Chapter 13: "Strangled Candor"

6 1 0
                                    

<Jacob>

*Flashback*

<Motel>

Hindi ko namalayan na pumasok na pala siya kaagad. Kaya matapos kong mai-park ng maayos ang sasakyan ko ay dumertso ako agad doon sa reception area, and there, I found her. Isang babae ang nagtanong sakanya ngunit hindi ata siya pamilyar sa mga ganitong lugar and she's acting weird right now. I saw her moved backward kaya agad akong pumunta sa kanyang likuran. I actually don't know what came to my mind but then ito ang lumabas sa bibig ko, "You didn't wait for me babe, don't go walking alone at night silly girl". 

Tumingin siya sa akin at hinawakan ko siya sa beywang, pero sa paghawak kong ito meron akong ibang naramdaman, "I find her so beautiful!" sabi ng aking isipan. Kusang lumapit ang aking mukha sa kanya, and then, We kissed. "I kissed her!" Nagpapanic na sabi ng utak ko but I have to pull my act together. Iisipin ko nalang na isa lang itong palabas.

Umalis siya sa pagkakahalik ko at nakatitig sa akin. I felt so embarrassed, but I like the feeling. Nagsimulang magtinginan ang mga staff, kaya inaya ko siya papasok ng hallway ng motel. Gusto kong makita ang reaksyon niya ngunit hindi ko alam how I would take responsibility of my action. Nawalang siya ng balanse kung kaya't sinuportahan ko siya sa kanyang paglalakad.

*End of Flashback*

***

Ngayon na kasama ko siya sa kwarto. Bigla kong naalala ang mga pangyayari kanina, how beautiful she is, how sexy she is, and how brave she is. Mas lalong umakyat ang mainit na pakiramdam. Nababalot ang aking katawan ng kakaibang pagnanais, asking for more. I just don't want it to be just a Sudden Kiss, but I wanted it to be real. 

And this happened....

Nakita ko siyang umiiyak parin, hinila ko siya papalapit sa akin, pinunasan ko ang luha niya at hinawakan ang kanyang pisngi. I traced her face and every part of it, she closed her eyes, and I pulled her closer, ini-angat ko ang kanyang mukha at hinalikan ang kanyang noo. Matapos nito ay hinalikan ko ang kanyang magkabilang pisngi. I held her tight and I said to her, "Now, let me take full responsibility of that kiss..." 

Naglapat ang aming mga labi. Hinalikan ko ang taas na bahagi ng kanyang labi, isinunod ko ang babang bahagi nito. Naramdaman ko ang tugon niya sa aking halik. Ito ang sagot sa kanina ko pa nararamdaman. Mas nag-init ang aming mga halik, hindi ko na alintana kung ano pa man ang nasa isip niya, but one thing is for sure, "I like her", no, "I want her to be mine."

Hindi ko alam kung gaano katagal nakakonekta ang aming mga labi, but it was a great moment that I will cherish forever. 

***

<Leah>

<SAC Qualifying Round>

As usual late na naman ako. Simula kasi last week ang dami ng nangyari, kay Jojo, sa akin, sa amin ni J.... "Erase, Erase, Erase", bago ko pa man mabanggit ang pangalan niya, iniyugyog ko ang aking ulo tagos sa aking utak. Kailangan namin magconcentrate na 3 para sa Qualifying round. "Kapag nagkita kami hindi ko nalang siya titignan, o kaya hindi ko nalang siya kakausapin, o kaya aarte nalang ako as if wala lang." Nagtatalon ako sa kinatatayuan ko na para bang hindi ko alintana ang mga taong nasa paligid ko. Pinalo ko ang aking bibig ng paulit-ulit, "Bakit ba kasi pumayag ka, bakit? Bakit? Bakit di ka lumayo. Ang tanga tanga mo Leah. Ngayon, ano na iisipin niya sa iyo? Isang cheap na babae?" patuloy ko sa pagkausap ko sa aking sarili. 

"Anong ginagawa mo Leah?", pamumuna ng isang boses na kanina pa pala nagmamasid sa akin. Niyakap ko ito at niyukyok ang ulo ko sa balikat niya, "Bhes!!!", paulit-ulit kong sabi. 

My Imaginary You -- (I'm In Love With)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon