BQO 22: Solo Player Again

1.1K 59 7
                                    

(REVISED)

_______________

BQO 22: Solo Player Again

Empress' POV

Bahala sila sa mga buhay nila, wag na nila akong hanapin, at talagang hindi na ako magpapakita pa sa kanila. Sila na nga yung tinutulungan, hindi naman nila kilala yung batang yun pero agad agad nilang tinulungan. Tsk

Hirap sa kanila madali silang magtiwala sa isang tao.

Napailing na lang ako, kasalukuyan akong naglalakad ngayon , hindi ko alam kung nasaan ako pero wala na akong pake. Naasar parin ako, this past few days lagi na lang akong napapaisip, ano kayang pwedeng libangan.

I slash my sword because of frustration, but its a wrong move, because I caught the attention of the giant snapping turtle, Oh crap! I surely gonna be dead right now!

Aakmang kakagatin ako nito pero agad akong umiwas.

'Pin Snapping Turtle lvl 80
Category: Boss'

Napatanga naman ako sa nabasa ko.

May dala ba akong malas ngayon? Napasabunot na lang ako sa mga nangyayari.

Tumalon ako paatras at hinanda ang King Saw ko, napaka malas talaga ng araw ko ngayon. Pero sabagay nakakamiss din ito yung ako lang magisang nakikipaglaban sa boss, okay! LABAN NA TO!

Sumugod ako sa kanya at winasiwas ang espada ko pero dahil sa katangahan ko ay tumilapon ako dahil ang natamaan ko ay ang napakatigas na shell nito, tumingin ako sa paligid at sinuri, merong isang napakalaking ilog, mabato ang daan, at may something sa buhangin , sa tingin ko ay kumunoy. Nasa isang kagubatan kami na puno ng tinik, meron ding mga gumagalaw na mga puno, kulay berde pa ang kulay ng mga nandito.

Agad kong pinusisyon ang espada ko paharap sa kanya at bumigkas ng skill.

"Demonic Hit" at may dumiretsong beam ang pumunta sa boss pero parang wala mang nangyari, dahil nagkaroon lang ng usok.

Wala ka ding makikitang bakas ng gasgas sa shell nito.

Napakamot na lang ako ng ulo, paano ko naman matatalo ang isang to kung walang epekto naman ang mga skill ko? Teka? Kailan pa ako nagisip ng mga negative thoughts? Diba ako si Empress? Ang kinakatakutan, ang malakas?

Nilipat ko ang espada ko sa kaliwang kamay ko at gamit ang kanang kamay ko ay tinakpan ko ang kanang mata ko ng ilang segundo bago inalis, at yun din ang oras ng pagactivate ng Blazing Eye ko. Agad akong naglaho sa pwesto ko at napunta sa ere malapit sa ulo ng boss, mabilis ko namang winasiwas ito sa kanya, at kita ko kung gaano kalaki ang nabawas dito. Mula sa 100% nitong HP 74% nalang. So, sa ulo pala ang weak point nito. Bago pa ako makalapag sa lupa ay agad akong nagblink at napunta sa ulo ng boss pero agad na pumasok ito sa kanyang shell o ang kanyang bahay. Bumulusok ako sa lupa at nagkaroon ng malaking crater. Nagskill ako ng Thunder Speed at mabilis na pumasok sa shell nito.

"Demon Howl" at dahil nasa loob na ako ng shell ng boss, mula sa paa ko ay mabilis na kumalat ang nagbabagang apoy na isang kulungan na sino man ay hindi makakalaya. Unti unting nasusunog ang boss, nagpalabas naman ako ng mga Hooded Figures at naghintay sa katapusan ng boss.

World Announcement!

'Pin Snapping Turtle( Boss ) has been slain by solo'

Personal Notification:

Armored Cloak(Skin of the Pin Snapping Turtle)

Agad ko namang inex ang mga ito at nagmadaling umalis sa lugar na iyon , huminto muna ako sa isang puno at umakyat, pinagmasdan ko ang nakuha kong reward, isa itong hood na kulay itim, at isa din itong armor, at sintigas ito ng Boss kanina, dahil kailangan ko din namang magtago kaya dali dali ko itong sinuot.

Naalala ko tuloy ang nangyari kay Medusa nung matalo namin sila Perseus. Nagbalik sa totoong anyo si Medusa pero nandon oarin ang kapangyarihan nya pero nakokontrol na nya ito ng maayos. Maganda din ang reward na nakuha ko isa itong transformation skill. Nadagdagan nanaman. Mukhang magagamit ko iyon sa tamang panahon.

Agad akong nagblink papunta sa ibaba at mabilis na umalis sa lugar.

Evillaine's POV

10:09 a.m

Nakatingin lang ako sa langit habang iniisip si Empress.

World Announcement!

'Pin Snapping Turtle( Boss ) has been slain by solo'

Biglang nagpop up sa VS ko. Ang galing naman ng player nato.

Inex ko na at bumalik sa pagiisip.

Nakakalungkot, at nakakainis bakit ba sya nagkaganun? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?, mahirap na nga syang basahin eh mas lalo pa itong naging mas mahirap.

"Penny for your thoughts?" Isang tinig ng isang anghel

Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko ang isang napakagwapong nilalang na merong kulay na kapeng mata na may halong pula at ang buhok nitong kulay itim, ang mga matang mapupungay, mga pilik matang napakahaba na daig pa sa babae, ang ilong nitong may pagkatangos, ang labi nitong mapupula at nakakapaghipnotismo, ang kulay puti nyang balat, ang katawang pinapangalagaan, kita ang kanyang six pack abs, nakaarmor ito na kulay pula at may kapa ito na parang kay Dracula at ang large Sword nito na halatang mula sa isang Boss na ang Phoenix. Pero mas nangibabaw sa akin ang kanyang dalawang pangil .

Bigla naman nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napaatras ako pero mali ang ginawa ko dahil mahuhulog na ako sa upuan , napapikit ako at hinihintay na mahulog ako pero may naramdaman akong may sumalo sa akin, napadilat ako at nakita ko ang lalaki kanina. Naginit ang mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin para hindi nya makita.

"Ahmm thank you"pasasalamat ko

Ngumiti naman ito.

"Your welcome miss?" Habang nakalahad ang kanyang kamay

"Evilliane" mabilis kong tugon at nakipagshake hands.

Ngumiti ulit ito ng napakatamis.

"I'm Red, Miss Eve" nabigla naman ako sa pagtawag nya sa akin ng Eve.

Nahalata nya sigurong nalito ako kaya nagsalita muli sya.

"Because the word Evil is not suits to you, Eve is more than Better" sabi nito

"Ohh, nakakatuwa naman iyon " nasabi ko bigla at napangiti.

Ang gwapo nya syet! ugh! kailan pa ako natutong lumandi?

"Ahmm Red, I got to go" sabi ko

"Oh is that so?, ahm can I be on your Buddy List? So we can still communicate each other?" Tanong nito

"Of course yes" sabi ko at nagbigay ng Buddy Request. Agad naman nya itong Inaccept.

Nagpaalam na ako dito.

I never imagined that I will met a Guy like him. Kinikilig ako for the first time of my life!

Oh kailangan ko munang magseryoso ngayon dahil madami pala kaming problema.

______________________

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon