BQO 24: Angels vs Legendary Boss
'3 months later'
[October 08, 2020](Thursday) 07:28
At Chaotic Land(Maze Galaxy)Third Person's POV
"Tama ba tong dinadaanan natin?" Tanong ni Emperor
Tatlong buwan na ang nakalipas at ngayon ay nasa level 50 na sila, at matagal na din magmula ng makita nila ang mga Demon Race.
"Oo naman" sagot ni D34TH
"Siguraduhin mo lang Patay ha" biglang salita ni Mirakuro
"Pwede ba! Tigilan nyo ako sa tawag na yan!" Yamot na sigaw ni D34th
Nasa isa silang tunnel ngayon at may hawak silang mga torch, patungo sila sa isang Chaotic place na ang ChaoXi kung tatawagin ang lugar.
Nalaman kasi ng mga binatang ito na dito matatagpuan ang nagiisang Legendary Field Boss na makakapagbukas sa panibagong dimension.
Nabalitaan din nilang lahat ng mga Angel Race ay lalakas kapag nandoon ka, tila parang life source kung tatawagin iyon. Sa araw araw nilang pagsabak sa mga laban ay natuto na silang hindi na gaanong nagtutulungan. At bawat sa kanila ay mas nagiging matatag at mas lalo pang lumalim ang pagkakaibigan natin.
Sa oras ding iyon ay may iniisip si Emperor, nagaalala ang binata sa isang dalaga na ang pangalan ay Empress na sa ngayon ay nawawala daw, dahil tatlong buwan na nung nabalita sa kanila na nawawala ito at hindi pa nakikita.
Ngunit hindi alam ng mga players na nagbabalat kayo lang ito, sa katuhan ni Snap na akala nila ay lalakeng ninja. Na may mga skill na ang elemento ay Ice, Lightning at Fire.
**
Sa isang Guild House may mga nagsasalo salong mga players na magkakaguild, nagiinuman at nagsasayahan ang lahat. Pero hindi lingid sa kaalaman nila na may nagmamasid sa kanilang isang player na madalas na pumapatay ng mga players. Hindi man kilala ang player na iyon bilang Player Killer pero sya ang matagal ng hinahanap na Death Reaper. Ang Death Reaper na pumapatay ng mga players ng patago at nagiiwan ng tatlong kalmot sa mga binibiktima nito, na wala pang nabubuhay dahil lahat ay sinisigurado nyang patay.
"Magpakasaya lang kayo~" bulong ng isang player
"Grabe ang na loot natin ngayon !" Sabi ng isang lalaki na may espada sa likod.
"Oo , yumayaman na ang guild natin!" Sabin ng isang babaeng may pana.
Naghihintay naman ng tyempo ang isang player na ngayon ay nasa puno na at nakahiga, humikab ito habang hinihimas ang kanyang alagang dragon. pinalipad nya ito patungo sa kinaroroonan ng mga players sa Guild House at inactivate ang Battle Mode nito kaya biglang naging dambuhala ang dragon na may kulay pulang mata, ang pakpak nitong parang sinusunog ngunit kulay asul , hindi ito mainit kundi malamig, at tuwing pinapagaspas ay may parang kuryente na lumalabas, kulay pula ang mga mata nito, at kulay asul na may halong dark violet ang dragon...
"Fuyu do it" bulong ng player na nasa puno
Pagkabanggit ng mga salitang iyon ay mabilis na nagbuga ang dragon na ang ngalan ay Fuyu, nang isang apoy na kulay dark violet na hindi lang mainit kundi lumalamig din bawat tatlong segundo ang lumilipas.
"The show has began" at dali daling tumalon ang isang player na animong ninja. At iyon ay ang nagiisang si Empress na nasa katauhan ngayon ni Snap na akala ng lahat ay lalaki, na isang misteryoso, seryoso at tahimik ay sya pala ang kinakatakutang Death Reaper na pumapatay ng mga player.

BINABASA MO ANG
Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS}
Fiksi Ilmiah--- "When the night strikes, stay on safe zones, because when I see you. You will be dead" - Death Reaper --- "You don't know me, so don't trust nor believe me. I'm the most mysterious player that can fool you" - Snap --- "She's my Master and I will...