BQO 19: Rayshuri The King of Agrandie

1.2K 60 9
                                    

(REVISED)

_________________

BQO 19: Rayshuri The King of Agrandie

Lucyfier's POV


04:00 p.m


Hayyy..

"Bakit ba kailangan pa natin magsinungaling?" Kanina pa tanong ni Satania

Bakit ba ang kulit nito?!

"Kasi nga kailangan nating malaman yung tinatago nya" inis kong sabi

Oo nagsinungaling kami, wala talaga kaming nakuhang Hidden Quest, plano namin eh. kahit na mahirap magsinungaling sa kanya ay talagang kailangan. Gusto lang naman talaga naming malaman kung ano ang tinatago nya, mukha kasing hindi nya kayang sabihin kaya ito na lang ang gagawin namin. Kami na lang mismo ang tutuklas non kahit na napakahirap pa non, dahil kapag si Empress ang nagtatago ng isang sikreto ay mahihirapan ka ng husto.

"Saan na ba tayo patungo?" Tanong ni Satania

"Malayo pa tayo "sagot ni Deimon.

Nasa Agrandie kami.

Papunta kami ngayon sa isang napakagaling na manghuhula , nakatira ito sa isang tuktok ng isang bundok at sa liblib na lugar kaya mahirap itong hanapin. Ano ang sadya namin? Yon ay para malaman namin ang tinatago ng aming kaibigan .

Wala pa kami sa bundok, kasalukuyang nasa gubat parin kami dahil sa kadahilanang naliligaw kami ngayon, walang mapa dito sa game pero nakalista sa Character's List ang mga lugar na napuntahan mo na. Mahigit isang oras na siguro kaming naglalakad, ayaw naman naming lumipad dahil kapag lumipad kami ay makakahakot kami ng mga players at mga mobs. Iniiwasan pa naman namin iyon, dahil may issueng kumakalat na kasanib kami ng Blood na yon, dahil daw parang hindi man bumalik sa dati naming anyo. Kaya naghinala sila, at haler?! Hindi naman nila kami kilala tapos sasabihan kaming ganon?! Pati yung pinsan ni Empress na si DarkLord na issue din, pati ang kasama nito, pero maliban na lang sa mga Archangels Ascention. Dahil napakaamo ng mukha ng mga yon kaya hindi nila magawang paghinalaan, mga buang lang eh Angel race ang mga yon kaya Angelic faces talaga ang makikita mo sa kanila.

Tuso ang mga Anghel kaysa sa mga Demonyo tandaan nyo yan, pero mas higit na mas lakas KAMI.

"Teka" sabi ko may naramdaman kasi akong napakalakas na presensya.

Tumigil kami sa paglalakad at nakiramdam sa paligid.

Ng biglang may malakas na tunog kaming narinig, at may papunta ditong liwanag na nagdulot ng nakakabinging pagsabog at napakakapal na usok.

*bogshhhhhhhh*

Tinaasan ko ang sensibility ko dahil wala akong makita dahil sa usok.

'Warning! Your Squad entered the Field Boss Territory!'

Biglang nagpop up sa Vs ko.

Bago ako makapagsalita ng maging alerto ay bigla na lang may isang napakalaking buntot ang tumama sakin kaya ako ay tumalsik sa isang malaking puno, nawasak ang puno at nabawasan ako ng 27% .

Tinignan ko kung saan galing ang ataki na iyon, nakita ko naman ang isang dambuhalang Dragon na kulay Green , may Pulang mata at matatalas na mga pangil, ang pakpak nito ay kulay dark green at parang may butas ito.

'Rayshuri The King of Agrandie'
Category: Field Boss
Level: 50
Skill: ???


Holy Macaroni!

"Guys! Plan 0.1!" Sigaw ko.

mabilis naman silang nagsiSkip, Teleport at Blink sa dereksiyon ko.

Nakapaikot kami ngayon.

"What's the Plan0.1 wala si Empress kulang tayo" Deimon

"I think we need to do our Old Plan, like on Japan" suggest ni Evillaine.

"Bright Idea!" Satania

Napangisi naman ako.

