FloatingCity BDQ 37: The ComeBack

805 44 2
                                    

(REVISED)

______________

FloatingCity BDQ 37: The ComeBack

Third Person's POV

[October 15, 2020](Thursday) 07:30 a.m at Somewhere

Nabigla ang lahat ng players dahil nasa isa silang malaking kwarto na kulay puti, may mga napasigaw naman ng biglang lumindol at nawalan sila ng natatapakan, halos ay napahiyaw sa nangyari.

"Ahhhhhh"

Sigaw ng lahat, kita din ang pagtataka sa mukha nila. Ano ba yung nangyari? Mga 30 minuto silang na stuck sa kwartong iyon tapos bigla nanaman silang nahuhulog gaya ng kanina. Kita mo ang ulap , sariwa ang hangin.

**

"Taena anong nangyayari?! Uwahhhhhhhhh" sigaw ni Red

"Ano ba yan! kyaaa ! Parang bakla hahaha uwahhh" Evillaine.

Napakunot na lamang ang binata sa sinabi ng dalaga. Sa pagsigaw nila ng malalakas at sa paghulog nila ay bigla silang bumagsak sa lupa at nawalan sila ng malay, hindi crater ang nagawa kundi kung paano sila nahulog, hugis tao at medyo malalim ang pagkakabagsak nila. Hindi lang sila kundi lahat ng mga players, hindi nagamit ng iba ang mga Wings nila dahil na disabled ito sa hindi alam na dahilan.

Evillaine's POV

[October 15, 2020](Thursday) 09:45 a.m at Floating City


Wala akong makita at hindi ako makahinga, nakadapa ako pero itinaas ko ang kamay ko at may nahawakan kaya sinubukan kong tumayo. Sa pagtayo ko ay napakunot ako ng noo dahil madami akong nakitang hugis ng tao, at nabigla ako ng may mga kamay na lumabas. Parang mga zombie. Tsk. Ang mga players pala ang mga yon. Buti naka hood ako ng puti kaso nadumihan. Tsk.

Tumalon ako at lumapag sa patag na lupa , hinanap si Red , nakita ko naman ito kaya agad ko ito tinulungan.

"Bwisit ano ba ang nangyari?" Red

"Hindi ko alam"sabi ko at nilibot ang paningin. Nasaan ba kami?

Tumingin ako sa itaas at may nakita akong hologram na ang nakasulat ay 'Welcome to Floating City'

"Floating City" banggit ko

"Oo nga noh" sabi nya at nakatingala din.

Hinawakan ko sya sa kamay at hinila.

"Tara na at maglakabay wag tayong magaksaya ng oras"seryoso kong sabi sa kanya

Wala naman itong nagawa at sinundan na ako. Sa paglalakad namin ay may mangilan ngilan na kaming nakikitang mga kabahayan at mga malalaking building. Nakakita na din kami ng daan meron ding mga flying cars at iba pa. Walang mga sasakyan na nasa lupa dahil nasa himpapawid lahat. May mga tao din na mga sibilyan na mangilan ngilan. Pero ang kapansin pansin ay ang pagmamadali nila, parang may pinagtataguan.

"Sa tingin mo?"tanong ko kay Red

Nagets naman nya ito kaagad .

"Well I don't know either."sagot nito

Hinila nya ako at pumasok sa isang hotel.

"Ahmm miss" Red

Hindi makatingin ang Babae na Receptionist dahil patingin tingin ito sa kaliwa tapos kanan, mukhang takot na takot ito.

"Miss, are you okay?"nagtatakang tanong ni Red

May saltik ba yung mga tao dito? Bakit ba sila parang mga kitekite na hindi mapakali sa isang pwesto.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon