Crust/Earth BQO 52: North Pole Boss

73 3 0
                                    

~~~

REMEMBER: If you're active in voting and commenting, your character will live longer or will be alive until the game is over. BUT, If you're not active in voting and commenting your character will die in the hands of Death Reaper.

~~~

[December 05, 2020](Saturday) 7:30 p.m at Nightingale's Place

Crust/Earth BQO 52: North Pole Boss

Empress' POV(Hades Mode)

Madali akong pumunta sa Nightingale para sabihin kay Lord Knight ang nakuha kong impormasyon. Agad kong pinuntahan ang opisina nito, walang pasabing pumasok kaya kita ko ang gulat kay Prince na kanang kamay nito.

"Mukhang napaka importante ng pagpunta mo dito kaya nakalimutan mong mag bigay respeto?" Seryosong sabi ni Prince

"Pagpaumanhin ngunit gusto ko lang sabihin na nahanap ko na ang lokasyon ng Boss" sabi ko ng nakatingin kay Lord Knight. Hindi ko kita ang ekspresyon nito ngunit parang ngumisi ito.

"Mabuti at may silbi pala ang hindi mo pagpunta sa pagpupulong kanina." Sabi nito, lumapit ako kay Lord Knight para ibigay ang mapa kung saan ang lokasyon ng Boss.

"Mauna na ho ako" sabi ko at umalis na doon. Alam kong ibabahagi nya naman iyon mamaya.

Kakain na lang ako dahil nagugutom na ako, gusto ko mang lumabas ng laro pero hindi pwede dahil kailangan kong malaman kung anong plano nya. Tutulong din naman ako sa boss, okay lang kahit hindi ako ang makalast hit dito, hindi ko naman kailangan ang mga loots nito. Maghahanda na lang ako para sa pagsugod.

Ilang minuto lang at nagtawag ng malaking pagpupulong si Lord Knight, hindi lang ang mga Nightingale ang mga naririto dahil may mga ilang players din na hindi kasali sa amin na tutulong sa pagpatay sa Boss. Nasa stage si Lord Knight at may malaking screen sa likuran nito.

"Good Evening to all of you, kaya ko kayo pinatawag dahil nahanap na namin ang lokasyon ng North pole Boss sa tulong ng bagong myembro namin na si Hades..." Oh my credits pala ako. Mabuti

"Sa ngayon ay maghanda muna tayo ng mga kakailanganin natin at bukas ng umaga tayo susugod, napagalaman kasi namin na masyadong delikado ang lugar na iyon. Mas malakas ang snow storm nito at sinabayan pa ng hail storm kaya masyadong delikado. Ang mga may Fire attributes ang mas makakatulong sa atin dahil mapapababa nila ang lamig sa katawan natin kapag nandoon na tayo. Maaari tayong mamatay sa lamig at hindi natin iyon gusto. Hindi rin tayo makakagawa ng tent doon dahil matatangay lang iyon ng sobrang lakas ng hangin. Pagkakaisa isa ang kailangan natin bukas para makasurvive. May mga scientists kaming gumawa ng mga pills kung saan iinit ang pakiramdam mo kaya makakaya pa natin ang lamig bukas. Sa ngayon ay magpahinga muna kayo upang magipon ng lakas para bukas na laban. Aasahan ko kayo bukas ng 4:00 am. Iyon lamang " mahabang speech nito at bumaba na sa entablado.

Mukhang nakakapagod bukas ah, kailangan ko ng magpahinga. Hindi biro ang boss sa pagkakaalam ko kay Blood.

***

[December 06, 2020](Sunday) 3:45 am at Nightingale's Place

Maaga akong nagising at naghanda, kasama ko ngayon si Queen Lea na parang linta nanaman na nakadikit sa akin. Hinayaan ko na lang ito dahil wala naman syang ginagawa sa akin bukod doon.

"Lea wag kang lalayo mamaya sa akin ah" paalala ko dito , kaklase ko pa rin ito at hindi ko naman hahayaan na mamatay sya noh, kahit na gusto nya noon na mamatay ako. Maldita lang talaga ito at puno ng insecurities sa katawan.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon