Chapter 3: Cloudy Weather

100 1 0
                                    

(Leah and her first real encounter with her Prince Charming?)

>At Leah's Living Room< 

<December 9, 2011 -- Friday 3:00pm>

Naghanap ako ng pwedeng meryendahin sa ref namin habang si Jojo naman ay nakahiga na sa sofa (feel at home na feel at home).

"Mukhang mahaba-habang usapan to wah, kinailangan pa nating bumaba", hirit ni Jojo.

"Mainit kasi sa taas kaya inaya kita dito, para nadin makapag-snacks tayo", sagot ko naman.

"Sosyal, sana lagi ka late sa exam at may away kay Prince Charming para laging may meryenda", biro niya.

"Jorella Joshei E. Rodriguez, baka gusto mong umuwe ng basa ng dahil sa Nestea?" singit ko (with matching killer look).

Sabay lapit sa akin at inabot ang hawak kong Nestea, "Joke lang iyon, ikaw naman oh, ako na magdadala nito."

Ayan all-set na, at dito nagsimula ang kwento ko, 3:00 pm to be exact.

FLASH BACK

>In Front of the Classroom <

<the same day flashback 9:45am>

"Kung hindi ka papasok pwede huwag kang humarang sa pinto?" sabi ng isang misteryosong lalaki na biglaang sumulpot sa likod ko (pero infairness kaloka ang boses niya).

Ang yabang huh, ano ba pinagmamalaki ng lalaking ito, teka nga masampolan, "Excuse me? Nauna ako dito sa pintong ito kaya pwede mag-antay ka kung kailan ako makakapasok." siguro nasindak siya, haha, matignan nga ang reaction ng mukha niya, kaya't lumingon ako "Sino ka ba sa..."

Whhhaaattttt????????? Totoo ba itong nakikita ko? Si...Si...Prince Charming... (feeling ko tumigil ang oras that time...)

Hindi niya pinansin ang huling sinabi ko, sa halip ay nagtuloy tuloy siya sa pagbubukas ng pinto. Mukhang di pa siya nasatisfied kaya binunggo pa niya ang balikat ko. "Aba! Teka" rebelde ng isip ko. Walang modo ito huh. "Sandali! Sandali" parang hindi ata ako makapaniwala. (Pero something's wrong in here. Ang lalaking nakikita ko ay ang taong pinaka-hinahangaan ko, kaya imposible na si....)

Si...si...si Jacob Ynares ay walang modo?

Si Jacob Ynares ay mayabang?

Si Jacob Ynares ay walang awang binunggo ang isang babaeng katulad ko?

"Hindi pwede! Hindi pwede!' tila masisiraan yata ako ng bait. Malamang nagkamali lang ako ng tingin, o kaya nagkamali lang ako ng dinig.

dahil...

dahil...

dahil ang Jacob Ynares na kilala ko ay isang lalaking MATIPUNO at MABAIT.

Nababaliw na ata ako, isa itong malaking pagkakamali, isang misunderstanding lamang ang lahat...isang... isang...

DIIISSSAAASSSTTEEEERRRR!!!!!

[oooooooooopppppppssss... break muna... siguro nagtataka kayo kung bakit ganoon ang reaksyon ko kaya para hindi kayo malito, ipakikilala ko muna sa inyo ang Prince Charming ko. Kilala niyo ba kung sino siya? Walang iba kundi si...

"JACOB YNARES"

Si Jacob ang isa sa pinakatinitingala kong tao, ang Romeo at Edward ng buhay ko. In short ang Prince Charming na pinapantasya at pinakamamahal ko. (at isa ring dahilan kung bakit nagtransfer ako sa school ko ngayon)

Tanong ng Reader: Bakit kamo? at saan ko siya nakilala?

Well back in my elementary days, sa mga panahon na hindi pa masyadong nagbo-boom ang kagandahan ko (unlike now harhar) sa public school ako nag-aral kaya maraming bully sa school namin at sa kasamaang-palad isa ako sa madalas nilang biktima.

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon