Chapter 2: Long Time No See

100 1 0
                                    

(Leah and the worst day of her Life)

<December 9, 2011 -- Friday 8:45am>

Gosh baka mahuli ako... exam pa naman namin ngayon... kaasar naman kasi, kailangan ko ng magmadali...

"Leah, kakain na, bilisan mo naman diyan..." sigaw ni Mama mula sa baba.

Dali-dali akong nagbihis, ni hindi ko na nagawang silipin ang sarili ko sa salamin o kaya magsuklay man lang, dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina kung nasaan si mama.

"Mama, alis na ako bye...." with a kiss on my mama's cheek.

"Hindi ka pa nag-aalmusal", pigil nito sa akin, "Anong masasagot mo sa exam kung walang laman ang tiyan mo?" dagdag pa niya.

"At paano ako makakapag-exam kung late ako?" Sagot q naman sakanya, "Sige na Ma", sabay labas ko ng bahay.

Mabuti nalang along the way lang ang bahay namin kaya mabilis akong nasakay....

15 minutes... (9:00am)

30 minutes... (9:15am)

"Kapag sineswerte ka nga naman", bulong ko sa aking sarili. Sa lahat ng araw bakit ngayon pa nagkaroon ng bonggang bonggang traffic? 15 minutes nalang start na ng exam. (tense na tense na ako sa inuupan kong jeep, to the point na nagpapawis ang hita at kili-kili ko)

Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay magdasal na sana hindi terror ang proctor. Sa gitna ng mataimtim kong pagdadasal sa jeep, nagvibrate ang cp ko.

"Jojo..... calling...." dios ko po. "Heto na ang delubyo," napa-iling ako. Heto na ang terror sa lahat ng terror. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito.

Nakita ko ang  - Answer Call Button - and I pressed it.

"Anong ginawa mo kagabi, bakit ka nagpuyat, anong oras ka gumising, nasaan kana, hindi mo ba alam na exam ngayon, bakit ba nagkaroon ako ng bestfriend na katulad mo?" ang litanya ng pinakasweeeeeeeeeeettt kong bestfriend.

"Pababa na ko ng jeep, papasok na ko ng gate ng school, nagmamadali na ko -----" 

"---don't you dare hang up on----" call ended.

"Me.....?" dugtong ko, sorry Jojo pero masyado ng maraming pressure ang nakuha ko this morning.

It took another 20 minutes bago ako makarating sa harap ng pinto ng classroom namin. (I heavily breathe, with matching pawis all over me. Then I took a deep breath.)

>In front of the Classroom<

 Finally nandito na ako. I took a deep breath then someone passed through me, at ng lumingon ako, nanlambot ang mga binti ko, gusto kong himatayin, pero hindi pwede dahil walang sasapo sa akin... (Kaya naghanap ako ng wall na carry ako sapuhin)

Baka namalik-mata lang ako kaya tinitigan ko pa siya, at inilapit ng kaunti ang mukha ko sa mukha niya. Natigilan ako ng makita kong bukas na ang pinto, at doon lang pumasok sa isip ko na nakita ng lahat ang pinaggagagawa ko. Ang iba ay tumatawa, ang iba ay naiinis. Ang pinakamasaklap sa lahat, nakatingin si Jojo sa akin at naglalakad ang proctor papunta sa amin. (Because i was so embarassed, binalak kong tumakas, and bit by bit tumalikod sa kanila)

"Where do you think you're going Miss....?" Sigaw ng proctor na tila naghahanap ng pwede niyang itawag sa akin.

"Reynoso po." tugon ko naman sakanya. "Ah...eh.... to the comfort room Ma'am", palusot ko. Ng mga panahon na iyon, pakiramdam ko matutunaw ako sa kahihiyan. (Sobrang kabado ko to the point na talagang di nagpapigil ang call of nature)

"NO! I want you to hold your feet right there and stay until the first period ends," galit na sabi nito.

"Are you kidding? Me? With him? For one whole hour?" Paulit-ulit na tanong q sa sarili hanggang sa magpatong patong ang mga katanungan sa isipan ko. "Oh! Come on man." ang tanging nasabi ko sa aking sarili while  wearing an anxious face.

 ***********************************************************************************************************

(Leah and her Best Friend)

I was walking down the hallway ng biglang sumulpot ang pagmumukha ni Jojo sa aking harapan, at nagsabing

"E-X-P-L-A-N-A-T-I-O-N-!-!-!" sigaw nito, wearing an intriguing face.

Today is not a very good day for me pero tingin ko naman mas gagaan ang loob ko kung mailalabas ko itong nararamdaman ko.

We went straight to the canteen at doon nagsimula ang hot spot na inihanda para lang sa akin.

"Jojo, daig ko pa ang kriminal na dinakip ng mga pulis sa salang pagpatay at matapos ay dinala sa Interrogation Room." pangunguna ko dito. "Bakit 'di mo i-try mag-criminology and then join the Ivestigation Team afterwards." (Matapos akong bigyan ng Coke-in-can at paupuin sa harap niya)

Tumaas ang kilay ni Jojo, "Good idea maybe I'll try, now sit", pakiramdam ko para akong aso na walang nagawa kundi sumunod. E ikaw ba naman ang padalhan ng shut-up-bitch signal di ba, "Hush, ako ang Investigator dito kaya all you have to do is to answer my questions, okay?" hirit pa nito.

Ano pa bang magagawa ko, alam ko naman na you won't stop until i spoiled everything out right?

Question # 1: ping ping ping ping ping

"Guilty or Not? Nagpuyat ka na naman ba sa pagbabasa ng "So Into You by Darren Richards?"

Answer: Guilty, hindi ko kasi mapigilan e, bawat scene patindi ng patindi.

Question # 2: ping ping ping ping ping

"Nag-imagine ka na naman ba ng mala-Fairy Tail na love story kasama ang Prince Charming mong hilaw?"

Answer: Oo na, oo na, masisisi mo ba ako? Palibhasa may boyfriend ka.

Final Question: ping ping ping ping ping

"How does it feel to be with your Ideal Prince Charming, in a four-cornered room within 1 hour?"

Napatayo ako sa narinig ko, at napasigaw,

"SIMULA SA ARAW NA ITO, AKO, SI LEAH REYNOSO, AY HINDING HINDI NA MULING TITINGIN PA SA LALAKING IYON KAHIT KAILAN!!! KAYA HUWAG MO NA SIYANG MABANGGIT BANGGIT SA AKIN, TAGA MO PA IYAN SA BATO" 

"Easy, easy." gulat na reaksyon nito, at matapos ay inalalayan ako ni Jojo pababa ng silya.

Nang luminga-linga ako, napansin kong natawag ko pala ang atensyon nilang lahat, kaya sa sobrang kahihiyan ko ay hinila ko kaagad palabas ng campus si Jojo.

************************************************************************************************************

 >At Leah's Room<

"Siguro naman, pwede mo ng sabihin kung ano ba talagang nangyari kanina diba? I didn't except you to react that way, lalo na kung si..." alam kong sermon na naman ito pero di ko rin naman isasantabi ang katotohanan na concern lang talaga si Jojo sa akin. (sabay higa sa kama habang ako naman ay kumukuha ng pamalit ng damit)

HIndi ko na pinatapos si Jojo sa kanyang pagsasalita "...pwede ba Jojo I'm begging you, huwag mo ng ipaalala sa akin ang lalaking iyon. He's the worst, really."

"I can't believe what I'm hearing right now," bakas ang pagtataka sa mukha ni Jojo. "To the fact na siya ang pinag-uusapan dito. Ikaw ba si Leah Reynoso na patay na patay", dagdag pa niya (sabay hipo sa noo ko).

Tinabig ko ang kamay niya, "Bhes naman e".

"Hello, hindi ko kasi maintindihan ang biglang palit ng ihip ng hangin. Ano 'yan change of hearts ng walang dahilan?" sabi niya ng may pagtatampo.

"Oh sige na, sasabihin ko na sa iyo, huwag ka ng mag-emote diyan."

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon