Crust/Earth BQO 49.2: Nightingale

479 25 0
                                    

~~~

REMEMBER: If you're active in voting and commenting, your character will live longer or will be alive until the game is over. BUT, If you're not active in voting and commenting your character will die in the hands of Death Reaper.

~~~

[December 03, 2020](Thursday) 12:00 p.m at Nightingale's Floating City Lair a.k.a NFC Lair

Crust/Earth BQO 49.2: Nightingale


Empress' POV(Hades Mode)

Naging alerto ang kalaban kong si Freid, nasabi ko na bang isa syang Archer? Hindi lang sya Archer dahil ang kanyang bow ay kakaiba kaya nitong magiba ng anyo to Bow to Sword to Dagger at marami pang iba, isa sa weapon nya ang nakukuha lang sa mga Field boss at sa mga Gods/Goddesses. At isa si Freid sa mga swerteng myembro ng Nightingale na binigyan ng ganitong weapon at dahil iyon sa kanilang pinuno na si Lord Knight. Hinanda ko na din ang aking Katana at pumorma ng fighting stance, pinagmasdan ko si Freid at tinitigan sa mata, biglang kumislap ang mga mata nito kaya naging alerto ako, tama nga ang hinala ko dahil mabilis nya akong pinaulanan ng mga pana, 3 seconds lang pero 30 ang panang itinira nito sa akin. Ang nagawa ko lamang ay salagin at iwasan ang mga yon dahil hindi ko pwedeng tirahin si Freid dahil gahol ako sa oras at mas maganda ng may plano muna bago ang tumira, sayang ang lakas ko kung agad akong mapapagod, kailangan ko pang kalabanin ang buong Council dahil iyon ang pinili ko. Kapag natalo ako ay hindi ko tatanggapin dahil nangako ako sa sarili ko na isang beses lang dapat ako mamatay at ang isang beses na iyon ay tapos na dahil ako naman ang kailangang lumamang. Ilang segundo ang dumaan bago natapos ang mga pana pero meron pa ring mga susunod kaya sa inis ko ay sikreto kong ginamit ang shadow barrier ko. Habang nasa loob ako ng barrier ay itinarak ko sa lupa ang katana ko at gumawa ng mga hand gestures habang nakapikit.

"Hades The God of the Underworld, Lend me your power to call Cerberus! CERBERUS! CONQUER!" pagcast ko ng isang Forbidden skill.

Nagkaroon ng magic circle sa tinatapakan ko at lumabas ang alagad ni Hades na si Cerberus, umakyat ako at sinakyan ko ito. Paano ko nga ba nakuha ang Forbidden skill na ito? Sympre sa tulong ni Blood at iba pang mga GMs. Inalis ko ang ginawa kong barrier at nagcast ng skill .

"Fire Burst" at winasiwas ang katana ko sa pagwasiwas ko ay lumabas ang mala tsunaming apoy papunta kay Freid, nasunog lahat ng mga panang papunta sa kinaroroonan ko.

Inutusan ko naman itong Cerberus na pumunta sa kinaroroonan ng kalaban ko.

"Wildfire" pagcast ko muli at sa pagkakataon naman ulit ay napuno ng apoy ang buong kapaligiran nagmistulang may nasusunog na gubat dahil sa lakas at laki ng apoy sa paligid. Mainit pero para sa akin ay masarap sa pakirapamdan, sa totoo lang ay ang apoy nito ay galing sa imyerno kaya kakaiba ang init nito. Hindi ka masusunog pero mararamdaman mo at mahigit sampung beses ang sakit nito kaysa sa ordinaryong apoy.

Nakita ko sa Peripheral ko na gumawa sina Jeydas ng barrier para maprotektahan sila.

Tinutok ko ang katana sa kinaroroonan ni Freid at nagblink ako sabay bigkas ng...

"Execute" at biglang nahiwa si Freid kaya nagbalik ang dating itsura ng training room at biglang naheal si Freid, nilapitan ako nito at ngumiti ng malapad.

"Nice battle, hindi na ako makapaghinatay na maging magkagrupo tayo" tinanguan ko lamang ito at bagot na tinignan ang kinaroroonan ng mga councils.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon