<Leah>
<Inside the Motel Room; 1:00 AM>
"I guess this is it." sambit ni Jacob habang chi-ne-check ang room number mula sa message ni Jojo at pinto sa harapan namin.
Di katagalan, nakarinig ako ng isang pamilyar na boses, "Red, stop it please. Ano bang ginagawa niyo? Iuwi mo na aq." iyak ng pamilyar na boses ng isang babae. "Sh*t ka naman Jojo, ngayon ka pa ba magpapakipot, huwag mo naman ako ipahiya sa mga kaibigan ko." pangungumbinsi ng lalaki. Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa habang ilan pang boses ng kalalakihan ang narinig namin na nagtatawanan at nagkakasiyahan. "Poor Jojo", napa-iling ako sa naririnig ko.
"Jacob, matagal pa ba? Ano pa bang hinihintay natin dito, Pasko?" pagmamadali ko sakanya. Tila may hinihintay pa siya ngunit hindi na maganda ang sitwasyon sa loob dahil palakas ng palakas ang iyak ni Jojo. Kaya dali-dali ng sinira ni Jacob ang pinto.
Napakalakas nito, isang sipa lang niya sa pinto ay nasira agad ito. Natahimik panandali ang mga taong nasa loob ng kwarto at nagtinginan. Tumayo sila at nagsimulang lumapit sa pinto. "Sino ka ba ha? Anong kailangan mo?" pamumuna nila sakanya. Nagsimulang lumakad si Jacob papasok ngunit dali-dali akong tumakbo sa loob at hinanap agad si Jojo. Nakita ko siya sa taas ng kama, sira-sira ang damit at namumugto ang mga mata. Habang si Red ay nasa ibabaw rin ng kama hawak-hawak si Jojo sa braso. Hindi ako nag-atubili at sumugod sa kinaroroonan niya, "Hayop ka Red!" sigaw ko.
Sabay ko siyang hinablot sa kuwelyo ng kanyang polo at sinipa paalis ng kama. Nang makita ko siyang nasa sahig. Agad-agad kong ibinaling ang atensyon ko kay Jojo na tila na-shock. Niyakap ko siya ng mahigpit at tinawag ng paulit-ulit. Hanggang sa niyakap niya ako pabalik at bumuhos ang kanyang luha, "Leah, you're here... you're here..." paulit-ulit na iyak nito.
"Leah anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Red habang nakahawak sa kanyang batok at likuran. "Pabayaan mo kami ni Jojo, nag-uusap lang naman kami." paliwanag nito at nagtangkang umakyat pabalik ng kama.
"Blog.... Krrrrkkk..." Nakakita ako ng bote ng wine sa bedside table at binasag ko ito, naiwan ang matatalim na bahagi ng bote habang tumutulo ang wine sa kama. "Subukan mo lumapit sa amin at sisiguraduhin kong tatarak to sayo", pagbabanta ko dito.
Itinaas niya ang kamay niya at unti-unting bumaba. Batid sa mukha niya ang pagkainis at galit. Pero wala akong pakialam. Takot ako oo, sobrang takot, pero hindi ko hahayaan na hawakan pa niya ang bestfriend ko ng madudumi niyang kamay. Nagpatuloy ako sa pagyakap kay Jojo. Bigla kong naalala si Jacob.
Pak.
Bog.
Blag.
Bagoom.
Sipa dito. Sipa doon. Suntok dito. Suntok doon. Parang mga human punching bag ang kinalabasan ng mga lalaking kasama ni Red sa kwarto. Panay ang aray nila habang si Jacob ay mayroon lamang isang galos sa kanyang bibig. Pawis na pawis ito ngunit hindi niya alintana bagkus naka-focus siya kung paano papatumbahin ang 4 na lalaki na nagtutulung-tulong laban sa kanya. Namangha ako sa aking nakita. Sobrang namangha ako. Ngunit sa isang iglap, isang malakas na tinig na punung-puno ng pag-aalala ang lumabas sa aking bibig,
"Jacob, sa likod mo!"
Ngunit huli na, tinamaan siya sa gilid ng kanyang ulo. Nakita kong tumulo ang dugo mula sa kanyang sugat papuntang leeg, balikat at braso niya. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na patakbo sakanya. Inigkas kong mabilis ang aking paa at binti.
"Jacob", ani ko. Hanggang sa makarating ako sakanya. Bahagyang napaluhod si Jacob, kaya niyakap ko ito sa kanyang tagiliran. Pinunit ang kanyang t-shirt na suot ko upang ipahid sa kanyang sugat at dugo. Big enough upang ma-exposed ang aking beywang. Nanginginig ang mga kamay ko. Pero kailangan ko siyang tulungan. Natigilan ako ng marinig ko ang mga lalaki, habang papunta sa akin.
BINABASA MO ANG
My Imaginary You -- (I'm In Love With)
Short Storywhat if, it's all going in your head? that the kind of person you love does not exist AT ALL? what if, all the details about him/her are just thoughts created by your own imagination? can you still be able to distinguish the difference between image...