(REVISED)
(A/n: Deimon po sa taas/gilid 👆👉)
Chapter 10: Deadly Demons vs Archangels Ascention (PART 2)
Satania's POV
Nakatayo ako ngayon kaharap ang asungot na nangangalang Christian29 , psh no match sakin to.
Ang Deadly Demons ay malayo sa isa't isa dahil may kanya kanya kaming kalaban. Kilala nyo naman siguro ako diba? Pero ugali ko hindi nyo pa alam, isa akong napaka kulit at may pagkachildish, hindi ko lang pinapakita kasi baka magalit sa akin si Evillaine ayaw nya kasi ng maingay si Deimon naman babarahin lang ako non kaya minsan tahimik lang ako. Battered Friend na ako , kawawa ako diba? Ahuhuhu buti pa si Empress okay lang sa kanya ang kaso naman ang bossy nya , minsan ako lagi inuutusan sa Bahay. Ang sama nila sakin. Si Lucyfier ? Naku! nagfefeeling leader eh ang liit naman , haha uy quiet lang kayo ha.shh
"Hindi pa ba tayo magsisimula?"seryosong tanong ni Christian29
psh, panira naman to ng moment.
"Nakikita mo bang nagsisimula na? "Nakapout kong tanong
Hindi nya ako sinagot subalit ay sinugod nya ako gamit ang katana nya at winasiwas nya ito sa akin kaya agad kong hinarang ang shield ko.
gamit ang wheels na nasa paa ko ay mabilis akong nakapunta sa likuran nya at sasaksakin sya pero agad nyang nasalag ito gamit ang katana nya. Pasimple nyang kinuha ang Daggers nya at hinagis sa akin umiwas ako pero nadaplisan ako sa kaliwang pisngi kaya nag down ng 2% ng HP ko, ang weak naman nito.
Gamit ang spada ko ay sumugod ako sa kanya ng mabilis , iwas lang sya ng iwas sa atake ko pero nadaplisan ko sya sa kaliwang braso kaya nagdrop ng 4% ang HP nya.
"Shadow slashes"bigkas nya at winasiwas ng maraming beses ang katana nya pero wala akong nakitang atake na ginawa nya.
"Wheels" mabilis na bigkas ko. At dahil mas lalo na akong bibilis agad akong umalis sa pwesto ko sabay Skip sa likod nya. Sabay skill ng ......
"Sun slash" hindi sya nakaiwas sa atake ko dahil medyo malapit ako sa kanya.
Nabawasan sya ng 26% aya 70% nalang ang HP nito.
Nagbalanse sya at nagfighting stance sya, seryoso itong tumingin sakin. May binulong sya at bigla na lang nawala .
"Shadow Blast" rinig kong sabi nya , nasa likod ko pala ito kaya natamaan ako.
Nabawasan ako ng 38% aya 60% nalang ang HP ko, dahil napaka lapit nya nung gumamit ng skill kaya ang laki ng bawas nito sakin.
"Armour" skill ko.
Tumakbo ako papalapit sa kanya at nag Skip sa harapan nya ..
"Sun Hit"skill ko. Isa itong one hit skill.
Nanlaki ang mata nito pero nagbigkas ito ng skill.
"Glass" at nagkaroon sya ng harang pero nasira iyon ng skill ko at natamaan parin sya, tumilapon sya sa isang lumang building. Habang hindi pa sya nakakabawi ay nag Skip ako sa harapan nya at ilalast hit ko na sana sya ng biglang, sinipa nya ako sa tyan kaya tumilapon ako. hindi naman gaanong malayo pero nakita kong may papalapit na sa akin ng mga Daggers kaya hindi ko na naiwasan , natamaan ako sa dalawa kong braso, binti , tyan at sa... puso.
Unting unting nagdodown ang HP ko .
Hindi ako pwedeng matalo ng ganon ganon lang, ano pang silbi ng pagiging mabilis ko kung matatalo ako ng ganito lang?
BINABASA MO ANG
Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS}
Ciencia Ficción--- "When the night strikes, stay on safe zones, because when I see you. You will be dead" - Death Reaper --- "You don't know me, so don't trust nor believe me. I'm the most mysterious player that can fool you" - Snap --- "She's my Master and I will...