(Leah)
<Near End -- Christmas Vacation>
>Leah's Room -- 11pm<
Ang tahimik naman ng gabing ito. Tapos mag-isa pa ako sa bahay. Si mama kasi mag-o-overtime daw dun sa trabaho niya. Si Romer naman sa barkada daw niya matutulog hays. Gusto ko sana tawagan si Jojo kaso kasama niya na naman yung jowawers niya na iyon. Wala akong magawa. Nakakatamad naman. Nakakayamot. Hindi rin pala masaya na laging walang pasok. Hindi rin pala masaya na araw araw kang tutunganga sa bahay na ito. Hindi masaya na mag-isa ako dahil paulit-ulit kong naririnig ang mga bagay na sinabi sa akin ni Jacob Ynares. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Hay", isang napakamalalim na buntong-hininga nalang ang lumabas sa aking bibig habang unti-unting pumapatak ang aking mga luha. Marahil nga ay hindi talaga siya katulad sa aking ala-ala.
"Blink"
"Blink"
"Hmm? Sino kayang nagtext? Sa ganitong oras ng gabi?" ani ko sa aking sarili at kinuha ko ang celfone ko at tinignan kung sino ang nagpadala ng text message.
"Si Jojo pala... bakit kaya?" nagtataka naman ako di ba dapat kasama niya yung jowa niya ngayon. Blank message lang kasi, malamang may problema na naman sila. Naka-ilang missed call na pala siya ni hindi ko man lang namalayan. Mukhang importante, matawagan nga siya.
"Krrrnng..." "Krrrng..." nakailang ring din ito bago maputol ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ulit ngunit hindi na ako makaconnect sa kanya. Hindi ako mapalagay sa mga oras na iyon. Bihira naman kasi tumawag si Jojo kapag kasama niya ang boyfriend niya unless may nangyari. Dali-dali ako nagpalit ng jeans at nagsuot ng white tank top. Itinali ko ang aking buhok at kinuha ang aking bag. Chineck ko ang oras sa aking phone, "11:30" na pala ng gabi. Saan ko siya sisimulang hanapin. Tinignan ko ang wallet ko sa bag at kinuha ang susi sa aking bed side table.
Madalian akong bumaba ng hagdan at nagtungo agad patungo sa aming pinto matapos kong i-check kung nakapatay na ba lahat ng ilaw.
"Click.." binuksan ko ang pinto nang isang imahe ang bumuluga sa akin, "Ay mamaw!" sigaw ko na mag halong takot at pagkagulat. Sabay hampas ko sa kanyang balikat.
"Ano ba Jacob, ginulat mo naman ako", nagulat ako sa sarili ko ng napaka-casual ng pakikipag-usap ko rito. Matagal ko inensayo kung paano ko siya sisigawan at sasampalin kapag nagkita kaming muli. Pero sa ngaun nagmamadali ako, "Anong ginagawa mo dito?"
Seryoso ang kanyang mukha at isang matipid na sagot ang aking narinig mula saknya, "It's Jojo." Kumunot ang aking noo at nagkibit-balikat, "Oh?" Tanong ko sakanya, habang sinasara ang pinto ng aming bahay.
Matapos kong maisara ang pinto ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila papunta sa kanyang kotse. Mainit ang mga palad nito. Parang ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan sa nangyari, ngunit hindi na ako nakapagsalita pa. Humiwalay ang kanyang kamay sa aking mga kamay nang buksan niya ang pintuan ng kanyang kotse at nagwika in a very cold voice, "I'll explain it on our way. Just cooperate for now."
Tumango na lamang ako at pumasok sa passenger's seat. Naupo ako doon at luminga-linga sa paligid, "Nakakabingi ang kapaligiran", ani ko sa aking sarili, nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking pisngi. Ang kanyang kaliwang braso ay nakakapit sa itaas na bahagi ng kanyang kotse upang suportahan ang kanyang bigat habang ang isa naman ay malapit sa aking bewang inaabot ang sarahan ng seatbelt. Humahalimuyak siya sa bango. At tila ba kitang kita ko ang matitigas na bahagi ng kanyang katawan. Pinagpawisan ako kahit napakalamig ng panahon.
Gulp. Napalunok ako ng laway, nanlaki ang aking mga mata at nagpatuloy lang sa pagtitig sa kanya. Pakiramdam ko ay huminto ang oras ng mga panahon na iyon.
BINABASA MO ANG
My Imaginary You -- (I'm In Love With)
Short Storywhat if, it's all going in your head? that the kind of person you love does not exist AT ALL? what if, all the details about him/her are just thoughts created by your own imagination? can you still be able to distinguish the difference between image...