"Okay, ako hahanap ng magandang pwesto sa isang puno, Evillaine as always Tanker, Satania magtago ka para hindi ka makita ng Field Boss at alam mo na ang gagawin mo, Deimon Hitter ka as always, kapag naramdaman mong magskiskill ang Field Boss gamitin mo Ang Chain mo para hindi makagalaw , then hit lahat tayo . Are we clear?" Sabi ko

Napangisi sila bago sumagot.

"Always Clear" sabay sabay nilang sagot.

Pumalakpak naman ako.

"Okay posisyon" maotoridad kong sabi bago nagskip at naghanap ng magandang pwesto ng puno.

Mabilis naman akong nakahanap ng puno at tamang tama lang ito, hinanda ko na ang Rock Canon ko at inaim sa FB(Field Boss).

Sinusugod na ng FB si Evillaine habang si Evillaine ay sinasangga lamang ito, si Deimon naman ay tinatamaan ito ang ulo ng FB pinapatamaan nya ang gem na nasa ulo ng FB pero nahihirapan ito, kaya inasinta ko at bumaril, pero nadaplisan lang ito dahil nakaiwas pa.

Third Person's POV

"Scythe Hit" skill ni Deimon natamaan naman ang FB sa bandang dibdib .

"Grawwwr" sigaw ng FB kaya humarap ito kay Deimon at akmang bubuga ng apoy ng biglang may malaking kamao ang tumama sa ulo nito at napahiga ang FB . Mabilis na tumayo ang FB at humarap kay Evillaine na galit, naghanda syang magskill ngunit napansin naman iyon ni Deimon kaya ginamit nito ang Chain nito para hindi makakilos ang FB.

Nagskill naman ng Cold bullet si Lucyfiera, habang nag Ogre Kick naman si Evillaine, si Satania naman ay Sun Slash, at si Deimon naman ay gumamit ng AoE na Acid rain.

Sa mga atake na nilabas ng apat ay nabawasan ang Field Boss ng 30% may pagkakunat ito, pero dahil sa AoE na skill ni Deimon na may effect na poison ay nababawasan ng 100,000 health ang FB.

"Roaaar!" malakas na sigaw nito at dahil doon ay nawala sa konsetrasyon si Deimon at hindi nya napansin na hindi na mahigpit ang Chain nya kaya hindi nya napansin ang mabilis na atake ng FB, tumalsik si Deimon at nag tamo ng damage na 45% halos makalahati ang HP nito pero buti na lang ay nandyan si Satania para iheal ang kaibigan.


NagMonster Speed si Evillaine sabay atake ng Ogre's Fist sa FB, habang nag Demon Blast naman si Lucyfiera galing sa malayo, tumama ito lahat sa FB kaya nabawasan ito ng 10% . Mas nagalit ito at mas naging agresibo.

Lumipad ito sa himpapawid at bumuga ng skill.

Isang Fire Breath. Mabilis na umiwas ang apat sa atake pero natamaan parin sila. Nagtamo sila ng damage na 30% . Mabilis naman nagheal si Satania.

Nagreequip si Evillaine at naging Machine gun ang kanyang kamao, habang nagpalit ng sandata na Katana si Lucyfier, hinanda naman ni Satania ang Sword at shield na, winasiwas ni Deimon ang kanyang Dead Scythe sa hangin at sign iyon na handa na sya .

Pinalibutan nila ang Field Boss habang ang FB ay palinga linga ito sa apat, bigla syang nawala kaya naging alerto ang apat at bigla namang tumilapon si Evillaine pero agad din naman nitong nabawi ang balanse nya, pero nabawasan ito ng 5%.

Napabuntong hininga naman si Evillaine bago nagsalita.

"Kailangan ng matapos to" sabi nya at biglang naging kahel ang mata nito.

At nagtrigger iyon sa mga kaibigan nya na tapusin na ang paglalaro , nag Blazing Eye na din sila.

Mabilis naglaho ang apat sa harapan ng FB at biglang nasa magkabilaan sila ng FB.


Sabay sabay silang umatake at sabay sabay na sumigaw.

"Tapos kana!/You are Finish!/Hetong sayo!/Take this!" Sigaw ng apat.

And . . .

*BOSGHHHHHHHHHHH*

________________________________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon