kahit na ma hack ang system ng game ay ikaw lang ang natatanging hindi nila maaaccess.'

'Bakit ako lang? Paano ang mga kaibigan ko? Ang iba?'

'Isa lang ang kaya namin, dahil kung lahat kayo... maaaring walang mangyayari baka lahat kayo ay talagang mamamatay na sa game'

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon