Heaven BQO 29: Not Complete

834 37 1
                                    

(REVISED)


_____________________________

Heaven BQO 29: Not Complete

Empress' POV (Snap)

[October 10, 2020](Saturday) 3:00 a.m


nasaan ako? Bakit ang dilim?

Sa kadiliman na nakikita ko ay biglang may Liwanag na akong nakikita, unti unti akong nasisilaw, sa paligid ay nakikita ko ang isang binata na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed at maraming aparatus ang nakalagay sa kanya, naka life support na lamang ito. Ang napakagandang lalaki na mukhang kasing edad ko lamang. Nakakaawa ang lagay nito , gusto ko syang lapitan ngunit kahit na tumakbo ako sa kinatatayuan ko ay hindi ako naaalis. Parang may nagtutulak sa aking lapitan ito at yakapin at hagkan.

Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Ano? , bakit ako naiiyak?" O mas magandang sabihin ay bakit ako umiiyak?

Sumasakit at kumikirot ang dibdib ko, hindi ko alam kung anong dahilan. Nakita ko lang ang kalagayan ng binata ay naganito na ako. Hindi ako mapakali, totoo ba tong mga nakikita ko? Kung totoo , gusto kong makita sya.

"Im..pyer....no.....k-ko" biglang nagsalita ang binata

Impyerno ko?

"Demonyo ko" bigla na lang lumabas sa bibig ko

Biglang gumalaw ang daliri ng binata at unting unting minumulat ang kanyang mga mata, ngunit ng malapit na nitong mamulat ang mga mata nito ay biglang nagliwanag ang lahat.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon