BQO 17: Hidden Quest

1.6K 65 5
                                    

(REVISED)

_____________

BQO 17: Hidden Quest

Third Person's POV

Kasalukuyang nasa coffee shop ang ating mga Protagonists, pinag uusapan nila kung ano ang una nilang gagawin dito sa first galaxy.

[2:00pm at Antennea City]

"Well guys, bakit hindi na lang natin libutin ang City?" Suggestion ni Lucyfier

Umirap muna si Deimon bago sumagot.

"pwede din"

Habang nagiisip sila ng gagawin ay si Empress naman ay seryosong nagiisip.

Siniko nang mahina ni Evillaine si Empress. Nabalik naman sa ulirat si Empress at tinignan si Evillaine .

"Problem?"tanong ni Evillaine sa kanya.

Tinignan lang sya nito at nagsnasnap.. napakunot naman si Evillaine sa ginawa ni Empress habang ang iba naman ay busy sa paguusap.

'Ano nanaman kaya ang problema nito?' Tanong ni Evillaine sa kanyang isip

'Leche naman to, yung Blood kasing yon eh! Lintik ! Nakita ko na ang mukha nya at kung anong gender nya at grabe I never imagine that Blood is just ------------'naputol ang pagiisip ni Empress ng bigla nalang syang tinulak.

"What was that for?!" Hiyaw nya habang tumatayo sa pagkakaupo.

"May tinatago ka ba?"Lucyfier.

Hindi sya sumagot subalit ay nagsnap lang ito muli. Kaya napakunot na lang ang mga kaibigan nya, dahil tuwing nagsnasnap ito ay may importante itong tinatago. At higit sa lahat ay sya ang mahirap basahin dahil kung tutuusin ay dapat sya ang Leader ng kanilang grupo.

"Lintik may tinatago nanaman tong babaeng to" bulong ni Deimon sa mga kaibigan nya. Sumangayon naman ang mga ito.

Humarap naman si Empress sa kanila dahil narinig nya ang sinabi ni Deimon. Tuwing may itinatago kasi sya ay mas lumalakas ang mga sense nya. Sa reality din.

"Shut up"malamig na sabi nito sa kanyang mga kaibigan, naguluhan naman sila sa kinikilos nito, dahil halatang importante ang tinatago nya.

Tumahimik nalang ang mga ito dahil alam nilang gagawa ng matinding eksena si Empress kapag hindi sila tumahimik, nagkatitigan nalamang ang mga ito. Kahit ang Leader nila ay walang magawa, kahit ang partner in crime nya ay walang magawa pero nagkakaroroon na ito ng mga teyorya kung bakit nagkakaganito ang kanyang kaibigan.

**

Lumipas ang isang oras ay napagkasunduan nilang pumunta sa isang Church para magdasal.

Habang nagdadasal sila ay biglang napatingin si Empress sa kanan at nakita nya doon si Blood na nakatingin sa kanya nang masama.

Tumayo si Empress at mabilis na umalis sa simbahan para sundan si Blood. Nagtaka naman ang mga kaibigan nito dahil bigla nalang itong umalis, susundan sana nila ito pero biglang pinigilan ni Evillaine sina Lucyfier, kaya wala na silang nagawa kundi pabayaan ito.

Kitang kita ni Evilliane kung sino ang tinitignan kanina ni Empress pero hindi nya mawari kung babae ba ito o lalaki pero ang alam nya ay kilala ni Empress yon.

'Malalaman ko din kung ano ang tinatago mo Empress' nasabi na lang ni Evillaine sa isip nya.

Demon's Tale Online [Philippine Server] {HIATUS} Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon