(REVISED)
_____________
BDQ 21: Second
Dark_Lord's POV
Hayyyyyyyyyyy musta na kaya si Couz H? Sana ayos lang yung sadistang yun.
"Anong susunod na gagawin natin nyan Crimson?" Tanong ko sa kanya. Natatandaan nyo pa ba kami? Empress' Insan Here! At yung Crimson ay yung suplado na pangit hahaha joke.
"Sa Second" tipid nyang sagot
Hindi naman ako slow para hindi malaman yung tinutukoy nya, yun yung second galaxy. Bilib talaga ako sa mga nakatalo sa Field Boss, napaka Imba grabe!
Kasalukuyan na kaming lumilipad paalis sa Antennea Galaxy, papunta na kami sa Second, nasa level 28 na kami ni Crimson. Medyo hirap din magpalevel dahil kailangan naming magingat kasi baka anytime madeds kami.
Medyo nagaalala din ako kay Couz H , dahil bali baliktarin mo parin ang mundo ay babae parin sya, at ang mga babae ay parang babasagin na mga gamit na dapat ingatan at pahalagaan. Matapang nga sya sa labas pero sa kaloob looban nya ay isa parin syang Fragile girl, na nakakatakot mabasag.
Taong bilog yon, bakit ko alam? Dahil nung mga panahon na hindi pa namin kilala ang isa't isa na magpinsan, napakasungit non, napacold at masama ang ugali. Pero nung nagkakilala kami at naging close ay nagiba na sya, naging masiyahin, mabait at nagkabuhay ang kanyang malamig na buhay. Kaya ayokong syang masaktan dahil natatakot ako baka magbago sya bigla, sya ang favorite cousin ko sa lahat ng pinsan ko dahil sya lang ang kaisa isang pinsan ko na kinausap at pinapansin ako. Maniniwala ba kayo na sa real world ay isa akong geek? o mas kilalang nerd na weird , kaya kahit mga pinsan ko ayaw sakin, pero si Couz H lang ang tumanggap sakin, sya din ang dahilan kung bakit natuto na akong magayos ng sarili. Kaya ngayon isa na akong Campus Crush! Kaya talagang mahal na mahal ko ang pinsan kong iyon.
Leche! drama ko bwahahaha
"Lalim ng iniisip" rinig kong sabi ni Crimson
"Wala, may naalala lang"sabi ko at ngumiti.
Buti nga kinakausap na ako ng matino nito eh, akala ko hindi na kami magkakasundo. Pero inaamin ko masaya ako dahil kasama ko sya , lalo na kapag may kinakalaban kami na mga mobs. Team up kami agad.
Crimson's POV
Aaminin ko man sa hindi, nagenjoy akong makasama si Dark_Lord, para ko na nga syang kapatid kahit na minsan ay nagkakapikunan pa kami. Medyo nagtaka lang ako dahil hindi man lang nagbago ang itsura nito, pinakita na din nya sa akin ang kanyang tunay na mukha. At masasabi kong pwede na. Pero mas gwapo parin ako. Wag umangal ngayon lang to.
Emperor's POV
[July 27, 2020](Monday) 06:00 a.m
Nagpapasalamat ako ng konti sa mga nakatalo sa Field Boss, kaya makakapunta na din kami sa wakas sa Second Galaxy.
Medyo inis pa ako kay Empress at sa kanyang mga kaibigan dahil for the first time, na reject kami sa offer namin sa kanila. Pero may point sila, hindi pwedeng magsama ang katulad namin sa kanila dahil hindi kaaya ayang tignan na magkasama ang mga Angel Race at Demon Race. Pero aaminin naman namin na nadisapoint kami, nagexpect kasi kami na tatanggapin nila ito, dahil alam kong mabait naman si Empress. Tama nga sila wag masyadong magassume, dahil masasaktan at masasaktan ka lang.
"Tara na " D34TH
Pupunta na kami sa Second, nagready na kami papunta don, sana makita ulit namin ang Deadly Demons.
![](https://img.wattpad.com/cover/69731255-288-k634548.jpg)
BINABASA MO ANG
Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS}
Bilim Kurgu--- "When the night strikes, stay on safe zones, because when I see you. You will be dead" - Death Reaper --- "You don't know me, so don't trust nor believe me. I'm the most mysterious player that can fool you" - Snap --- "She's my Master and I will...