BQO 23: Red

1K 53 5
                                    

(REVISED)

_______________

BQO 23: Red

Evillaine's POV

01:00 p.m

"Tara kailangan na nating magtungo sa hilaga, malayo pa ang lalakbayin natin" Lucyfier

Magboboss hunting kasi kami.

"Teka! paano si Empress?"napatigil naman kami sa sinabi ni Satania

Hayy ... lakas talaga ng epekto nya samin.

"Hayaan muna natin sya, kapag hahanapin natin sya hindi talaga natin sya makikita pero kapag hindi muna natin sya hahanapin duon naman sya susulpot" sabi ko.

Parang isang bagay lang yan, kapag hinahanap mo, hindi mo makita pero kapag hindi mo hinahanap bigla mo nalang itong makikita.

"Sabagay may punto ka" Satania

"Yah yah! Tara na !" Lucyfier

**

Kasalukuyan kaming tumatawid sa isang sirang tulay, ito lang kasi ang pwedeng daanan, hindi pwedeng gamitin ang mga pakpak namin dahil disable ang mga ito sa lugar na ito, medyo mabaho din ang amoy ng lugar.

Nakakasuka ang paligid puno ito ng mga gutay gutay na mga katawan, at may mga kakaibang mga nilalang.

"Ghouls?" Biglang sambit ni Deimon

"Parang" Lucyfier

Mukha nga itong mga ghouls dahil kumakain ito ng flesh ng mga tao. Ang kaibahan ay kulay puti ang lahat ng Mata nito , pero ang balat ay kulay itim.

Napatingin naman sa amin ang mga ito at biglang sumugod. Hinarang ko ang Ogre's Arm ko at marahas na tinulak ang mga to.

Minasdan ko ang kapaligiran at may nakita akong putol na kamay kaya agad ko itong kinuha at winagayway ito.

"Hit lang kayo ng hit!" Sabi ko.

Empress' POV

Pinagtitinginan ako habang naglalakad sa City, wala ng nakakakilala sa akin dahil naka cloak ako para matago ang katauhan ko. Ayoko ng makita pa nila ako hanggat hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang dahilan ni Blood kung bakit nya ito ginagawa.

"Ang angas naman nito, kala mo kung sino"

"Tsk. Papansin lang yan"

"Oo nga, mukha namang mahina"

"Hamunin mo kaya ng duel pre"

"Ha! Sige mukha naman syang mahina eh"

Psh. Wag nyo kong maliitin mga bwisit .

Napatigil ako sa paglalakad ko ng may humarang sa aking maskuladong lalaki.

"Ang angas mo ah" sabi nito

Hindi ko ito sinagot, ngumisi lang ako ng patago.

"Labanan mo ako , kapag natalo ka magiging alipin kita" sabi nito at pinasahan ako ng duel request.

Psh. pasikat tong kupal na to.

Hindi nalang ako sumagot at inaccept nalang ang imbitasyon.

Nagkaroon ng barrier sa paligid namin at nagkaroon ng timer.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon